Secret 2

1.4K 42 2
                                    

SECRET 2

Maraming tao ang busy sa kaniya kaniyang gawain. Nagtitinda, naghahakot, may mga namimili din. Hula ko nasa pamilihang bayan na ako. Dito ako napadpad pagbaba ko sa bangin na kinagisingan ko kanina.

Unang tingin pa lang sa lugar na ito kakaiba na. saan ka ba nakakita sa Pilipinas ng palasyo? Isama na din yung mga damit ng mga tao rito. Nakadress na tulad noong old English yung mga babae na abot hanggang paa pero hindi naman sumasayad sa lupa habang naka kamiseta naman yung mga lalaki.

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa bandang dibdib ng cloak na suot ko.

'Ngayon lang ba nakakita ng magandang babae yung mga lalaki rito? Igno much sa maganda?'

Mukha ba akong abnormal sa paningin nila kaya kung makatingin habang dumadaan ako, akala mo papatayin na ako? Pati rin yung mga babae.

Binilisan ko na lang yung paglalakad ko. Ramdam ko na may mga sumusunod sa akin kaya nakakaramdam na ako ng takot. Lumiko ako sa isang eskinita, at sa isa pang eskinita, sa isa pa at sa isa pa hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko naman talaga alam kung saan ba ako dapat pumunta. Ang gusto ko lang, iligaw yung mga sumusunod sa akin pero mukhang pati ako yata naligaw na din.

Muntik na akong mapahiyaw ng biglang may humatak sa akin. Masyado siyang mabilis na natakpan niya agad yung bibig ko kaya hindi ako nakasigaw. Hindi ko siya makita dahil nakatalikod ako sa kaniya habang nakatakip yung kamay niya sa bibig ko.

"Huwag kang maingay. Maririnig ka nila."

Babae ang may-ari ng boses. Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa bibig ko pero masyado siyang malakas.

"Tatanggalin ko itong kamay ko pero wag kang sisigaw." Tumango ako saka niya dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"Bakit ba nila ako hinahabol? At sino k-"

"Huwag ka munang magtanong. Pagdating natin sa bahay, ipapaliwanag ko lahat sa'yo."

Kahit alam kong delikado ang sumama sa hindi mo kakilala ay wala na akong choice. Baka makita pa ako ng mga humahabol sa akin dito kapag di ako sumama. Sa tingin ko naman, mapagkakatiwalaan siya.

Sinundan ko lang siya hanggang sa pumasok kami sa isang bahay na gawa sa bricks. Halos lahat naman ng bahay dito gawa sa bricks.

Malinis yung bahay. Kumpleto sa gamit pero walang mga appliances na ginagamitan ng kuryente.

"Maupo ka."

"Sino ka ba? Anong lugar ito? Bakit ba ako hinahabol kanina?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya ng makaupo na ako. Sinilip niya muna yung labas at inilock ding maigi yung pinto. Umupo siya sa upuan sa harap ko bago sinagot ang mga tanong ko.

"Iwiah ang pangalan ko. Hinahabol ka nila dahil sa dala mo. Alam kong maguguluhan ka sa mga sasabihin ko at maaaring hindi ka pa maniwala. Pero isa lang ang tandaan mo. Nasa panganib ang buhay mo dito."

Mas lalo akong naguluhan sa mga pinagsasasabi niya. Mapanganib para sa akin? Panong naging mapanganib?

"Mas lalo lang dumami yung tanong ko. Ipaliwanag mo sa'kin kasi ngayon pa lang naguguluhan na ako sa mga pinagsasasabi mo." Nakakunot noo kong sinabi.

"Wala ka na sa mundo ng mga tao. Naririto ka na sa mundo ng mga Sortis."

Binigyan ko lang siya ng 'what-the-hell-face'.

"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo. Pero magtiwala ka sa'kin."

Hindi ko na alam kung ano ng itsura ko ngayon. Paano ba kase ako napunta sa lugar na 'to? At ano bang mga sinasabi niya sa'kin?

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now