Secret 13

602 20 1
                                    

SECRET 13

Kasalukuyan akong nakaupo sa likod ng mansyon namin. Sa garden. Hindi ito naabot ng sunog kaya may mga gamit na di gaanong natusta. Binalikan ko dahil baka may mga gamit akong makuha na makakatulong sa'kin. Unfortunately... wala.

Yung library, sunog. Pati yung ibang parte ng bahay na may mga librong gusto kong basahin noon nasunog. Pero yung mga rooms na may secret passages and secret rooms halos wala man lang damage. Hindi ko alam kung napansin yun ng mga nagimbestiga pero halatang halata kaya napansin ko kaagad.

Nagtaka lang ako sa isang kwarto na may secret passage dahil bukas yung closet. Ang pagkakatanda ko, may damit dun. White Victorian dress at sa ilalim nun, may kasamang cloak na itim. Yung secret passage ay patungo sa isang secret room. Katulad yun ng pinasukan kong kwarto bago ako mapunta sa Thadia. Ang pinagkaiba lang, may king sized bed, walk-in-closet at ancient mirror. Pero hindi ako nakapasok sa room na yun. Pinagmasdan ko lang yung kabuuan ng buksan ko ang pinto tapos umalis na ko. Ayoko sa aura ng lugar. Nakakatakot. Kailangan mo pa ng kandila o flashlight para lang magkaron ng liwanag dahil sobrang dilim. Kaya nga di ko nakita kung may laman ba yung kwarto. Wala kasi akong dalang pang-ilaw pagpunta ko dun. Nakita ko lang agad yung closet kasi katapat ng pinto kaya nabigyan ng kaunting liwanag.

Nagtayuan ang mga balahibo ko ng humangin ng malakas.

Bigla na lang may sumundot sa tagiliran ko. Napatayo naman ako bigla at nakita si Ina na nakaupo na din sa tabi ng inuupuan ko kanina. Nagpipigil ng tawa.

"Ge. Tawa pa." Saka ako muling bumalik sa inupuan ko kanina. Isip bata rin 'to eh. Kaya di ko tinatawag na Ina para kasing magka edad lang kami. Ang awkward.

"Ano bang iniisip mo at buntong hininga ka ng buntong diyan? Ambaho ah." Tinitigan ko siya ng masama. Nagpipigil pa ng tawa ang loko.

"Okay serious na. Anong problema?" Napabuntong hininga ulit ako sa tanong niya.

"Hindi ko na kasi alam kung ano na bang susunod kong gagawin. Ang alam nila Mr. Falcon, patay na ko. Pag nakita nila akong buhay, tiyak hindi na ako makakaligtas. Hindi na rin ako pwedeng pumunta kay Madam Shaui. Pumunta kasi ako sa condo niya kanina. Narinig kong kausap siya ni Miko at nalaman kong kasabwat siya ni Mr. Falcon. Pinaglaruan lang niya ko. Pinasikat pero may balak din palang masama sa'kin. Kumita siya dahil sa'kin. Ginamit lang ako tapos didispatsyahin din. Kaya ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta."

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala lahat ng nalaman ko't nangyari sa'kin. Siguro tama nga talaga na 'sarili mo lang ang mapagkakatiwalaan mo.' Pero bakit ako nagtitiwala ngayon sa isang nilalang na kakakilala ko pa lang? Sa isang nilalang na ngayon ko lang nakasama at ni hindi ko man lang kaano ano?

Natigil ang pag-iisip ko nang maramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng suot kong short na kakabili ko lang kasama ng iba ko pang damit. Buti na lang nakapagwithdraw ako ng malaking halaga.

Nang tignan ko kung sino ang caller, si Mrs. Fabregas lang pala. Attorney ni Dad.

"Hello?"

"Ms. Williams, we need to talk."

"About what po?"

"Ano nang gagawin natin sa naiwang ari-arian ni Mr. Williams? Bakit ba kasi ayaw mong ipatransfer sa'yo ang mga 'yon?"

"Mrs. Fabregas... I'll be honest to you. May nagtatangka po sa buhay ko. At aalis na rin po ako kaya hindi ko po mapapamahalaan lahat ng mga 'yon."

"What?! Bakit di ka magreport sa police? Okay ka lang ba ngayon?! Nasan ka?!" Natuwa ako sa narinig kong pag-aalala sa boses niya. Kahit di niya ako kaano-ano, she cares for me.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now