Secret 11

647 21 4
                                    

SECRET 11

Tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko si Madam Shaui saka lumuhod sa harap ko upang maging magkapantay ang mukha namin. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Hinipo niya ang noo ko at tinitigang mabuti ang mukha ko.

"Wala ka namang lagnat. Sabihin mo nga sa'kin. Ilang gramo ng Shabu ang natira mo?" Yung mukha niya habang sinasabi yan, takang taka pa. Bwisit. Sabi na eh. Di talaga to maniniwala pag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa Sortisian.

Bumuntong hininga muna ako saka tumayo. Walang pag-asa na paniwalaan ako ng baklang 'to.  Matapos ko sabihin lahat lahat ng nangyari sa'kin yan lang ang isasagot niya? Mukha ba akong nag-aadict?! Siguro nga wala pa akong tulog at haggard na haggard pa ako mula sa pabilisan namin ng pagtakbo ng mga Malum, hanggang kanina sa mga nangyari sa mansion pero maganda pa rin to.

"Bahala ka na nga diyan. Sinabi ng hindi nga ako yung Serafina na tumanggap lahat ng offers last 3 months at naging karelasyon ni Miko. Ni ayaw ko ngang magboyfriend e. Bwisit to!"

Padabog akong nagmartsa palabas ng kwarto niya saka pabagsak na sinarado ang pintuan. Nakita kong napatalon sa kinauupuan niya si Miko ng ibalibag ko ang pinto. Napatingin agad siya sa'kin na namumutla. Ba't namumutla 'to?

Lalapitan niya sana ako ng tuluyan na akong lumabas sa condo ni Madam Shaui. Narinig ko pang sinigaw nila ni Madam Shaui ang screen name kong 'Serafina' pero hindi ko na sila nilingon. Hindi rin naman nila ako hinabol e.

Ano nga bang pumasok sa kukote ko at naisip kong papaniwalaan ako ni Madam Shaui kapag kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa'kin? Hindi siya makapaniwala dahil hindi naman daw ako nawala na siyang ipinagtataka ko.

Anong di nawala? Eh apat na araw nga akong nasa Thadia eh. Di kaya may gumagaya sa'kin? Kalokalike ko? O baka naman panaginip lang kaya lahat ng tungkol sa Sortisian? Eh kung ganon, bakit nakacloak ako at napunta na lang akong bigla sa park? Tapos nasa akin pa yung Agusam?

Napahinto ako sa paglabas sa building ng condo nila. Kung ipakita ko kaya kay Madam Shaui yung Agusam para maniwala siya? Napailing na lang ako. Baka mahimatay pa yung baklang yun. Wag na lang. Kung ayaw niyang maniwala edi wag. Wag pilitin ang ayaw. Madali naman akong kausap.

Sabi pa niya December na daw. Dafuck lang! Eh September ako napunta sa Sortisian? Ibig sabihin 18 na ako. Ni hindi ko man lang naranasang makapag debut pero hindi rin siguro ako pagdedebuthin ni Dad kung saka-sakali. Nagbirthday ako sa Sortisian ng di ko alam. Asar.

Dumaan na lang muna ako sa Seven-Eleven para kumain ng cup noodles. Lecheng bakla yun. Hindi ko na dapat siya isama sa mga problema ko. Ang dami dami na nga dadagdag pa siya. Ano siya chix?

Pinoproblem ko na nga yung pagkawala ni Phoebe, pati ba siya isasama ko pa?! Pinapahanap ko na si Phoebe sa mga private investigators at nagtatanong tanong na rin ako pero walang makapagsabi kung nasaan na ba siya. Kaya nga hanggang ngayon pagod na pagod ako eh. Wala pa kong pahinga. Tapos kailangan pa ng papalit sa pwesto ni Dad sa kumpanya at iba pang negosyo. Wala naman akong alam sa mga 'yun. Buti nandyan yung pinagkakatiwalaan ni Dad kaya siya muna yung humahandle pero dapat daw ilipat na yun kay Phoebe e wala nga siya tapos napagkakamalan pa ng lahat na ako siya so ako naman oo na lang kasi di naman nila alam na may isa pang anak na nag-eexist si Dad. Ang hirap hirap tuloy ng sitwasyon ko. Minsan iniisip ko baka magalit sa'kin si Phoebe kasi ginagamit ko yung pangalan niya.

Sana talaga mahanap ko na siya dahil siya lang makakasagot lahat ng problema at tanong sa isip ko.

********

Umalis agad ako kinabukasan sa hotel na tinulugan ko. Hapon na ako nagising kasi mag uumaga nanaman ako natulog. Nag-almusal lang ako sa McDo at dumiretso na sa bangko kung nasaan ang lahat ng kinikita ko-I mean nung nagpanggap na ako. Hindi naman nabawasan yung pera, nadagdagan pa nga. Syempre, di mawi-withraw ng kalokalike ko yung pera kasi di niya alam yung password ko. Bumili na din ako ng pamalit kong damit.

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now