Secret 5

778 34 3
                                    

SECRET 5

Hinulog ko sa mga dayami ang babaeng aking sakay sakay dito sa kwebang tinitirhan namin ni Heraldine.

Natatakpan ng kanyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha mula noo hanggang sa kalahati ng ilong pero hindi nito matatago na maganda siyang babae. Hinawi ko ito gamit ang mga matatalas kong kuko pero agad ko din namang binaba ang kamay ko dahil maaari kong masugatan ang mukha niya. Mahaba ang kanyang pilikmata, matangos ang ilong na tama lang sa kanyang mukha at mamula mula rin ang kanyang labi at pisngi. Pinakatitigan ko pa siya dahil parang pamilyar siya sa'kin ngunit napako ang aking paningin sa kanyang dibdib. Nalimutan kong masyadong kulang sa tela ang kanyang suot. Pero may nahagip ang aking mata. Kwintas. Pamilyar na kwintas.

Hahawakan ko sana ito ng naramdaman ko na may papalapit. Gamit ang kanyang tungkod na pinangangapa ay lumapit sa kinaroroonan ko ang isang babaeng maalon alon ang buhok na hanggang balikat at nakabestidang puti. Umupo ako at hinintay na lamang siya habang titig na titig pa rin si kwintas ng babae.

"Mahal na prins-" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

''Wala na akong karapatan sa pangalang 'yan.' kalmado kong sabi sa kaniya ng hindi nakatingin.

"Patawad Deion. Nasanay lang ako."

Yumuko siya. Si Heraldine. Ang tapat kong tagasunod na kahit wala na ako sa palasyo ay pinaglilingkuran pa rin ako. Bulag siya. Hindi. Mali. Binulag siya ng sarili kong ama. Tinanggalan na nga siya ng kapangyarihan, pati din ng paningin kinuha sa kaniya. Napakawalanghiya talaga ng lalaking 'yon. Ginawa niya akong mahinang nilalang. Maging si Hera dinamay niya pa.

'Bihisan mo ang taong yan. May Agusam siya kaya baka may damit yan doon. Mamaya ko sasabihin ang nangyari.'

"Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?" Tanong niya matapos niyang mabihisan ang babae.

Tama nga ako na may damit siya sa Agusam na kanyang dala. Nakakapagtaka lang dahil isa siyang tao ngunit may Agusam siya. Tanging mga orakulo lang ang meron nun kaya nakakapagtaka. Imposible namang ibinigay iyon sa kaniya dahil naipapamana lamang iyon at hindi rin iyon nananakaw dahil kusa iyong bumabalik sa may-ari.

'Nahuli ako ng mga Malum sa Puner.'

"Ngunit, bakit mo dinala ang taong yan dito?" Nakakunot noong tanong niya.

'May kakaiba sa kanya Hera... Iba ang pakiramdam ko sa tagalupang 'yan. Hindi lang siya isang simpleng tao.'

Magsasalita pa sana si Hera ngunit pinigilan ko siya. Nararamdaman kong gising na ang babae at nakikinig siya sa pag-uusap namin ni Hera.

'Alam mo bang masama ang makinig sa usapan ng iba.'

Namulat ang dalawa niyang mata at inirapan ako. Bumangon siya at sinipat ang kaniyang paligid. Bakit hindi na lang siya magtanong kung nasan siya, anong nangyari. Mga tanong na laging sinasabi ng mga taong kagigising lang. Pinapahirapan pa niya ang kaniyang sarili.

Humarap si Hera sa kaniya. Naramdaman niya sigurong gising na ang taong dala ko. Malakas talaga ang pakiramdam niya kaya kahit wala na siyang paningin ay parang normal pa rin.

Nanlaki ang mata ng babae ng makita si Hera.

Lumapit si Hera sa babaeng ngayon ay malalim ang iniisip.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo binibini?" Umupo siya malapit sa babae na ngayon ay pinagmamasdan siyang mabuti.

"Seph na lang. Naaalibadbaran ako sa binibi. Masyadong formal and.. nevermind."

'Wala siyang paningin.' Pahayag ko dahil sa mukha niyang nagtataka sa tungkod na dala ni Hera.

Marahil ay nagtataka siya dahil pag tinignan mo ang mata niya ay parang sa mga tao lamang ito. Normal. Hindi katulad ng sa mga orakulo na puti ang pupil ng mata. Kaya siguro akala nito'y nakakakita rin siya dahil na rin sa mga kilos nito.

"A-aahh... U-hmmm.. Ayos lang ako." Ngumiti pa siya pero halatang pilit.

"H-hindi ba ako kakainin ng alaga niyo? U-u-uhhmm... Ansama ng tingin niya sa'kin."

"Wag kang mag-alala mabait ang am-"

'ALAGA! Tama alaga mo lang ako. Wala kang ibang sasabihin sa kaniya.' May pagbabanta sa boses ko. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong malaman ng tagalupang 'to na isa akong makapangyarihang nilalang.

"A-alaga. Deion nga pala ang pangalan niya. Isa siyang periculosus. Ako naman si Hera."

"Salamat dito sa damit at sa ginawa na ring pagligtas sa akin ng alaga niyo kahit di ko naman alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa isip. Talent niya ba yun o ti-nrain niyo lang siya?"

"Talent at pagsasanay."

Ang totoo. Ako lang sa mga periculosus ang nakakagawa ng ganoon. Para kahit papaano ay nakakausap ko pa rin ang mga kauri ko noong nasa dati ko pang anyo ako.

"Deion mangaso ka muna para may makain tayong agahan. Siguradong gutom na ang bisita natin."

Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Seph.

"May prutas pa ako dito. Kakasya pa ito sa'tin."

Kinuha at binuksan niya ang Agusam sa kanyang bewang. Naglabas siya ng mga Miccita. Papanong-?!

'Hera! Miccita ang prutas na sinasabi niya! Papanong buhay pa siya hanggang ngayon?!' Sobra na talaga ang pagtataka ko sa babaeng ito.

Kapag ang isang tao ay nakakain ng Miccita, wala pang isang oras ay mamamatay na ito. Pwera na lang kung... isa siyang Sortis?

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon