• Kinabukasan •

Di ko namalayang nasa harap na pala ako ng bangkay ng magnobyo. Nandito kami sa clinic. Dahil wala pa ang mag susundo sa kanila, dito muna sila. Pinagbantay muna nila ako dahil mahina pa daw ako. Naglilibot lang sila. Mamaya namin gagawin ang performance task namin sa pe. Si Wane?? Ayun nasa kwarto nila. Pinuntahan ko kanina ang lakas ng hilik pero pogi parin-- aisshhh anong pinagsasabi ko.

Nakaramdam ako ng kaba. Ang totoo di pa ako makatulog. Kagabi pa ako naatasan pero di ako makatulog dito kasi kakaiba ang nararamadaman ko. Ngayong malapit ako sa Jamela kuno ang name. Nilapit ko ang tenga ko sa ilong nya. Malay mo humihinga pa diba. Di ko maramdaman. Hinawakan ko na ang batok para mas madama ko kung humihinga sya ng halos mapatili ako ng may mapansin. May naramdaman akong kakaiba sa batok nya. Tinignan ko kung ano. Halos masuka ako sa nakita ko. Apoy ang nakaukit sa balat nya. Kitang kita ko ang laman na nangingitim na. Tinignan ko naman ang batok ng nobyo nya at nakita ko rin iyon sa batok nun. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang mga yun. May bumuong conclusions sa utak ko pero di pa ako sigurado.

"Geyle" sabi ng mung sino. Sa sobrang gulat ko napasigaw ako.

"WAHHH" sigaw ko. Tinignan ko ng masama kung sinong paepal na yun. Nagulat ako ng makita ko si Wane.

"Bakit ka ba sumisigaw" takang tanong ni Wane.

"Eh ikaw kasi bakit ka nanggugulat?" Inis kong tanong.

"Sorry. Tinatawag na kasi tayo ni ma'am. Sabi nya gagawin na daw natin ang performance task natin ang ang price mo dahil nakita mo ang pinakamagandang bracelet" sagot nya.

"Kaya mo bang maglaro??" Alala kong tanong.

"Oo naman syempre ako pa" sabi nya. Tsk yabang talaga.

"Sige una ka na aayusin ko lang toh" sabi ko. Medyo nagulo ko kasi yung higaan ni boy sa gulat ko kay Wane.

"Sige basta sunod ka na ahh" sabi nya. Ngumiti at tumango nalang ako bilang sagot.

Inayos ko ang higaan ni boy pero dahil makulit ako, nangalkal ako ng bulsa nya. May nakita akong papel. Tinignan ko rin yung kay girl at meron ding papel.

Binuksan ko yun para malaman ang nakasulat at-----ANO TOH?!

"Geyle ano pang ginagawa mo jan?" May piglang nagtanong na ikinagulat ko.

"Ahh sh*t" bigla kong sabi at naitago ko ang mga papel na hawak ko.

"Ay sorry nagulat ba kita??" Tanong ni Chesca.

"Medyo hehe" naiilang kong sabi. Di parin nawawala ang tibok ng puso ko.

"Ano ba yang hawak mo??" Tanong nya saakin at lumapit. Nataranta ako ng sobra kaya pinasok ko nalang sa bulsa ko ng pantalon.

"Ahh wala lang ito hehe. By the way bakit ka pala nandito??" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at nagsalita.

"Tinatawag na kasi tayo ni ma'am ang tagal mo daw kasi eh" sabi nya.

"Ahh ganun ba nakakahiya naman kay ma'am pala" hiya kong sabi.

"Ayus lang yan. Alikana??" Tanong nya saakin at tumango naman ako. Buti pala dala dala ko yung bracelet. Di pa kasi ako nakapagbihis simula kagabi eh.

Naglakad kami papuntang beach. Nag usap usap lang kami sa mga bagay bagay. Pagkadating namin kumaway sila Sam saakin at lumapit.

"Geyle! Bakit kayo nag uusap ng isang yun! Sinasabi ko sayo lumayo layo ka sa Chesca na yun masama ang kutob ko dun" sabi ni Kathleen.

"Wag ka namang judgmental dyan" sabi ko namang sa kanya.

"Ay basta! Ayaw ko sa kanya" sabi nya na naka pout. Tsk ang panget nya to be honest haha.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon