01

517 22 26
                                    

Nag-vibrate yung phone ko mula sa bulsa ko at agad kong kinuha iyon, nagflash sa screen ang pangalan ni Mavis at agad ko itong sinagot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag-vibrate yung phone ko mula sa bulsa ko at agad kong kinuha iyon, nagflash sa screen ang pangalan ni Mavis at agad ko itong sinagot.

"Asan ka?" bungad niya sa'kin. Hindi pa ako nakakasagot, may sumunod na tanong na agad siya. "Bakit ang ingay diyan?"

"Nasa Leonidas ako," tipid kong sagot.

"What!? Anong ginagawa mo diyan?"

"Duh? Umiinom?"

"Gaga ka! Saan galing pera mo?"

"Wallet ko," tarantado kong sagot.

"Are you drunk!?"

Halos ilayo ko na sa tenga ko ang phone ko dahil sa tono ng pagtatanong ni Mavy.

"Hindi ako lasing," I giggled. "Tipsy lang."

"Hoy Demetria Vein Yelich! Kung may problema ka, huwag mong inumin," banta niya.

"I'm fine Mavy, hayaan mo na muna ako ngayon okay?"

"Demi, you're not okay."

Alam ko yun, kaya nga ako nandito e. Nagastos ko pa allowance ko ngayong week para lang uminom, para makalimot.

Kahit saglit lang.

Kasi masyadong masakit.

"I'll be fine. Huwag mo 'kong susundan dito ah? Ikaw na muna bahala kay Dane. Thank you!!!"

"Demi wai—"

Agad ko nang in-end ang tawag niya, ayoko pang marinig ang sermon niya. At least, not now.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom habang nanunuod sa mga taong nagsasayaw sa gitna ng bar.

"Isa ngang beer," rinig kong sinabi nung lalakeng umupo sa katabi ng stool ko, napalingon ako at inabutan siya ng waiter ng isang beer.

Napansin niya siguro akong nakatingin sa kanya kaya lumingon din siya sa'kin. "Can I join you here?" tanong niya.

Tinanguan ko lang siya.

Tapos palihim ko pa siyang tinitignan, his thick brown hair is slicked back at kung ie-estimate ko yung height niya siguro nasa 6'2, tsaka... pogi siya kahit hindi ganoon kaliwanag ang mukha niya dahil sa ilaw.

Medyo may tama na ako pero nagawa ko pa rin tumingin sa lalakeng 'to.

Napailing na lang ako nang marahan at naalala ko kung bakit ako nandito sa lugar na 'to.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon