Secret 17

521 20 7
                                    

SECRET 17

Mula sa puting usok, unti unti nabuo ang imahe ko sa harap ng aking mga alagang halimaw na pinapunta ko sa Belua Pugna upang abangan ang pagdating ni Sephone.

"Magbigay pugay sa mahal na reyna!"

Nagsiyuko silang lahat bilang pagbibigay galang sa akin.

"Magsitayo na kayo. May mahalaga akong sasabihin."

Nagsiayusan naman silang lahat habang nakatuon sa akin ang atensyon.

"Alam kong maraming naguguluhan sa inyo kung bakit kayo naririto ngunit sinunod niyo pa rin ang utos ko na manatili sa ating kinasusuklamang lugar."

"Sasabihin niyo na ba sa amin ang dahilan mahal na reyna? Dahil malapit na kaming mapuno sa mga pinaggagagawa nila sa amin. Gusto na naming sirain ang lugar na ito at pagpapatayin lahat ng nagpapahirap sa aming Malum!" Ang pinakapinuno ng aking mga alagad na halimaw ang sumagot. Si Vieta. Halata ang galit sa boses niya.

Nakangiti kong sinagot ang tanong niya.

"Ang magliligtas sa inyo at sa lahat ng Salus ay naririto sa Belua Pugna. Maaaring isa sa inyo ang makalaban niya.."

"Malakas kaya ang anak ng mahal na reyna?"

"Tanga! Malamang. Anak ng pinakamalakas na Sortis at pinakamasamang salamangkero ang tinutukoy mo."

"Sana ay hindi ako ang makalaban niya mamaya."

"Ano kayang itsura niya? Babae ba o lalaki?"

"Oo nga. Hindi natin alam kung babae ba siya o lalaki."

"Huminahon muna kayong lahat." sigaw ko para maagaw ang atensyon nila.

"Ngunit wala pa siyang karanasan sa pakikipaglaban. Iyon ang misyon niyo. Ang gusto ko'y tulungan niyo siyang ilabas ang tunay niyang lakas ng di namamalayan ng mga Malum."

"Asahan niyo pong magagawa namin iyon."

"Hindi niya alam na siya ay inyong prinsesa kaya mag-iingat kayo. Aasahan kong magagawa niyo ito." Huli kong sinabi bago maglaho sa harap nila.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang magkaroon ng konsentrasyong makausap ang makakatulong sa akin. Nagwika ako sa aking isip ng mahanap ko na ang koneksyong nag-uugnay sa amin.

"Nox, kailangan ko ng mahika na nakakapagpawala ng emosyon."

"Delikado iyon Cynthia! Hindi kita hahayaang gamitin iyon kahit kanino—"

"Kung ayaw mo akong tulungan, ako na lang ang hahanap ng mzakakapagbigay sa akin ng mahikang kailangan ko.."

Huli kong sinabi at tinapos na ang pag-uusap namin na alam kong walang patutunguhan kung patatagalin ko pa dahil hindi siya papayag kahit anong gawin ko lalo na't pinagtaasan niya na ako ng boses.

Hindi emosyon na nagpapahina sa kaniya ang makakahadlang sa mga plano ko.

*************

Hindi ko alam kung gaano na ba kalaki yung mata ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. Grabe! As in grabe!

Dalawang fighter na lang ang nasa upuan at hindi pa rin natatalo ang dinosaur na nasa battle ground. As in! Ang lakas niya! Yung pito na naunang lumaban, knockout! Hindi naman kasi tuluyang pinapatay ng halimaw parang pinapatulog niya lang.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now