"Mhh boring kasi saamin. Then naisip kong puntahan ka. Eh may gagawin yata kayo kaya sumali ako. Chaka namiss na kita Gee" nakangiting sabi nya saakin. Ang totoo namiss ko narin tong lalaking toh. Di parin nagbabago tong lalaking tohh. Cute parin.

"Lalo na yang kapangitan mo" nakangiting sabi nya. Hindi pa talaga nagbabago toh. Palaasar parin.

"Namiss na rin kita" sabi ko sa kanya at pinisil yung pisngi nya.

"Wala ka paring pinag bago--" di nya pinatuloy ang sasabihin ko.

"Pogi parin ako" sabi nya at nag pogi pose.

"Wala ka paring pinag bago, ANG PANGET MO PARIN!" sabi ko sa kanya at lalong diniinan ang pagpisil sa pisngi nya.

"Aray Gee tama na please" pagmamakaawa nya. Syempre mabait ako kaya inalis ko na yung pagpisil ko sa pisngi nya.

"Ang sakit mo parin mamisil. Nananakit ka parin noh" sabi nya.

"Hello! Ang yabang mo kasi" nang iinis kong sabi.

"Bahala ka. May ibibigay sana ako kaso sinaktan mo ko" pang hihinayang na sabi nya.

"Ano naman yun?" Taka kong tanong. Nagulat ako nang ilabas nya sa bag nya yung marshmallow. WAHHHH my feyborit.

"Wahhhh marshiieeeeee" maamong sabi ko. Marshiee kasi tawag ko sa marshmallow. Kukunin ko na sana nang ilayo nya.

"Wag! Please magpalakabait akoooo" pagmamakaawa ko. Tumawa nalang sya at binigay saakin ang marshiee. Habang nilalamutak ko ang mashiee biglang may umubo sa gilid ko.

"*ehem* *ehem* *EHEM*" sabi ni Wane.

"Anong nangyari sayo?? Inuubo ka. Yan kasi nagbabad ka pa ata sa tubig kanina eh. Tinignan lang ako ni Wane na parang di makapaniwala.

"Tsk slow" inis na sabi nya. Ano daww ako slow???

"Ano?? Ako?? Sloww???" Nagtataka kong tanong.

"Tsk nothing" cold nyang sabi.

"Okay let's start" sabi nigla ni Pres. Teka anong let's start?? Wahhh may sinabi na ata si Pres kaso nadistract ako kanina nung kinakausap ko kanina si Elo.

"Wane anong gagawin??" Tanong ko sa kanya. Aba di man lang tumitingin saakin. Parang walang narinig.

"Wane please sabihin mo na" pangungulit ko. Wala parin.

"Uy Wane"sabi ko at kinalbit kalbit sya. Wala parin. Takte naiinis nako ahhhh.

"Kung ayaw mokong sagutin edi magtatanong nalang ako kay Elo" sabi ko sa kanya. Tatanungin ko sana ai Elo pero nagulat ako nang hilain ako ni Wane papalapit sa kanya. Halos lumabas puso ko sa gulat at kaba. Ang lapit kasi ng mukha nya saakin. Akala ko hahalikan nya ako pero lumapit yung bibig nya sa tenga ko.

"Ikiss mo na daw ako" bulong nya saakin. Hinambas ko sya ng mahina.

"Seryoso ako" inis kong sabi. Nagulat ako ng tumayo sila wahhh ano toh.

"Haha by pair daw. May nilagay daw kanina sina Pres ng mga bracelet dito sa paligid. Nakatago daw ng maigi. May price daw ang makahanap ng pinaka magandang bracelete sa lahat." Sabi nya. Ohhhh exciting.

"So ano pang hinihintay nyo? Hanapin nyo na" sabi ni Pres. Wait sinong partner ko?

"Ako ang partner mo. Let's go!" Masiglang sabi ni Wane. Napangiti nalang ako sa inasal nya. At yung nga naghanap na kami. May flashlight na binigay saamin tig isa isa. Medyo mahirap makakita kasi madilim na madilim talaga dito. Pinatanggal siguro nila yung mga ilaw. Maliwanag kasi kanina dito eh. Habang naghahanap kami bihglang nagsalita si Wane.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now