Secret 18

624 18 3
                                    

SECRET 18

"Ano ng gagawin natin sa kaniya?"

"Kainin na nga natin yan! Nagugutom na ko!"

"Ano ba! Umayos ka nga! Patay gutom ka talaga!"

"Eh bwisit kasing mga sundalo yan! Ang unti-unti ng pagkaing binibigay sa'tin! Ni hindi man lang nga napuno ang kalahati ng tiyan ko!"

"Kailan ka ba nabusog? Tss."

Palipat-lipat ang tingin ko sa mga... mga halimaw na kasama ko dito sa madilim na kwartong pinagtapunan sa'kin. Ayokong tawagin silang halimaw dahil hindi naman ako nakakaramdam ng pangamba na baka saktan nila ako. Isa pa, hindi naman sila mukhang halimaw pero wala akong maisip na itawag sa kanila. Ang weird ko lang ngayon.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kinalalagyan ko ngayon. Iisang sulo lang ang nagbibigay ilaw sa kabuuan ng kwartong 'to. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakasalampak pa rin sa sahig. Pinagmamasdan ko ang pagtatalo talo nila. Sa tantiya ko mahigit bente ang mga halimaw na kasama ko dito. Ang iba'y tulog habang nagtatalo talo naman ang iba sa kung ano ang gagawin sa'kin.

Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit wala akong maramdamang takot ngayon sa mga kasama ko dito sa lugar na ito. Parang... parang nakakatuwa pa nga silang tignan habang nagtatalo talo. Dahil sa isiping 'yon, pinukpok ko ang sarili kong ulo gamit ang kamay ko. Nahihibang na ata ako. Hindi na gumagana ng maayos ang utak at pandama ko. Dulot siguro ito ng pamamanhid sa sabunot at suntok na tinamo ko kanina sa pesteng sundalo na ubod ng kupal na yun. Pag ako talaga nabobo, babalikan ko siya. Katalinuhan at kagandahan na nga lang meron ako, mababawasan pa.

Tumindig ang balahibo ko ng mapadako ang tingin ko sa isang babaeng ahas. Kalahating babae at ang ibaba niya ay buntot ng ahas. Nakatingin lang siya sa'kin. Wala akong mabasang ekspresyon sa maamo niyang mukha ngunit kababakasan ng pagkabagsik dahil sa mga matang tulad ng sa isang ahas na parang papatay kung tumingin. Siya ang tinawag na Vieta ng isang halimaw kanina base sa pagkakatanda ko.

"Inuubos niyo ang oras natin. Kung gutom na talaga kayo, bakit hindi niyo na simulang kainin ang pagkaing ibinigay sa atin?" Napatigil ang mga nagtatalong halimaw kanina dahil sa sinabi niya at napatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko.

"Wala ng bawian Vie-"

"Anong pinagsasasabi mo Vieta?! Magagalit si-"

Napatahimik yung nagsasalitang halimaw ng bigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Vieta.

"Sumusunod ako sa utos niya Cel. Alam ko ang ginagawa ko."

Binaling naman niya ang kaniyang tingin sa akin.

"Kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito, lalabanan mo kami, lahat ng magtatangkang lumapit sa'yo."

Nginisihan niya pa ako bago dahang dahang lumapit sa kinaroroonan ko habang nakasalampak at nakatanga pa rin ako sa kaniya.

-------------------

Sa labas ng kulungan ng mga halimaw kasama si Sephone ay nagbabantay ang dalawang sundalong Malum. Kanina pa sila nakakarinig ng mga kalabog na nagmumula sa loob ng kulungang iyon. Gustuhin man nilang tignan kung anong nangyayari ay alam nilang wala na silang maaabutang buhay na babae at di rin nila pupwedeng buksan ang pinto dahil maaaring makalabas ang mga halimaw sa loob na siguradong papatay at uubos sa mga nanonood ng labanan.

Maya-maya pa'y tumigil na ang mga kalabog na naririnig nila.

'Marahil ay patay na ang babaeng iyon kaya tumahimik na rin ang mga halimaw.' isip isip nila.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now