Secret 14

573 21 0
                                    

SECRET 14

Buong buhay ko, puro pagsasakripisyo ang aking ginawa. Ngayon lang ako magiging makasarili para makasama siya. Napatingin ako kay Sephone na galit na nagsasalita tungkol sa mga bagay na gagawin niya sa mga masasamang tao na pumatay sa mortal niyang ama. Hindi ko naisip na magiging malapit siya sa mortal na iyon kahit na ikinakahiya siya nito. Kung nakinig lang sana ako noon kay Nox.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"

"Kailan ba ako naging hindi sigurado sa mga desisyon ko Nox?"

"Hindi mo hawak ang mga mangyayari Cynthia. Maraming pupwedeng mangyari sa kaniya sa mundo ng mortal."

"Kaya nga lagi ko siyang babantayan para mapoproteksyonan ko siya sa mga pupwedeng makasira sa lahat ng plano ko."

Napabuntong hininga na lang siya. "Bahala ka."

Iminulat ko ang aking mata. Tapos na ang pag-uusap namin. Napaka ikli na nga ng aming pag-uusap, pinipilit nanaman niya ang gusto niya pero ako pa rin ang nasunod. Mas alam ko ang mga dapat gawin.Nakaplano na lahat ng ito. Gustuhin ko mang pahabain ang usapan namin ay hindi pupwede. Maaari siyang mahuli at kunin ang bagay na nag-uugnay sa'ming dalawa. Pag nangyari yun, hindi ko na siya makakausap pa.

Ibinaling ko na lamang kay Sephone ang aking tinginhabang mahimbing siyang natutulog. Ganito na lang lagi. Pagmamasid na lamang ang tangi kong nagagawa. Hindi ko na kayang hindi siya lapitan, hawakan at makausap. Sabik na sabik ako sa kaniya. Matagal tagal na din ng huli akong magpakita sa panaginip niya at sana. Sana'y natatandaan niya pa ako.

Nagbago ang aking anyo. Naging isang puting usok ako upang makapunta agad sa kinaroroonan niya. Kailangan ko siyang balaan ngayon. Mapanganib sa lugar na napuntahan niya ngunit alam ko... Magiging ligtas siya dito. Dahil siya ay isa sa amin. Kinakailangan na ring mabuksan ang pagmumulan ng kapangyarihan niya. Kakailanganin niya ito anumang oras.

Gustuhin ko mang saktan ang itinuring niyang ama sa mundo ng mga tao ay di ko magawa. Alam kong para rin sa kaniya ang ginawa ng kaniyang amang mortal. Katatakutan siya ng mga tao kapag nakita ang ikinukubling kulay ng mga matang mayroon siya kaya pinanatili ko na lang ang pagiging sarado ng kanyang kanang mata.

Lumundag ang puso ko ng malaman kong naaalala niya pa ako. Ngunit hindi kami maaaring magtagal na mag-usap. Nararamdaman kong nakamasid ang mga sundalo ni Kazarel sa amin kaya gamit ang aking kapangyarihan, tinakpan ko ang bangkang kinalalagyan namin ng hamog upang mabigyan ako ng oras na mabuksan ang kaniyang mata.

Napangiti ako ng mabuksan ko ng matagumpay kong nabigkas ang orasyon. Lingid sa kaniyang kaalaman ay iba na ang kulay ng kanyang mata. Parehas na kami. Puti ang kulay ng kanan habang itim ang kaliwa. Tanda ng pagkakaroon niya ng dugo ng tao. Ngunit matatanggal din ito pag naisakatuparan ko na ang ritwal.

Pansamantala lamang ang kulay puting mata niya at bumalik na rin ito sa normal na itim. Tulad ng isang tao.

Tulad ng nakagawian, akala niya'y panaginip ang lahat. Ngunit hindi. Simula na ito ng kanyang kapalaran. Mabubuksan na niya ang lihim ng kanyang pagkatao.

——————

Hindi ko inaasahan na makikita niya ako sa gabing bilog ang buwan habang buhat siya ng anak ni Kazarel. Nagawa niya. Nagbago ang kulay ng kaniyang mata kaya niya ako nakita.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now