1 - HER FAIRY POWERS

14.5K 368 4
                                    

Chapter 1

HER FAIRY POWERS

"Nanay, bakit po pagkagaling ko sa school ko ay kailangan ko pang mag-aral ng mga tungkol sa diwata?" Usisa ng anim na taong gulang na si Aya sa kanyang Nanay Alexa.

"Sigurado ako na paglaki mo Aya ay magagamit mo lahat ng kaalamang 'to. Kaya sana anak seryosohin mo kapag nagtuturo ako. Hindi yung puro laro ang nasaisip mo." Malumanay na pangaral ni Alexa sa kanyang anak.

"Pero 'Nay, kasi po yung mga kaklase ko magkikita sila ngayon dun sa playground malapit dito satin kasi maglalaro sila. Bakit po ako hindi pwedeng sumama sa kanila?" Naluluhang tanong ni Aya.

"Hindi ba ipinaliwanag ko na sa 'yo? Iba ka sa mga kamag-aral mo Aya. You are very special and because of this, you are given responsibilities that your classmates do not have."

"Nanay, is that why I have powers?"Pabulong na tanong ni Aya. Sabi kasi ng mga magulang niya bawal malaman ng ibang tao na may kapangyarihan siya. Silang tatlo lang daw ang pwedeng makaalam nun. Laging sinasabi ng kanyang nanay at tatay na ikakapahamak nila ang pagkabunyag ng sikreto nila.

"Naaalala mo ba yung kinuwento ko sayo na iba't-ibang klase ng diwata anak?" Tanong ng ina sa kanyang anak.

"Opo. Sabi niyo po sa kwento niyo mayroong fairy of nature and animals, fairy healers, seer fairies, warrior fairies, fairy godparents at mga fairies na pinanganak na may dugong bughaw o royal fairies. Nakwento niyo din po na meron ding dark fairies. Kaya po ba ako special at may powers kasi fairy din ako?"

"Oo, anak. Ako at ang Tatay Jaime mo ay parehong mga diwata kaya natural lang na maging diwata ka din." Nakangiting sagot ni Alexa.

"E Nanay alin po ako dun sa mga fairies na tinuro niyo? Ayoko po maging dark fairy kasi bad sila 'di ba?" Seryosong pahayag ng batang nakakunot pa ang noo.

Naalala ni Alexa ang pangako sa Hari at Reyna na walang dapat makaalam ng pagkatao ni Aya kaya nagsinungaling siya sa bata. "Dahil bata ka pa lahat ng kapangyarihan ng iba't-bang diwata ay nasa sa 'yo pa. Paglaki mo ay pwede kang pumili kung ano ang magiging tungkulin mo bilang isang diwata. Maaaring mawala yung iba mong kapangyarihan pero pwede ding hindi."

"Naguguluhan po ako 'Nay. 'Di ba po yung mga pinanganak na royal fairies madami din silang powers tulad ko?"

"Aya, sinabi ko naman sayo na espesyal ka 'di ba? Hindi porket nagagawa mo lahat ng nagagawa ng iba't-ibang diwata ay dugong bughaw ka na. Mayroon lang talagang mga diwata na pinanganak na tulad mo." Pagsisinungaling ni Alexa.

"Ah basta. Gusto ko po paglaki ko maging katulad niyo ko. Gagabayan ko din po yung mga tao, lalo na yung mga kaibigan ko. Gusto ko po silang tulungan mahanap yung mga nakatadhana para sa kanila."

"Marami pang puwedeng mangyari sa hinaharap anak. Sa ngayon, kailangan mo munang i-develop nang mabuti lahat ng kapangyarihang ipinagkaloob sayo ng Bathala. Tuturuan ka namin ng Tatay mo pero dapat tulungan mo din ang sarili mo." Niyakap ni Alexa ang bata at hinalikan ito sa noo.

"Promise po magiging magaling na fairy po ako Nanay." Pangako ni Aya sa kanyang ina.

"Alam ko 'yun anak. Sanggol ka pa lang nasa tadhana mo na ang maging makapangyarihan..." Bulong ni Alexa sa sarili.

******

Four years after...

Pinagmamasdan ng mag-asawang Alexa at Jaime ang sampung taong gulang na si Aya habang naglalaro ito mag-isa sa hardin sa likod ng bahay nila. Nakita nila kung paano nito kausapin ang mga hayop na nagsisilbing mga kalaro ng bata habang nag-aaral ito kung paano kontrolin ang kapangyarihan sa kalikasan.

"Jaime, lumalaki na ang anak natin. Hanggang kailan kaya tayo magtatago dito sa mundo ng mga tao?"Tanong ni Alexa sa lalaking nasa tabi niya.

"Mahal, hindi natin alam kung kailan dadating ang binatang nakatadhana para kay Aya. Kapag nagkita na sila tsaka lang malalaman ni Aya ang tunay niyang tungkulin. Ang pwede lang natin gawin sa ngayon ay ang palakihin ang anak natin nang maayos at ang itago sa mga tao na diwata tayo."

"Sinabihan ko na si Aya na huwag gagamitin ang kapangyarihan niya kapag may ibang tao, kaya sa hardin ko na lang siya pinag-eensayo. Tiyak walang makakita sa kanya dito dahil mataas ang mga pader. Maingat din siya 'pag nasa school siya at tuwing may kasamang mga kaibigan e."

"Habang tumatanda siya, mas lalong lumalakas ang kapangyarihan niya Alexa. Hindi nakapagtataka na siya ang tinutukoy ng propesiya. Hindi ko maiwasang matakot para sa maaring mangyari kay Aya. Ilang taon nang nananahimik ang mga itim na diwata at hindi natin alam kung ano ang plano nila."May himig ng pangamba sa boses ng diwatang mandirigma. He loves Aya as his own and he can't help but be concerned when it comes to her welfare. Ayaw niya itong malagay sa kahit na anong pahamak pero dahil sa pagkatao ng bata ay hindi maiiwasang manganib ang buhay nito.

"Isinara kong mabuti ang lagusan papunta dito sa mundo ng tao nung dumaan tayo kaya mahihirapan silang buksan yun ulit. Isa pa, I used a powerful charm on Aya kaya sigurado akong hindi nila matutukoy na isa siyang diwata."Pagpapa-alala ni Alexa sa asawa niya.

"Nawa'y gabayan tayo ng Bathala sa ating tungkulin Alexa at nawa'y ilayo niya sa kapahamakan ang anak natin..."Panalangin ni Jaime na siya namang dininig dahil namuhay nang normal at malayo sa panganib ang Prinsesa sa loob ng maraming taon.

Ngunit hindi panghabambuhay ang kaligtasan na ipinagkaloob ng Bathala, dahil muling malalagay sa peligro ang diwatang si Aya sa oras na matuto siyang magmahal.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon