Secret 6

839 32 0
                                    

SECRET 6

"Hera, nakapunta ka na ba sa mundo ng mga tao?" Tanong ko habang gumagawa ng apoy para sa karneng kakainin namin. Nalaman ko ring hindi pala kumakain ng hilaw na karne si Deion. Spoiled masyado. Tss. Arte.

"Hindi pa. Kahit kailan."

Pinagpatuloy ko na lang ang pag ihip sa mga kahoy para umapoy habang naka upo lang si Hera at nakatingin sa kawalan. Si Deion naman ay mataman lang akong pinagmamasdan habang nakahiga sa gilid ni Hera na hinihimas himas siya. Problema nitong leon na to sa'kin? Parang mangangain lang kung makatingin eh.

Sa unang tingin kay Deion para siyang oversized Lion. Yung leon na puti ang balahibo, ganun yung itsura niya. Mas malaki nga lang kumpara sa mga Leon sa Earth kaya napagkakamalan ko siyang Leon.

Nalaman ko rin na Miccita pala yung prutas na kinain ko sabi ni Hera. Tinanong pa nga niya ako kung anong nararamdaman ko nung kinain ko yun eh. Syempre sabi ko lumakas. Ansarap nga e.

Okay lang naman pala mag isip isip kasi hindi pala nakakabasa ng isip si Deion. Kaya lang niya siguro nasasabi yung mga nasa isip ko noon dahil mabilis mabasa sa mukha ko. Akala ko mawawalan na ako ng privacy para mag-isip.

Kung hindi pa nakakapunta si Hera sa mundo ng mga tao, eh sino pala yung nandun sa picture kasama si Dad?

Tumayo si Deion at pumunta malapit sa bukana ng kweba. Pinabayaan ko lang siya.

Magtatanong na sana ako kung may kakambal si Hera ng makarinig ako ng mga yabag. Naalerto din si Deion at agad inalalayan si Hera para tumayo.

'Seph! Ano pang tinutunganga mo diyan?! Alalayan mo si Hera. May alam siyang daan sa kabila ng kweba. Susunod ako.'

Sinigawan ako ni Deion sa utak ko kaya dali dali kong inakay si Hera habang itinuturo niya sa'kin ang daan.

Kaninong mga yabag ba yun? Hindi kaya sa mga Malum? Nasundan ba nila kami?

*******

Hatinggabi na pero wala pa rin si Deion. Ano na kayang nangyari sa leon na yun? Baka inihaw na yun ng mga Malum. Sa sobrang gutom nila at galit napag-initan nila ang kawawang nilalang at kinatay para maging pagkain. Tsk tsk. Kaawa awang nilalang.

"Sephone, umupo ka muna. Hayaan mo muna si Deion. Kaya niya ang sarili niya. Hindi siya mapapahamak."

Bumuntong hininga na lang ako saka umupo sa tabi ni Hera. Ito na siguro yung oras para tanungin ko siya.

"Uhhhh... Hera?"

"Ano yun?"

"May... may kakambal ka ba?"

Katahimikan. Nakakabingi sa sobrang tahimik. Yung tipong kuliglig lang ang maririnig mo. Nasa gubat pa man din kami.

"Oo. Meron nga pero... hindi na niya ako tinuturing na kapatid." Ngumiti siya. Pero puno ng kalungkutan.

Confirmed. Pero wag ko na lang muna tanungin si Hera sa kapatid niya. Malulungkot lang siya pag inungkat ko pa ang tungkol dun.

Ang speaking of kapatid. Si Phoebe. Kamusta na kaya sila ni Dad? Humupa na kaya ang galit nila sa'kin?

Tumingin na lang ako sa bilog na buwan at nagpakawala nanaman ng buntong hininga na parang mailalabas nun lahat ng hinanakit at problema ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang blue moon. Kakaiba talaga dito sa Sortisian. May pagkabluish yung buwan nila at sobrang liwanag pero hindi naman kasing liwanag ng araw. Sapat lang para makita ang paligid namin na parang siya ang nagiging gabay namin sa kadiliman ng gabi. Wala man ang araw, nandyan naman ang buwan na magsisilbing liwanag kapag wala ang araw.

"Hera, matulog ka na. Ako ng magbabantay muna. Aabangan ko na din si Deion. Gabi na rin kasi."

"Hindi, sasamahan na kita. Hin-" Humikab muna siya at magsasalita pa sana pero inunahan ko na.

"Sige na. Alam kong antok ka na. Kaya ko 'to. Ako pa." Kinindatan ko pa siya kahit alam kong hindi niya rin yun makikita.

Ngumiti na lang siya.

"Sige. Magandang gabi Criscanta."

Tumindig ang mga balahibo ko ng bigkasin niya ang pangalan ko. Jeez. Lagi lang kasi Cris or Seph ang tawag sakin. Hindi ako sanay na buong pangalan.

Inalalayan ko na lang siya pahiga sa higaan na ginawa ko kanina. Mabuti na lang at may Agusam din siya na may laman na mga tela kaya yun ang ginamit ko para sa sapin na pwedeng higaan at nilagyan ko din ng bubong na tela at tinali sa mga puno. Parang bahay bahayan lang. Hahaha. Ang galing ko talaga.

Tinitigan ko muna siya bago bumalik sa inuupuan ko kanina.

'Pano kaya niya nalaman yung second name ko?'

Habang naghihintay, kumakain ako ng Miccita at nag hahum pa. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko ang kanta na ito. Ito yung hinahum sa'kin ng babae sa panaginip ko.

Sabi niya nasa tabi ko lang daw siya palagi kaya panatag ang kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis niya akong mapakalma at mapasunod sa mga bagay na gusto niya at hindi ko gusto iyon. Ayaw ko na may nag-uutos sa akin o may pinapagawang bagay na walang permiso ko o labag sa kalooban ko.

Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere kaya kahit gustong gusto ko pang pumikit at hayaan ang paligid ko sa kung anuman ang nangyayari ay pinilit ko pa rin na dumilat.

Blurred ang paningin ko pero may nahagip ako ng tingin.

Ang babae sa panaginip ko.

Inabot ko siya pero hindi ko na nahawakan ang nakalahad niyang kamay.

"Mama..."

Hindi ko alam kung bakit siya napangiti pero agad din namang nagbago at bumalik sa mukha niyang blangko.

Pumikit ako para mas maging malinaw ang aking paningin ngunit pagmulat ng aking mata ay wala na siya. Namamalikmata lang ba ako?

Naramdaman ko na lang ang pagsayad ng likod ko sa higaang ginawa ko kanina para makapagpahinga kami ni Hera.

"Sino ka?"

Unti-unti siyang humarap sa akin. Ang ganda ng effects ng liwanag ng buwan sa kanyang likod habang unti-unti siyang humaharap.

"Sum princeps."

*****

Nakakasilaw ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi ako sanay sa sikat ng araw dahil hindi naman ako laging nasa labas kaya agad akong nagising.

Wala na sa tabi ko si Hera. Medyo malayo sa pwesto ko ay nakikipag-usap siya kay Deion.

Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang mga nangyari kagabi kung paano ako napunta sa higaang ginawa ko mula sa pagkakaupo sa bato.

May bumuhat sa akin. Lalaki.

"Sino ka?"

"Sums Princeps."

Weird name. At yung babae sa panaginip ko.

"Mama."

Ano bang pumasok sa isip ko at tinawag ko siya nun?

"Kung may ibang nakakakita ng ginagawa mo sa sarili mo, paniguradong iisipin nilang nababaliw ka na."

Agad akong napahinto sa pagpukpok ng ulo ko at tinignan ng masama si Deion.

'Letche talaga 'tong pakielamerong leon na 'to. Ang epal epal lagi. Asar.'

"Manahimik ka na nga lang Leon ka diyan!"

Akala ko lulubayan na niya ako ng talikuran niya ako pero ang bastos. hinampas ba naman ako ng buntot niya.

"Aray! Pag ako tinopak iihawin talaga kita!"

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now