Secret 16

575 21 6
                                    


SECRET 16

"Aray! Takte—aray sabi!"

Ang sakit talaga! Bigla bigla na lang ako pinagpapalo ng matandang hukluban na 'to ng baston niya pagkalapit ko. Dapat talaga hindi na ako lumapit e. Akala ko magpapasalamat, papatayin pala ako.

"Pucha! Sinabi ng masakit e!"

Todo ako sa pag-ilag sa mga hampas na papatama sa'kin. Buti nga naiilagan ko na yung iba ngayon. Kanina, halos lahat tumatama talaga sa iba't ibang parte ng katawan ko. E may period nga ako diba?! Kaya siguradong magkakapasa ako ne'to.

Tatama sana sa tagiliran ko yung baston niya kaya binilisan ko ang pagkilos at hinawakan yun ng mahigpit.

"Ano ba talagang problema mo sa'king matanda ka?! Ha?! May galit ka ba sa akin?! Sabihin mo na! Papatayin mo ba ko?!"

Nakatayo lang siya habang ang isang kamay ay nasa likod niya. Hawak niya naman ng isang kamay yung baston niya na hawak ko na rin ang dulo ngayon.

Tinignan ko naman yung iba pa naming kasama dito sa kulungang 'to. Nandun lang sila sa isang gilid at parang binibigyan pa kami ng space ni tanda. Medyo malawak lawak din kasi yung kulungan namin. Ni hindi man lang nga nila pinipigilan si Tanda. Wala ding bantay ngayon. Ang pagkakarinig ko kanina, may darating daw na mahalagang Sortis na manonood kaya maghahanda ang mga sundalo. Kaya ayan, tinotorture ako ni Tanda.

"Hindi niyo man lang ba pipigilan—Aray! Leche talaga!" Naputol yung sasabihin ko dahil biglang hinugot ni tanda yung baston niya sa kamay ko at pinaghahampas nanaman ako. Hayop! Wala bang katigilan 'to?! Ano bang trip ng matandang 'to?!

"Ano bang trip mo tanda ha?! Pag ako nabwisit sa'yo... makakatikim ka talaga ng kame hame wave ko! Epal ka!"

"Huwag kang puro satsat bata. Wala ka namang binatbat sa akin." Naknagisi pa siya at parang tuwang tuwang saktan ako.

Nabwisit ako sa sinabi niyang walang binatbat. Hinahamon talaga ako ng matandang 'to! Makikita niya! Mas malakas ata ako dahil mas bata ako sa kaniya!

Tinusok niya yung baston sa dibdib ko saka ako tinulak pero bago pa ako mapasandal sa dingding, hinawakan ko na ang baston niya at inikot ikot sa kamay ko saka ibinalik sa kaniya. Siya naman ngayon yung napaatras dahil sa ginawa ko. Napanood ko lang 'to kay Jackie Chan. Magagamit ko din pala?

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Sinipa niya ako sa tiyan kaya nabitawan ko yung baston at medyo napaatras ako. Parang kakapusin ata ako sa hininga. Napalabas lahat ng hangin ko dahil sa sipa niya. Mala kalabaw pa pala 'to si Tanda.

"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo bata?" Nanguuyam niyang sabi habang nakangiti pa ng pang-asar. Ang ayaw ko, yung inaasar ako. Okay lang kung ako yung mang-aasar pero hindi ko matatanggap kung ako yung binubwisit.

Kinuyom ko ang mga kamay ko saka tumakbo papunta sa kaniya. Susuntukin ko sana siya pero hinarang niya ang baston sa mga kamay ko saka iniiwas sa kaniya. Ganun lang yung ginawa niya. Hindi man lang ako makalusot. Kaya tulad ng ginawa niya, sinipa ko din siya pero naiwasan niya ito sa pamamagitan ng pag-atras. Effortless ang pucha! Ako pagod na pagod na. Siya parang wala lang. Nag cobra ba si Tanda at ganyan siya kalakas?!

Habol ko ang hininga ko ng huminto ako sa pagsuntok sa kaniya pero nakaposisyon pa rin ang mga kamao ko. Ramdam ko rin ang mga pawis mula sa noo ko pababa sa dibdib at sa likod ko.

"Walang pwersa ang mga suntok mo kaya naiilagan ko kaagad. Lagyan mo ng lakas! Hindi nga ako nagkamali sa sinabi kong mahina ka."

"Ang ayoko sa lahat yung sinasabihan akong mahina!"

Secret of Her Eyes (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now