3 - PRACTICE MAKES PERFECT

11.3K 316 12
                                    

Chapter 3


PRACTICE MAKES PERFECT


Hindi na natuloy yung usapan namin about kay Rica dahil nagsimula nang mag-discuss ang adviser namin. Mas mabuti na 'yun kasi ang awkward naman kung ikukwento pa namin ni Miles kung gaano kamaldita si Rica habang nandun yung pinsan niya sa harap namin. Buti na lang nakalimutan na nila Mark na siya yung topic ng usapan bago dumating yung adviser namin.


At dahil orientation lang ang first day, pagkatapos mag-discuss ng rules and regulation ng university at after namin mag-pakilala isa-isa sa harapan ng mga kaklase namin ay pinauwi na rin kami.


Expected na ni Nanay at Tatay na maaga ang uwian namin dahil first day kaya meron silang binigay na "assignment" sakin para sa fairy lessons ko. At dahil mabuting kaibigan si Miles, nangako siya na sasamahan niya ko. Sanay na siyang makita na ginagamit ko yung kapangyarihan ko kasi madalas siyang manood kapag may lessons kami nila Nanay at sanay na din siya na makita akong mag-anyong diwata. Lahat kasi ng kapangyarihan namin nila Nanay, mas madaling gamitin at higit na mas malakas kapag hindi namin ginagamit ang katawang tao namin. Pero dun lang ako sa enclosed garden namin pwedeng magpalit-anyo para walang ibang makakita sakin.


Naglalakad na kami palabas ng gate ng school nung may tumawag samin.


"Miles! Aya!"Sigaw ni Mark habang tumatakbo sila papalapit samin.


"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanila nung huminto sila sa harap namin. Medyo hinihingal pa sila kaya hindi sila kaagad nakasagot.


"Uuwi na kayo? Tambay muna tayo dun sa field." Yaya ni Charles samin.

Nagkatinginan naman kami ni Miles. Pinandilatan ko siya ng mata para siya na ang magpalusot kung bakit kami hindi makakasama.


"Ah, ano, kasi hindi kami pwede ni Aya ngayon. Next time na lang. Magkikita pa naman tayo bukas 'di ba? May general meeting pa kaya ang freshmen." Pautal-utal na sabi ni Miles.


"Gusto pa kasi namin makipag-kwentuhan sa inyo e. Wala pa naman tayong mga assignments kaya for sure wala din kayong gagawin sa bahay." Pagpupumilit nila Mark.


"Oo nga wala pang assignments kaso...ano ba. May gagawin kasi kami ni Aya na hindi school-related. Ano siya, uhm. Utos kasi ng parents niya kaya hindi pwedeng hindi namin gawin." Ang galing talaga magsinungaling ng kaibigan ko, sa sobrang galing ay halatang-halata na nagpapalusot lang siya. Mabait kasi kaya hindi sanay.


"Ganun ba? Sayang naman. Pero 'di bale, sabay na lang kayo samin mag-lunch bukas."


"Oo, sige ba! Promise babawi kami ni Aya bukas."


"Pasensiya na ha? Baka kasi mapagalitan ako 'pag hindi pa kami umuwi. Una na kami." Pagpapaalam ko sa kanilang tatlo. As usual, si Jet wala na namang kibo, pinapanood lang kami.


******


Pagdating sa bahay, nilapag muna namin ang mga bag namin sa kwarto ko bago kami pumunta sa garden. Nandun na ang mga kakailanganin ko for today's assignment. Nakahilera na sa tatlong long table ang iba't-ibang patay at lantang halaman. Nasa isang daan siguro lahat ng halaman na nandun sa mga lamesa.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon