40

73 7 7
                                    

Nagsimula ng mag-strum si Dane at muli nanamang naghiyawan ang mga estudyante dito sa grand hall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagsimula ng mag-strum si Dane at muli nanamang naghiyawan ang mga estudyante dito sa grand hall.

Labis na naiinip.

Unang bagsak pa lang ng linya, napaawang na agad ang labi ko. Hustisya! Bakit ang ganda ng boses niya?

Nayayamot, sa bawat saglit.

Nagsimula na rin siyang tumugtog at sa bawat pagtugtog niya mula sa gitara niya, wala akong pinapalagpas.

Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa.

Tumugtog na silang lahat at sa pagpatak ng sumunod na linya, tumingin siya sa akin.

Umuwi ka na baby. Hindi na ako sanay ng wala ka. Mahirap ang mag-isa at sa gabi'y hinahanap-hanap kita.

Dahan-dahan akong napatingin sa paligid ko at halos nakatingin na sa akin ang karamihan. Kinindatan naman ako ni Mavy nang magkatinginan kami.

Napailing na lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa banda.

Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli sa buhay kong puno ng paghihirap na tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi.

"Grabe ang swerte naman nung girlfriend."

"Ang galing kumanta nung boyfriend niya," rinig kong pag-uusap ng mga katabi namin.

Ang swerte ko nga.

'Di mapigilang mag-isip, na baka sa tagal mahulog ang loob mo sa iba. Nakakabalisa, knock on wood 'wag naman sana.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na makalaglag panty pala ang boses ni Zecky," bulong sa akin ni Mavy.

"Hindi ko rin naman alam," bulong ko pabalik.

"Paano ba yan, bati na siguro kayo after ng prod. Ewan ko na lang sa'yo kung magpapakipot ka pa," bulong niya ulit.

Natawa na lang sa sinabi niya at muling nakinig kela Zecky. So, ito pala yung pinagkakaabalahan nila.

Umuwi ka na baby. Hindi na ako sanay ng wala ka mahirap ang mag-isa at sa gabi'y hinahanap-hanap kita.

Wala siyang ibang ginawa kundi sulyapan ako sa baba ng platform na kinatatayuan niya at wala rin naman akong ibang maramdaman kundi kilig at tuwa.

Hindi ko ine-expect na kumakanta pala siya, hindi ko rin ine-expect na tutugtog sila ni Dane.

Wala akong inexpect. Grabe na talaga.

"Parkinsons!!! Sing with us!!!" sigaw ni Alvin at sinabayan namin sila sa pagkanta with matching taas ng kamay habang iwinawagayway.

Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli sa buhay kong puno ng paghihirap na tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Where stories live. Discover now