27

121 9 14
                                    

"Gusto mo ba yung Ate ko?" rinig kong tanong ni Dane kay Zecky

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Gusto mo ba yung Ate ko?" rinig kong tanong ni Dane kay Zecky. Parang naging bato ang katawan ko nang marinig ko yun. Hindi ako makakibo ng dahil doon.

"Oo," mabilis na sagot ni Zecky.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang sambitin niya iyon at mas ikinagulat ko ang kasunod niyang sinabi.

"Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ko siya gusto."

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, ano bang ginawa niya?

"Kelan mo sasabihin kay Ate ang lahat?" tanong ni Dane.

"Kapag tama na yung panahon, kapag naging okay na yung hindi pa okay," may halong lungkot ang tono ng pagkakasabi ni Zecky. "Sa totoo lang nahihirapan na ako, hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pakiramdam ko nga mas maganda siguro kung ibaon ko na lang ang lahat sa limot para hindi na maging komplikado ang sitwasyon."

Gusto kong pumasok sa loob kaso baka lusutan nila yung pinag-uusapan nila. Mas mabuti nang marinig ko lahat kahit sobrang naguguluhan na ako ngayon.

"Pumasok ka sa sarili mong maze na hindi mo na alam kung saan ka lalabas. Pinili mo ang ganyang sistema Kuya at hindi maganda kung tatakbuhan mo na lang yun nang ganon-ganon lang. Alam kong kahit takasan mo yan ngayon, babalikan at babalikan mo rin yan."

Natahimik silang dalawa pero muling nagsalita si Dane.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin sa Ate ko? Alam kong hindi niya yun matatanggap sa una pero alam kong maiintindihan ka niya. Kung ako sa'yo, sabihin mo na hanggat maagap pa, hanggat hindi pa malalim yung sugat"

Anong alam ni Dane na hindi ko alam?

"Bakit parang mas matured ka pang mag-isip? Mas bata ka kesa sa akin ah."

"Wala naman sa edad yun, nasa pinagdadaanan yun," sagot ni Dane.

Nanlambot ang tuhod ko dahilan para mawala ang balanse ko kaya nabuksan ko ng tuluyan ang pinto at sa akin napunta ang atensyon nilang dalawa, nagulat sila pero agad din silang nakabawi.

"Ate, tulungan na kita," Dane insisted.

"Hindi na, kaya ko na 'to," I smiled at him. Tumayo rin ako nang maayos. "Ilalagay ko na sa loob ng kwarto mo yung materials na pinabili mo."

"Sige Ate. Salamat."

Nagtungo muna ako sa kusina at inilagay sa freezer yung dalawang box ng ice cream, iniwan ko naman sa table yung isang pack ng cheese cake at pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Dane.

"I-compile mo na yung mga data na nakuha mo, may gagawin lang ako," sabi ko kay Zecky na sinang-ayunan naman niya. Kinuha ko yung laptop ko pero bago ako pumasok sa kwarto ko. "Dane, kapag nagugutom kayo may ice cream sa ref, meron ding cheese cake sa table." Isinara ko yung pinto ng kwarto ko at doon ako sumandal habang nakaupo ako sa sahig.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Where stories live. Discover now