Secret 1

1.6K 44 5
                                    

SECRET 1

Padabog kong binitawan ang cellphone na kanina ko pa hawak at tinignan na lang si Phoebe na nasa harap pa rin ng salamin.

"Phoebe nakakita ka na ng babae, butas ang ulo dahil binato ng kakambal niya ng cellphone sa sobrang irita?" habang nilalayo sa akin ang cellphone ko dahil baka mabato ko sa kaniya para malayo na siya sa salamin. Naiirita na yung mata ko sa kaartehan niya. Leche.

"Uhhmm. Never pa naman. Did that appear on the news?"

Mas lalo lang akong nabwisit sa sagot nya. Kahit kailan talaga mala net ng author ang utak. Sarap alugin  para bumilis ang loading.

"Hindi ka pa ba aalis?" 'Kakaladkarin na kita palabas.'

"Ehhhhhh.... Kasi naman! Why ba kasi I'm so- ugh!" sabay hawak sa flat na dibdib. " Dapat exchange tayo." tumingin siya sa'kin habang nakanguso.

"Andami dami kasing costume na pipiliin, wonder woman pa. Dapat nag Voltes V ka na lang. O kaya mas maganda wag ka na lang pumunta dun." 'Di ka naman kawalan sa kanila pag di ka pumunta e.' Gusto ko sana idagdag kaso magtatampo nanaman sa'kin to. Ang hirap pa naman niyang suyuin.

"NO!" hinarap niya ako ng nakapamewang. "This is my only chance to become a friend of Gezellig Gals or if they will like my outfit, maybe I'll be one of them."

" K dot. Shoo shoo!" with matching asik ng kamay.

Nagmade face pa muna siya saka padabog na naglakad palabas ng room namin. Narinig ko na lang ang pagandar ng kotse sa labas. Exactly ten minutes after tumayo na rin ako para kumuha ng black halter dress and black stilletos at sinuot. Nilugay ko ang medyo kulot kong buhok na hanggang bewang saka iginilid ang full bangs ko na halos matakpan na ang dalawa kong mata sa haba para matakpan ang kanan kong mata na may patch. Si Phoebe nagsuggest ng bangs ko, para mukha daw koreana and bumagay naman kaya feel na feel ko. Nilagay ko sa pouch ang cellphone ko. Nagdala na din ako ng kaparehong dress at stilletos na suot ko dahil may clue na ako kung anong mangyayari sa kaniya sa "party" na pupuntahan niya.

Ginamit ko ang Mercedes Benz na naka tengga sa garahe papunta sa bahay na pinagdadausan ng party. Ayaw ko namang maglakad no? Marape pa ko diyan.

Napabuntong hininga na lang ako. Mapapagod pa ako para lang kay Phoebe. Nakakaasar talaga ang pagiging matigas ng ulo niya. Sarap pukpukin ng maso para lumambot. Hindi kasi makinig sa'kin. Masama pa naman ang kutob ko sa party kuno na yun.

Ilang streets lang ang layo ng bahay na pinagdausan ng party kaya nakarating agad ako. Buti na lang at nakwento ni Phoebe sa akin kung saan.

Para pala mapasama sa grupo ng gezellig ay kailangan munang batuhin ng mga bulok na prutas habang nasa mini stage at nakasuot ng costume? So lahat ng kaibigan nila dumaan muna sa initiation na yan? Dapat pala pinagsuot ko na lang ng banana si Phoebe.

Ang corny ng plano nila. Malameteor garden o boys over flowers lang? Tss. Wala man lang originality.

Ang tanga rin kasi ni Phoebe. Ang aga naman ng halloween nila para magkaroon ng costume party. Tsaka ano yun? Mga bata lang sila na magcocostume? Duh. Hello! September pa lang kaya.

Nang hindi na ako makatiis sa view bumaba na ako sa kotse at nag dirediretso sa crowd. Subukan nilang pigilan ako, ipupukpok ko talaga sa ulo nila ang takong ng sapatos ko hanggang bumaon sa mga bumbunan nila hanggang sa mga maliliit nilang utak.

Nagsipagtigil naman sila at napako sakin ang tingin.

"Diba si Serafina yan?!"

"Anong ginagawa niya dito?"

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt