18 - TIME

6.5K 227 9
                                    

Chapter 18

TIME

Habang naliligo si Miles, hinanda ko na ang sarili ko para sa gagawin kong spell. Nagtataka ako sa sarili ko nitong mga nakaraan dahil habang tumatagal nararamdaman kong mas lumalakas ang tawag ng kapangyarihan ko. Napansin ko din ang madalas na pag-init ng marka ng araw sa likuran ko tuwing gumagamit ako ng mahika.

Binasa ko na ang karamihan sa mga libro kong tungkol sa mga diwata pero ni isa sa kanila ay walang nabanggit tungkol sa mga diwatang tulad ko na may marka ng araw. Ako lang ba ang kaisa-isang diwata na may ganitong birthmark o marami kami? Birthmark na parang may sariling buhay dahil nagagawa nitong mag-init nang walang dahilan. Ano ba ang ibig sabihin ng kadalasang pagbabago ng temperatura nito? Masamang senyales ba 'yun? Ikakapapahamak ko ba ito?

Madami akong tanong pero wala akong mapagtanungan. Baka kapag may iba pa kong makilalang diwata ay may makasagot sa mga tanong ko. Gusto kong pumunta sa mundo ng mga diwata pero nag-aalangan ako dahil wala akong ibang alam tungkol dito. Ni hindi ko nga alam kung paano pumunta dun.

Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok si Miles sa silid namin. "Oh ano Bes, ready ka na ba mag-ala Queen Elsa? Let it go, let it go!"

Pumikit ako para sundin ang mungkahe niya at hinawakang mabuti ang isang lumang hourglass na binigay sakin ni Nanay para sa spell na 'to.

"In my hands I hold the key

Lock the doors of time, but let me free

From the elements they'll be safe

Their mind, body, soul will be enslaved

Keeper of time, my call please heed

As I will so mote it be."

I opened my eyes and everything around me was unmoving. I stood up from my place on the floor and touched Sirius' and Miles' forehead before whispering a very short spell.

"From the spell you too shall be free

As I will so mote it be."

I waited for her to come to life and when she did, we moved fast without talking. We grabbed the things we needed to bring and headed out to the forest.

Sirius led the way, while Miles stared wide-eyed at our classmates as we passed by them. "Ay grabe ka Aya! 'Di ko akalain na may pagka-iskulptor ka pala. Kayang-kaya mong gumawa ng lagpas singkwentang estatwa oh." Biro niya. Nagawa pa niyang dutdutin ang pisngi ng isang kaklase namin.

Halos takbuhin na namin ang papunta sa gubat at huminto lang kami para maglakad nang maramdaman namin ni Sirius na malapit na kami sa kinaroroonan nila Calisto. Pati ang mga nilalang na nasa gubat ay nasa ilalim ng spell na ginawa ko kaya hindi na ko nagulat nang makita ko ang mga kaibigan kong diwata na hindi gumagalaw. Isa-isa ko silang hinawakan gaya ng ginawa ko kay Miles bago sila nagkaron muli ng buhay.

Nanlaki ang mga mata nilang apat nang makita nila kaming tatlo. "Aya? Paano niyo nagawang makapunta sa harapan namin nang hindi namin namamalayan?" Unang naka-recover sa pagkagulat si Kasumi.

"Sigurado akong alerto kami pero paanong hindi namin narinig man lang ang pagdating niyo?" Dagdag pa ni Sedric.

"Time is frozen as we speak. Nagawa ng kaibigan nating white fairy na pahintuin ang oras. Hindi kami pwedeng makita ng ibang tao na papunta dito sa gubat bitbit 'tong mga gamit na kakailanganin niyo sa biyahe papuntang lungsod." Paliwanag ko sa kanila habang inaabot isa-isa ang mga binili naming mga damit. "Itong mga damit na ito ang suotin niyo." Pinakita ko sa kanila kung paano at saan sinusuot ang mga yun at hinintay namin na makapagpalit sila sa likod ng mga puno.

Nang matapos na silang magbihis, pinakilala ko sa kanila si Miles at sinabi sa kanila na alam niya ang pagkatao nilang apat. Isa-isa din namin pinakita ang mga pagkain na dala namin. Pinahiram ko din sa kanila ang extra cellphone na dala ko at tinuruan sila kung paano tawagan ang number namin ni Miles at kung paano sumagot ng tawag namin. Bago ang sim card na nakalagay sa cellphone na yun at kami ni Miles lang ang may alam ng number kaya sigurado akong walang ibang tatawag dun.

"Basta 'pag tumunog 'tong cellphone, pindutin niyo lang 'tong button na 'to tapos itapat niyo sa tenga niyo. Maririnig niyo na kong magsalita nun tapos pwede niyo na din ako kausapin dahil maririnig ko din kayo." Paliwanag ko.

"Tapos mas mabuti siguro na kapag nasa sasakyan na kayo kasama yung driver, bawasan niyo na lang ang pagsasalita kasi medyo makaluma yung pananalita niyo." Sabi sa kanila ni Miles.

"Halina kayo. Dadalin ko na kayo sa lugar kung san natin imi-meet si Mang Edwin." Niyaya na namin sila palabas ng gubat. Kailangan namin silang dalhin sa may waiting shed sa may tapat mismo nitong resort. Dun ko sinabi kay Mang Edwin na sunduin sila Sedric. "Basta 'pag may tinanong si Mang Edwin, tawagan niyo lang ako kagad. Kapag nagutom kayo, kainin niyo lang yang mga pagkain na pinabaon namin." Bilin ko sa kanila.

Nang marating na namin ang shed, nakita kong nandun na ang kulay puting van ni Mang Edwin. Pinaupo namin silang apat sa may upuan ng waiting shed sa tapat ng van at hinatak ko si Miles sa kabilang side ng van kung san hindi kami makikita ng apat.

"Anong ginagawa natin dito Bes?" Bulong ni Miles sakin.

"Paandarin ko na muli ang oras. Hindi nila ko pwedeng makita na nagcha-chant ng spell dahil malalaman nila na fairy ako." Bulong ko pabalik habang nilalabas mula sa bulsa ng shorts ko ang maliit na hourglass na ginamit ko sa spell.

"Time that's frozen as snow,

Let it melt, let it flow.

Creature still as stone,

Give them back what they own

Their body, mind and soul shall be free,

As I will so mote it be."

When I finished the spell, I felt a strong jolt of power telling me that it worked. We went back to where we left the dark fairies and waited for Mang Edwin to get off the van so I could introduce them. "Mang Edwin ito nga po pala si Sedric, Lestor, Calisto at Kasumi. Sila po yung mga kaibigan namin na ipagmamaneho niyo papuntang Las Piñas. Pasimpleng sundan niyo na lang po yung bus namin. Kapag naman po nawala kami sa paningin niyo, sa SM Southmall na lang po tayo magkita, sa may entrance malapit sa National Bookstore." Binigyan ko din si Mang Edwin ng pera para sa toll gate. Sobra-sobra ang inabot ko para kung sakaling magpapagasolina din siya.

"Tahimik po 'tong mga kaibigan namin at may pagka-snob kaya 'wag na po kayo magtaka kung hindi kayo masyadong kausapin. 'Pag may tanong po kayo siguro tawagan niyo na lang po ako at ako na lang ang kausapin niyo. Ingat po kayo sa pagmamaneho Manong!"

Binalingan ko naman sila Kasumi. "Tawagan niyo lang ako 'pag may kailangan kayo ha? Tsaka dapat hawak niyo lang yung cellphone para malaman niyo kagad 'pag tumatawag ako." Bilin ko bago sila pasakayin sa van.

"Ingat!" Paalam namin sa kanila bago kami pumasok ulit sa resort na tinutuluyan namin.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon