* Kampo

" Oh anong nangyari sayo? " salubong sakin ni Emjae, nag dire-diretso na naman yung luha ko.

" Wala 'to--"

" Ano sabi eh!" Hiyaw niya. Peste naman oh

" Si Drake..."

" Ano? " tanong niya sakin

" Ginugulo na naman yung utak ko. Nangingielam na naman siya sa mga bagay na gusto ko." Tinakpan ko yung muka ko para hindi niya makita na umiiyak ako. Peste ang hina ko pagdating kay Drake.

" Ano ba pinag usapan niyo"

" Sinabi ko na iinom lang kami nila Athena pero nangielam siya. Mukang nag rerebelde na daw ako sa ginagawa ko, masyado ko daw nilulunod yung sarili ko sa Alak. Emjae hindi naman totoo yon diba? Emjae ang sakit ng narinig ko galing sa kanya" Tanong ko kay Emjae na umiwas ng tingin sakin.

" Sorry Iah, pero tama si Drake. Oo, umiinom na tayo dati pa, kahit nung hindi pa kayo. Pero Iah, madalang lang dati na minsan tumatanggi ka pa. But now, sobrang dalas na. Yung tipong di mo na kaya, pero gusto mo pa. "

'Ano bang buhay 'to? Bakit pag si Drake yung nag sasalita bakit parang lahat kampi sa kanya? Ni barkada ko sangayon sa kanya? Bakit pag si Drake na nag salita nanghihina ako? Nasasaktan ako? Nanliliit ako? '

" Iah, hindi masamang mag lasing, basta wag lang araw-arawin." Inakap ako ni Emjae habang sabi sabi yon.

Bakit sa tuwing kailangan dapat sobrang tatag ko nanghihina ako?

Hindi ko alam, simula nung napaglapit na naman kami ni Drake bumalik na naman ako sa pagiging mahina, mahina na hindi ko naman ugali.

Kailangan ko ng dumistansya at kalimutan si Drake. Ayon ang tamang gawin ko. Gusto kong kalimutan na kakilala ko siya.

" Emjae, tulungan mo'ko " Sabi ko kay Emjae na nanlalaki ang mata

" S-saan? "

" Na kalimutan si Drake, gusto ko siyang kalimutan. " Mahinang sabi ko.

" You don't need forget him. Forget your Feelings for him. ''

" I have not feelings for him."

" No, may feelings ka pa sa kanya. Kung sinasabi mong wala ka ng nararamdaman sa kanya, nagkakamali ka talaga. Kitang kita sa mga mata mo, sa itsura mo, sa galaw mo. "

" Kung ganun ang tingin niyo sakin, okey wala naman akong magagawa. Pero basta tulungan niyo ko na kalimutan yung 'nararamdaman ko sa kanya' "

-------------------
Danielle point of view

Nandito ko ngayon sa Starbucks Coffee dito  lang din sa loob ng Clark. Kanina pa ko dito dahil ayokong pumasok.

" Hey " nagulat ako ng may biglang nag salita sa likod ko. Si Klint.

" U-uyy, upo ka. " tinuro ko sa kanya yung upuan na kaharap ko. Nakakahiya naman kung hindi ako mag papakita ng kabaitan no? Makaka-collab ko pa naman siya.

" Ahmm tutal Klint, nandito kana. Pwede naba natin mapag usapan yung about sa Collab?" Sayang yung time na'to pag hindi pa kami nag plano.

" Nandito talaga ko para pag usapan natin yon. " napatango nalang ako.

" So ano na nga ba yung gagawin natin na talent?" Tanong ko sa kanya habang umiinom ako ng Kape

" Gusto ko nalang sana na mag sayaw pero, ikaw? Baka hindi mo gusto " sabi niya sakin

" Okey lang naman kung sayaw eh, wala naman problema don. Sige, so ano naman yung sasayawin natin? " tanong ko sa kanya

" Yung mapapatili at mapapasaya natin yung mga tao." Bakit hindi nalang niya sabihin ng diretso tsk " Sweet Dance"

Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong kape sa sinabi niya. Sigurado siya don?

" S-sweet Dance?" Tanong ko sa kanya

" Oo, wala naman malisya yun diba? Professional na tayo. At alam na natin sa sarili natin na sayaw lang yon."

" Tama ka. Pero diba, kailangan sweet talaga yung pag galaw natin don? Paano yung Girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya

" Wag mo siyang isipin. Alam niya din yon dhil professional din naman sila. Na pag sayaw, sayaw lang. " sagot niya.

" So anong kanta ang sasayawin natin? " tanong ko sa kanya

" Just the way you are"

" Nice, bagay nga yan. " Buti nalang maganda yung naisip niyang kanta.

" Bagay satin?" Tanong niya

" What?" Gulat na tanong ko sa kanya

" wala, basta napag usapan na natin yan ah? Wala ng baguhan." Nailang ako sa sinabi niya, narinig ko yon nagulat lang talaga ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang may saya sa puso ko ng nadinig ko yung sinabi niya? Lintek!

' Lumubay ka Danielle! Wala ng kayo! '

Pumunta nalang akong library at dun nalang ako matutulog. Ayoko talagang mag klase.

*Library

Kumuha lang ako ng kahit anong libro don para kunwari mag babasa talaga ako.

Pagkatapos kong makakuha naghanap ako ng pwedeng mauupuan na tago.

At nakita ko yung dulo, talagang tago at walang makakakita. Umupo ako don at dumukdok na para makatulog.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now