Secret 10

709 22 5
                                    

SECRET 10

Hindi ko ugaling magbeauty rest, magparlor o kahit na anong klaseng pagpapaganda. Natuto lang akong magmake-up noong naging commercial model na ako. Kung pagmemake-up ba ang tawag sa paglalagay ng lipstick at polbo. Pero ngayong haggard na haggard na ako kakatakbo sa mga pesteng kutong lupa na nanghahabol sa akin, pati massage na inooffer ni Madam Shaui sa akin noon papatulan ko na. Nakakaubos ng lakas, pasensya at ganda yung mga lalaking to. Hindi ba nila alam ang salitang pagod?

Mabuti na lang kanina pagkalapag sa akin ng mga Malum na bumuhat sa'kin medyo nawala na yung sakit ng paa ko kaya agad agad akong tumakbo. Pero nakakatakot kasi bawat takbuhan kong direksyon may natutumbang mga puno na humaharang sa daraanan ko. Yung isa nga muntik na kong matumbahan buti na lang magaling akong umilag. Idagdag pa na hinahabol nila ako. Katakot takot lalo na pagnakikita ko ang mga mukha nila pag lumilingon ako kaya di na lang ako tumitingin sa likod basta go lang! Takbo!

May nahagip ang mata ko na nakacloak ng itim at nakabestidang puti na tumatakbo din sa gubat habang hinahabol ako ng mga Malum. Kaso di ko na nakita yung mukha kasi nakahood pero siguro babae yun kasi nakabestida din. Alangan namang lalaki pero nakadress? Gago lang.

Tumigil ako sa pagtakbo para lumingon at nakitang wala na ngang humahabol sa'kin dahil nandun na sila sa babaeng nakahood habang tinatalian ng lubid.

Hindi ko alam kung sadyang malinaw lang yung mata ko o tanga lang yung mga Malum? Mukha kasing malapit yung paningin ko sa kanila dahil kitang kita ko pa ang detalye ng pagbuhat ng isang sundalo dun sa babae na di ko pa rin makita ang mukha kahit na malayo na ata ako sa kanila dahil di na nila ako pansin.

Tumalikod na lang ako. Mabuti ngang di na ako pansin para di na nila ako habulin no.  Nakakapagod din kaya.

Mabuti na lang at di ko naiwanan yung Agusam sa ilog dahil nakaipit pala sa bulsa ng cloak so di ko na kailangang balikan.

Nagpahinga muna ako sa isang putol na puno habang kumakain ng Miccita. Ang galing nga ng prutas na 'to dahil ilang araw na pero di pa rin nagbabago ang itsura at lasa. Hindi man lang kababakasan ng kulubot at pagkabulok. Magtanim kaya ako ng ganito pagbalik ko sa mansion?

Nagbihis na ako ng extrang dress na pinahiram ni Iwiah. Pasalamat talaga ako sa Agusam na 'to kung sino man ang may-ari ne'to.

Kinapa kapa ko yung Agusam para hanapin yung libro. Inilabas ko ito at nilagay sa lap ko. Kasabay nito, humangin ng malakas. Pumikit ako para di mapuwing at pagtingin ko sa libro, nasa dulong pahina na ito.

Nagtaka ako dahil nasa english languange na yung nakasulat sa huling page. Tipong maiintindihan mo na kapag binasa mo? Ganun.

"Moon on the Night,
 Source of the Light
 
Darkness will see,
Vengeance is the key
 
Listen to your heart,
Impossible will be."

After kong basahin nagliwanag yung libro. Sobrang liwanag na masakit sa mata. Tinakpan ko yung mata ko gamit yung kanan kong braso. Lumaki ang dalawa kong mata pagkamulat. Hindi na kakahuyan ang sumalubong sa akin kundi yung park malapit sa mansion namin. Hindi na ako nakaupo sa troso, kundi ssa isang bench na.

"Paanong- teka!  Pakshet. Masyadong mabilis.... Ang gulo. Akala ko ba-? Haynako!"

Akala ko ba dahil sa amulet kaya ako napunta sa Sortisian, e nawawala nga yung bato nun kaya pano ako makakabalik? Hindi rin naman ako nagpatulong sa kahit kanino? Ano yon? Magic words ba yung binasa ko sa libro? Sana pala binuklat ko na agad yun sa dulo para nabasa ko kaagad at nakauwi na ko. Pero paano kaya pag hinanap ng may-ari 'tong amulet tapos nakita niya wala ng bato? Fake yata to e.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora