26

100 9 10
                                    

"How's your sleep?" tanong ni Mavy sa akin nang makaupo ako sa upuan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"How's your sleep?" tanong ni Mavy sa akin nang makaupo ako sa upuan ko. Kadadating ko lang dito sa room at nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro.

"Okay lang," tipid kong sagot at umub-ob sa arm chair ko nang maibaba ko na yung gamit ko sa baba ng upuan ko.

"Okay lang pero parang drained na drained ka," rinig kong sinabi niya.

"Inaantok pa ako," walang gana kong sinabi.

"Anyway, Cess is so talkative! Hindi ko nga ma-feel nung pauwi na kami na may tama siya or what," she giggled.

"Mababa tolerance nun sa alak," sabi ko naman.

"Ahh, kaya pala."

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap at mukhang naintindihan naman yun ni Mavy dahil hindi na rin siya nagsalita pa ulit. Ilang minuto ang lumipas na nakaub-ob pa rin ako. Wala akong marinig, pakiramdam ko tulog na ako. Hindi ko sigurado kung natutulog ba ako at nananaginip o baka ganon lang talaga kalalim ang iniisip ko kaya lutang ako.

Kung hindi lang siguro ibibigay ngayon yung topics sa thesis, hindi na muna ako papasok.

"Hi Zecky!" rinig na rinig kong bati ni Mavy dahil sa sobrang lakas nang pagkakabati nito.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagub-ob ko sa arm chair ko. Pakiramdam ko isa rin siya sa dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

Bwisit. Bakit pa kasi sila dumating sa buhay ko?

Maingay ang buong klase nang pumasok si Zecky pero ngayon tumahimik ito at sa tingin ko may prof na sa loob ng room namin. Nag-angat ako ng ulo at hindi nga ako nagkamali sa inisip ko.

Yung prof na buong 2 hours magtuturo sa amin.

Nagsimula na siyang magklase pagkatapos namin magdasal at mag-greetings, gustong-gusto kong makinig pero parang naiwan ko yata yung brain cells ko sa apartment dahil kahit anong gawin ko, wala akong maintindihan.

Inikot ko ang paningin ko at nahuli kong natutulog sa klase si Zecky.

Mukhang bago yun ah.

Umiwas ako ng tingin nung bigla siyang gumalaw at umayos ng upo. Sinulyapan ko siya at nagulat akong sa akin siya nakatingin.

Mabilis akong umiwas sa kanya at tumingin sa prof namin na nagsasalita, kunyaring nakikinig pero hindi naman talaga.

Natapos ang klase namin na discussion at board work lang ang nangyari. Nag-inat ako nang makalabas na yung prof namin sa room at lumingon kay Mavy na nag-aayos na ng gamit niya.

"Kung makapag-inat ka parang nakinig ka sa klase ah." Hindi siya nakatingin nung sabihin niya yun dahil abala siya sa ginagawa niya.

"So yung nakinig lang ang may karapatang mag-inat?" mapang-asar kong sinabi.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon