Secret 4

979 34 1
                                    


SECRET 4

"Oh ano pre? Isubasta na lang natin yan!" 

"Oo nga! Sayang oh? Maganda pa naman. Mukha ring mahina. Siguradong kawawa lang yan pag napatay ng mga halimaw! Mas malaki pa ang kikitain natin kung isusubasta yan!" 

"Osya osya. Yun naman talaga ang nasa isip ko. Mamayang gabi. Siguradong marami ang magkakandarapa para mabili yan. Pagsuotin niyo ng mga damit ng babae niyo para mas malaki ang presyo!" 

Nagsialisan din sila sa tapat ng seldang kinalalagyan ko. Sila ang nabungaran ko ng magising ako kanina. Kinusot ko agad ang mga mata ko saka pumikit pikit. Pag di nanaman dumillat itong kanan kong mata naku. Magwawala talaga ako dito.

Siguro dito ako dinala ng tatlong pesteng panget na humabol sa'kin. Iba pa kasing panget yung nasa harap ng selda ko at sa humabol sa'kin kanina. Sasabihin ko na lang na panget yung mga humabol sa'kin kanina na nakacloak kahit di ko nakita yung mga mukha nila. Baka matuluyan na talaga akong mabulag kung nakita ko pa sila.

Wala man lang nga silang binibigay na pagkain sa'kin dito. Buti na lang hindi nila napansin yung Agusam sa bewang ko kaya nakakakain pa ko ng orange apple grapes.

Naupo na lang muna ako sa sulok habang kumakain. Nakakagutom habulin ng mga kalalakihan. Matutuwa na sana ako kung ang gagwapo nila at hinahabol nila ako dahil magpapa autograph sila pero hindi. Bukod sa ang papangit nila mukha pa silang mga rapist.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa nga alam kung paano ako napunta sa lugar na ito tapos papatayin na nila agad ako? Hindi ba pwedeng mag explore muna tapos tanggalin na lang nila yung memory ko na napunta ako sa lugar na ito o kaya pagmukhain na lang nilang panaginip lang lahat ng nangyari sa akin dito tapos ibalik na nila ako sa Earth. 

Ang dami ko pang pangarap. Gusto ko pang makita sina Dad at Phoebe. dumagdag pa ang babaeng iyon na lagi na lang nagbibigay ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan kung anong ibig sabihin pero pagdating ng panahon nakakatulong sa'kin.

Sana lang talaga nandito lang siya sa tabi ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko ngayon. Akala ko dati kapag nakalabas ako ng mansyon magiging masaya na ako. Pero hindi ko naman akalain na ganito yung mangyayari sa'kin. Oo nga nakalabas ako. Makakabalik pa kaya ako ng buhay? 

Nilusot ko yung kamay ko sa Agusam para kumuha ng pagkain pero iba ang nakapa ko. Yung Silenda at isa pang libro na maliit. Yung bigay ni Iwiah.

Tama. Hindi pa dapat ako mamatay. Kailangan ko pang ibigay sa ina ni Iwiah yung iniwan niya. Kahit man lang sa bagay na iyon maibalik ko iyong kabutihan niya sa akin. Kung hindi dahil sa akin, hindi siya mamamatay. 

Inubos ko na yung hawak kong orange apple grapes. Kailangan kong magplano kung paano makakaalis dito. 

Lumapit ako sa mga gilid gilid ng kinalalagyan ko sa pagbabakasakaling may mahahawakan ako na magbubukas bigla sa pintuan palabas. Hindi naman masamang mag-isip ng ganun diba? Posible naman siguro yun dito sa mundo nila.

Masyadong makapal yung bricks na ginamit sa lugar na ito. Isa pa, yung kahoy na nagsisilbing rehas ay masyadong makapal at matigas. Sinisigurado talaga nilang hindi makakalabas o makakatakas yung mga nakakulong dito.

Napaupo na lang ako at tinago yung ulo ko sa magkadikit kong tuhod. Nakakasakit ng ulo. Tangina. Ano ng gagawin ko para makaalis dito?

"Handa na ba lahat?"

"Opo. Pinapakalma na lang po yung nahuling periculosus."

"Magiging mataas ang presyo ng isang iyon. Lalo na ang babaeng 'to."

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora