8 - DREAMS & REALITY

8.9K 261 8
                                    

Chapter 8

DREAMS AND REALITY

Mag-isa akong tumatakbo sa kagubatan. Hindi ko alam kung saan ako papunta o kung bakit ako nagmamadali. Basta ang alam ko may importante akong hinahanap pero hindi ko alam kung ano.

Sa kakatakbo ko, napadpad ako sa isang ilog kaya napilitan akong huminto. Napaluhod ako sa pagod. Napatingin ako sa malinaw na tubig at nakita ko ang reflection ko. Saglit akong natigilan nang mapansing gamit ko ang anyong diwata ko. Ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko bilang diwata.

I was too busy looking at my reflection on the water that I was shocked when it spoke. "Soon your past will be revealed. Your future and that of your people will hang in the balance. Learn to listen to your heart and fulfill the prophecy."

Ha? Ano yung sinasabi niya? Paanong nakakapagsalita ang reflection ko? Anong ibig niyang sabihin? "Hindi ko maintindihan. Anong meron sa nakaraan ko? Anong propesiya ang tinutukoy mo?"

"You'll know the answers to all your questions soon. You've already met the key, you just have to wait for destiny to do its part."

Gusto ko pa sana siyang tanungin ulit kaya lang may narinig akong ingay sa may bandang likuran ko kaya napalingon ako sa gawi ng mga puno.

"May tao ba diyan?" Sigaw ko.

Walang sumagot pero patuloy parin ang tunog ng mga yabag. Papalapit nang papalapit. Ilang hakbang na lang at makikita ko na kung sino siya.

May isang lalaking diwata ang lumabas sa kumpulan ng mga puno. Nasisinagan ng araw ang mukha niya kaya hindi ko makita.

I looked at him and noticed that he's different from me, although he's also a fairy. His wings were black, unlike mine which was white and a bit transparent. The glow he's emitting is also dark instead of blue. We're the same, but we're somehow different. And yet, I'm not afraid of him.

"Ikaw! Ikaw yung hinahanap ko dito sa gubat." I uttered. I know for a fact that he was the one I was looking for pero hindi ko alam kung ano ang kailangan ko sa kanya.

Habang tumatakbo ako kanina, hindi ko alam kung ano o sino ang hinahanap ko pero nang makita ko siya ay alam kong siya na yung hinihintay ko.

Hindi siya nagsalita, naglakad lang siya papalapit sakin pero bago ko pa makita ang mukha niya ay may narinig akong tumatawag sakin.

"Aya! Aya! Aya anak, gising na. Kanina pa tumutunog ang alarm mo. Baka mahuli ka sa klase."

Naririnig ko ang boses ni Tatay. May nararamdaman din akong yumuyugyog sakin. Gusto ko pang ituloy ang panaginip ko pero unti-unti na itong nawawala. Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang nag-aalalang mukha ng mga magulang ko. Pati si Nanay nandito na din para gisingin ako. Bigla tuloy akong napaupo mula sa pagkakahiga.

"Mukhang mahimbing ang tulog mo anak. Mas mahirap kang gisingin ngayong umaga kaysa sa normal."

"Sorry po 'Tay. Medyo malalim po yung tulog ko e."

"Tinawag ako ng Tatay mo para tulungan siyang gisingin ka dahil akala niya binabangungot ka kanina. Ano ba napanaginipan mo anak?" Umupo si Nanay sa kama ko at hinaplos ang buhok ko.

Napakamot ako sa ulo ko."Hindi ko maalala 'Nay e. Pakiramdam ko importante yung panaginip ko nitong mga nakaraang araw pero tuwing nagigising ako hindi ko na maalala kung ano man 'yun."

"Hayaan mo na. Huwag mo masyadong isipin. Kusa namang babalik yung alaala mo tungkol sa panaginip mo. Siguro sa ngayon, hindi mo pa kailangan kaya nakalimutan ng isip mo." Tumayo na si Nanay at lumabas na ng kwarto.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon