2 - 1ST SIGHTING

13K 326 13
                                    

Chapter 2

FIRST SIGHTING

Six years after...

"Bes! Super excited na kong mag-college. Buti na lang pareho tayong sa Maria Immaculada University papasok." Kausap ni Aya ang bestfriend niyang si Miles. Nakahiga silang pareho sa kama niya.

"Oo nga e. Buti na lang pinayagan ka nila Tita na dun mag-enroll. 'Di ba ang plano nila mag-home school ka na lang?" Tumagilid si Miles sa pagkakahiga paharap kay Aya.

"Nakiusap nga lang ako sa kanila, sabi ko gusto ko talagang makapagtapos ng college sa normal na school. Pero kapalit naman ng pag-aaral ko sa MIU, dapat Political Science yung kunin kong course." Nakasimangot na sagot ni Aya.

"Baka naman pangarap nila na magkaroon ng anak na pulitiko?! Baka patakbuhin ka nila bilang President of the Philippines balang araw friend! O kaya baka pakunin ka nila ng law." Pang-aasar ni Miles.

"Ewan ko ba dun sa mga iyon. Iniisip ko pa naman na Business Management ang papakuha nila sakin dahil may negosyo kami pero hindi e." Kunot-noong sabi ni Aya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya maintindihan kung bakit 'yun ang napiling kurso ng mga magulang niya para sa kanya. "Wala naman sa kanilang dalawa ang lawyer o pulitiko. Kahit nga sa homeowners' association hindi sila officer pero talagang pinilit nila kong mag-Pol. Sci.."

"Huwag mo na nga lang problemahin yung course mo. Ang importante sa iisang school tayo mag-aaral at mag-kaklase tayo hanggang second year."

"Buti na lang sa MIU hanggang second year yung general education nila kaya kahit magkaiba tayo ng course, mag-kaklase parin tayo."

******

Naglalakad kami ngayon ni Miles sa hallway ng MIU at kasalukuyang hinahanap ang magiging classroom namin for the whole school year.

"Room 208 'di ba? Ito na yung room natin Bes." Turo ng bestfriend niya sa isang classroom na may iilan nang estudyante.

Pumasok na silang dalawa at umupo sa mga bakanteng upuan na malapit sa may bintana. First day of classes pa lang ngayon at per block ang magiging orientation ng mga freshmen students, kaya hihintayin nilang i-orient sila ng adviser nila sa mga rules and regulation ng school bago sila umattend ng general meeting ng freshmen bukas.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom. Medyo madami na ang mga kaklase nila kahit na may one hour pa bago mag-time. Siguro excited pang pumasok dahil first day.

Saglit na tiningnan ko ang maingay na kumpulan ng mga babae sa may bandang unahan ng silid at napasimangot ako. "Mga maarte at masama ang mga ugali." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

Tiningnan ko naman ang iba pa naming magiging kaklase at mukhang okay naman ang mga "aura" nila. Nakasanayan ko nang kilatisin ang mga taong nasa paligid ko simula pagkabata. Blessing na din siguro yung kapangyarihan kong kumilatis ng tao kasi naiiwasan ko yung mga masasama ang ugali. Kaya nga naging bestfriend ko si Miles kasi unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na kaagad na mabait at mapagkakatiwalaan siya.

Naalala ko pa nga na una ko siyang nakita nung niligtas ni Miles ang isang aso na pinagtutulungang kawawain ng mga bully naming kaklase. Kakalipat lang ni Miles nun sa school at wala pang kaibigan, kaya naman simula nung araw na iyon ay kinaibigan na niya ito.

Ang kaibigan niya lang ang nakakaalam na diwata silang pamilya pero hindi parin nag-iba ang turing nito sa kanya. Kahit na alam nito ang tungkol sa kapangyarihan niya, never nitong pinaramdam sa kanya na iba siya.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon