PROLOGUE

22K 480 40
                                    

PROLOGUE

On a warm and magical June night, the Queen of the white fairies is struggling to bring into the fairy world her second child. With the King by his Queen's side lending her strength, and a fairy healer helping her in labor, a powerful fairy princess was born with the mark of the sun.

The moment the Princess wailed, a prophecy was revealed.

"A FAIRY is born tonight, one who holds the POWER OF LIGHT.

Born from royalty, her life will be in jeopardy.

Some dark fairies will try to bring harm,

Seek her safety with the help of a powerful charm.

For she will be the bridge that will unite,

So two KINGDOMS may cease to fight.

From her task she will be free...

Until the day she takes hold of her HEART'S KEY.

Destiny will pave a way for THEM to meet someday,

A big part in her fate it will play.

With the help of love so true,

She will be awakened to the truth.

A FAIRY with a HEART so pure,

And a fake MORTAL whose LOVE will endure.

Her life HE must protect,

Many troubles they must expect.

His world SHE must learn,

For in it all the answers to life's puzzle she will discern."

Upon learning of the prophecy from a fairy seer days after the Princess' birth, the King and Queen decided to protect their child by hiding her in a world far from their own. They handed the Princess to their most trusted ally and ordered that the Princess be brought up in the world of humans.

"Alexa, kunin mo ang Prinsesa. Walang dapat maka-alam kung ano ang tunay niyang pagkatao. Ikaw lang at si Jaime ang pinagkakatiwalaan namin sa kanya." Sabi ng Hari sa diwata na matalik na kaibigan ng kanyang asawa.

"Pero Amang Hari, paano po ang propesiya? Paano ang tungkulin niya? Isa po siyang Prinsesa. Hindi ko po siya matuturuan ng mga bagay na dapat niyang malaman bilang isang dugong bughaw." May pag-aalinlangang sagot naman ni Alexa.

"Mas mabuti na lumaki ang anak ko na hindi nalalaman na siya ay Prinsesa ng mga puting diwata, Alexa. Ikapapahamak niya lang ang katotohanan. Mas gugustuhin ko pa na lumaki siya bilang isang diwata ng kalikasan, o bilang isang fairy godmother, o kahit isang fairy healer, kaysa ang mapahamak siya. Itago mo siya sa mundo ng mga tao. Tiyak hindi siya mahahanap ng mga itim na diwata doon. Ipangako mo sakin na aalagaan mo siya Alexa." Pakiusap ng Reyna sa kanyang kababata.

"Pangako po Mahal na Reyna." Sagot ni Alexa sa kanyang pinakamatalik na kaibigan.

Hinalikan ng Hari at Reyna ang munting Prinsesa bago ibigay kay Alexa. "Paalam aming mahal na anak. Sana balang araw ay magkita tayong muli. Gabayan nawa ikaw ng Bathala sa iyong paglaki." Hindi maiwasan ng mag-asawa ang maiyak. Hindi nila alam kung makikita pa nila ang bunso nila. Sana ay tama ang kanilang naging pasya. Sana maintindihan ng kanilang anak balang araw kung bakit kinailangan nilang mawalay sa isa't-isa.

******

Nung gabi ding iyon ay dinala ni Alexa ang Prinsesa sa isang bayan malayo sa palasyo. Ito ang bayan kung saan sila pinanganak at lumaki ng Reyna.

Ang mahal na Reyna ay isang makapangyarihang diwata ng kalikasan, habang si Alexa naman ay kabilang sa pinakamalakas na angkan ng mga diwata na nangangalaga sa mga tao o mas kilala bilang mga fairy godparents.

Lahat ng diwata ay may kakayahang tumawid sa mundo ng mga tao pero ang diwata ng tao lamang ang may kapangyarihan na magbigay sa sarili at sa ibang diwata ng anyo ng tao. Sila lang din sa mga diwata ang mayroong sapat na kaalaman tungkol sa pamumuhay ng mga nilalang na ginagabayan nila. Sa tulong ng kapangyarihang ito, makakapagtago sila ng Prinsesa sa mundo ng mga tao.

Habang inaayos niya ang kanilang gagamitin sa paglalakbay, may kumatok sa pinto ng kanyang munting bahay. Binalutan niya ng mahika bilang proteksyon ang sanggol bago alamin kung sino ang nasa pinto. "Sino yan?" Kinakabahang tanong niya.

"Alexa, si Jaime ito. May mga itim na diwata na papunta dito sa bayan na 'to. Kailangan na nating umalis." Sagot ni Jaime, isang diwatang mandirigma. Siya ang inatasang mangalaga sa kaligtasan ng Hari't Reyna dahil siya ang pinakamalakas na mandirigma sa kanilang lahi. Ngunit siya na ngayon ang pinagkatiwalaan ng Hari na maging tagabantay ng Prinsesa.

Agad na pinagbuksan ng pinto ni Alexa ang kanyang kasintahan at niyakap ito. "Jaime, sigurado ka na ba sa desisyon mong sumama sa akin? Iba ang pamumuhay ng mga tao. Iba din ang mundo nila. Matatagalan pa bago tayo makabalik dito sa mundo natin."

"Mas gugustuhin kong mamuhay bilang isang tao kaysa ang mawalay sayo. Tutulungan kita sa tungkulin mo. Poprotektahan kita pati na ang batang pinagkatiwala satin." Matapang na sagot ng mandirigma sa kanyang nobya.

Kinuha na niya ang mga gamit na dadalhin nila at inabot ito kay Jaime. Kinarga naman ni Alexa ang sanggol at binalot ito sa isang makapal na kg kumot. Sumakay ang dalawa kasama ang sanggol sa isang kabayo at tinungo na ang lugar na nagkokonekta ng mundo nila sa mundo ng mga tao.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon