Secret 20

589 17 1
                                    


SECRET 20

Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Ang pag-ayos ba ng bangs na natatakpan na ang mukha o ang pagsunod sa mga utos na wala na atang katapusan. Pero makati na kasi talaga sa mukha at natutusok na rin ang mga mata ko kaya inayos ko na lang agad habang sumusunod sa kaliwa't kanang utos sa'kin ni Miss Chinchin. Tour guide este—taga-orient ko sa mga dapat malaman at tandaan dito.

"-dalhin mo ito sa pangalawang palapag. Sa ikalawang pinto sa kanan. May marka ng leon ang pinto noon kaya hindi ka malilito. Ilagay mo ito sa ibabaw ng mesa sa tabi ng pinto. Natatandaan mo pa ba ang mga tinuro kong daanan sa'yo kanina?"

Tumango ako kahit di niya na nakita dahil humarap na siya ulit sa daanan matapos ibigay sa akin ang tray na may lamang pagkain.

"May tatlong klase ng daanan dito sa buong palasyo. Pinakamalaki ang Gremium. Konektado ito sa iba't-ibang bahagi ng palasyo. Mapa Main Palace o Outer Palace pa yan. Doon kayo dumaan ni Cerez. Para lamang iyon sa mga tagasilbi. Sunod naman ang Interius. Ang daanan para sa mga mahahalagang pagtitipon. Doon minsan dumaraan ang mga prinsesa, prinsipe, hari at reyna kung may mahalagang pagtitipon o pag-uusapan. Ang Celamentum naman ang sikretong daanan sa mga silid ng mga mahahalagang tao na naninirahan sa loob ng palasyo. Doon dumadaan ang mga utusan ng mga prinsesa, prinsipe, hari at reyna kapag ipinapatawag sila. Mas madali tayong makakapunta sa mga dapat nating puntahan dahil sa mahikang bumabalot sa mga daanang ito kumpara sa pagdaan natin sa mga pasilyo. Hindi rin namin alam kung papaano nangyayari iyon pero mas nakakatulong ito sa ating mga tagasilbi dahil napapabilis ang mga gawain natin. Mas maiiwasan natin ang pagsasalubong sa daraanan ng mga dugong-bughaw kapag pupunta tayo sa mga silid nila."

Napatigil ako sa pagmamasid sa paligid ko ng maramdaman kong tumigil siya sa paglalakad.

"Dalawa lang ang dapat mong tandaan. Hindi ka pupwedeng dumaan sa Celamentum at papanatilihin mong nakaharang ang buhok mo sa iyong mukha. Mas maiiwasan mo ang pagtingin sa mukha ng mga dugong-bughaw kung gagawin mo 'yon. Maliwanag?"

"Oo."

"Isa pa. Ayoko ng babagal bagal at tatanga-tanga sa mga inuutos sa kanila. Makakaalis ka na."

Tinalikuran ko na agad ang babaeng nago-orient sa akin at dumiretso sa pinto na itinuro niya kanina na daang Gremium daw.

Madilim sa loob. Tulad ng dinaanan namin ni Cerez, ang mga sulo sa gilid ng daanan ang tanging nagbibigay liwanag sa daraanan. Kusang sumisindi na parang may buhay kapag papunta na ako sa direksyon ng sulo. Marami ring mga pasikot sikot na nakakonekta sa buong palasyo. Mabuti na lang itinuro na sa akin ni Madam Chinchin yung mga daanan para di ako maligaw. Pakiramdam ko nga katulad 'to ng mga secret passages sa mansyon.

Nang may nakita na akong parang liwanag na sumisilip sa siwang ng isa sa mga pinto ay tinulak ko iyon matapos ayusin ang pagkakatabing ng buhok sa mukha ko.

Napakaganda ng painting na sumalubong sa akin paglabas ko sa Gremium. Nakasuot ng kakaibang damit ang lalaking nasa painting. Damit na nakikita kong isinusuot ng mga mahahalagang tao sa palasyo kapag nanunuod ako ng t.v. May hawak siya na tasa malapit sa kanyang bibig. Iniwas ko na lang dito ang tingin ko dahil nakakatakot titigan na parang tinititigan ka din ng nasa larawan at buhay na buhay.

Sa sobrang tahimik ng paligid, tanging tunog na lang ng mga yabag ko ang naririnig ko. Mukha tuloy akong nasa isang horror movie idagdag pa na mukha akong The Grudge sa buhok ko. Baka mapasigaw ako ng wala sa oras kapag may nakita rin akong taga-silbi na mukha ring The Grudge.

Masyado akong naaliw sa mga painting na nakakabit sa mga dingding. Hindi ko na napansing napapalayo na ang nilalakad ko. Napatigil lang ako ng makarinig ako ng mga yabag. Agad-agad kong nilingon ang lugar kung saan ako nanggaling at maingat na naglakad-takbo pabalik doon habang inaayos ng isa kong kamay ang bangs ko.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now