Secret 21

667 17 4
                                    


SECRET 21

Habang nakatingin ako sa mga mata niya parang nakalimutan ko kung nasaan ako, kung anong ginagawa ko doon at kung anong kapahamakan ang naghihintay sa akin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Lahat ng sakit at hirap na dinanas ko sa mundong hindi ko naman alam kaya kong danasin ulit para lang sa kaniya. Para lang sa kapatid ko. Ni hindi ko man lang napansin na ang laki na ng pinagbago niya. Basta't ang mahalaga, nakita ko na siya.

"W-what are y-you doing?! M-make it linis n-na! It's y-your kasalanan na tatanga-tanga k-ka!"

Natauhan ako sa sinabi niya. Hindi ko man lang napansin na nasa amin na ang lahat ng atensyon ng mga tao sa party. Tumungo ulit ako saka pinagpatuloy ang pagpupulot ng mga bubog para ilagay sa tray. Tama siya. Kailangan ko munang tapusin ito saka kami mag-uusap. Narinig ko na lang ang tunog ng papalayong yabag niya kaya binilisan ko agad ang ginagawa ko. Kailangan na naming umalis. Uuwi na kami.

Lakad-takbo na ang ginawa ko para maibalik sa kusina ang tray na may mga lamang bubog para masundan ko agad si Phoebe pero nahawakan agad ako ni Miss Chinchin sa siko bago pa man ako makalabas ng kusina. Masamang tingin ang binigay ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya naman makikita dahil sa nakaharang na bangs sa mga mata ko.

"Matapos kang gumawa ng katangahan ay aalis ka na lang ng basta basta?! Hindi ba tumatak sa makitid mong pag-iisip na bawat katangahan dito sa palasyo ay may kaakibat na kaparusahan?!"

"Sandali lang! Bitawan niyo muna ako! May kailangan pa kong gawin!"

"Anong kailangan gawin?! Wag ka ng magpalusot! Hindi ka makakatakas sa kaparusahan kahit anong gawin o sabihin mo!"

Sasagot pa sana ako ng sinenyasan niya na ang isang kawal na nagbabantay malapit sa pintuan ng kusina para lumapit sa kaniya.

"Ilagay mo 'to sa dapat niyang kalagyan. Sa oras na makatakas yan, ikaw ang sasalo sa parusa niya. Naiintindihan mo?"

Tumango ang kawal sa sinabi ni Miss Chinchin. Binitawan na niya ako pero ang kawal naman ang pumalit sa pagkakahawak niya sa akin na sobrang higpit. Pakiramdam ko mababali na ang buto ko sa kamay.

"Sandali lang! May kakausapin lang ako! Teka naman! Makinig kayo— sandali lang sabi!"

Pero parang bingi lang silang lahat at walang nakinig sa akin. Ni wala man lang tumingin kahit nagmamakaawa na ako. Ang mga mata ni Elle na kinakaawaan ako ang huli kong nakita sa kusina. Ito nga siguro ang sinasabi ni Elle sa akin. Bawal mag-usap ang mga taga-silbi dahil takot ang palasyo na may mamuong samahan na tataliwas sa mga ginagawa nila. Marami ang hindi alam ang dahilan ng patakaran pero ngayon alam ko na.

Wala akong intensyong gumawa ng kahit na anong kaguluhan habang naririto ako pero hiningi nila ito. Para sa kapatid ko, gagawin ko ang lahat makauwi lang kami ng ligtas at magkasama. Kung ito lang ang paraan para makaalis dito, edi sisimulan ko na ang gulo.

Dahan-dahan kong kinuha sa ilalim ng damit na pinasuot nila sa akin ang Agusam na dala-dala ko gamit ang isang kamay.

"Sandali lang."

Tuloy-tuloy lang ang ginagawang paghila sa akin ng kawal at parang wala siyang narinig.

"Sinabi ng sandali lang! Hindi mo ba maintindihan 'yon?!"

Ginamit ko na ang mga paa ko para matigil ang pagkaladkad niya sa akin.

"Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo! Ako ang malilintikan kapag hindi kita naikulong!"

Tumama ang likod ko sa pader ng ibalibag niya ako. Tangina. Wala pang gumawa ng ganyan kay Sephone Criscanta Williams ng hindi nagagantihan! Walanghiya kang hampaslupa ka!

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now