29

100 8 2
                                    

Akala ko magiging madali sa akin ang lahat kapag tinakasan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Akala ko magiging madali sa akin ang lahat kapag tinakasan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Nagkamali ako.

It's been 1 week and half, sobrang nabo-bored na ako sa routine ko. Gigising nang maagap, kakain ng almusal, maliligo, papasok ng university, makikinig sa klase, kakain ng lunch, makikinig nanaman sa klase, uwian, papasok sa trabaho, uuwi ng apartment, magluluto, kakain ng dinner, magliligpit, gagawa ng school papers, mag-aayos ng gamit, matutulog, and repeat.

Alam kong nagsimula 'to nung dineactivate ko yung e-mail accounts ko, tapos nadagdagan pa nung nawala si Zecky. A weird feeling where I found myself worrying about them. Pero kasalanan ko naman 'to di'ba? Ginusto kong umiwas. Ginusto ko 'to.

Mukhang para sa akin yung sinabi ni Dane kay Zecky na kahit takasan ko 'to ngayon, babalikan at babalikan ko rin 'to.

Hindi ko yata kayang umiwas sa kanila, because a part of me wants to go back, a part of me keeps on thinking about them, and there's this tiny part of me that wants to let go of everything about them.

Ang gulo. Naguguluhan ako.

Zecky kept on sending datas for our thesis to Mavy, hindi sa akin kundi kay Mavy talaga. Kaya kahit wala si Zecky, nagagawa ko pa rin ng maayos yung thesis namin BUT, it's getting harder than I thought.

Wala na rin akong balita kay Rio. The last message I received from him was the folder. Naglalaman yun ng apat na yellow pad na puno ng sulat, ilang pictures na nagpapakita na nakikita niya nga ako sa PCU, pero yung journal ko, at kung sino talaga siya, wala doon.

Those letters and e-mails are hunting me down, it keeps on reminding me about him, about what happened, and such things that are pushing me to activate my e-mails, but I told myself not to.

Fuck, I don't want to have this kind of feeling.

Hanggang kelan ko kakayanin ang iwasan sila? Isang linggo pa lang at ilang araw na, mukhang susuko na agad ako.

"Hey, what's up?" Mavy asked, kakaupo niya lang sa isang bakanteng upuan sa harap ko habang ibinababa yung tray na hawak niya sa table namin.

Lunch time namin ngayon at nauna akong lumabas sa kanya dahil natapos ko kaagad yung activity na pinapagawa sa amin ng professor namin sa Bio. Palagi siyang ganoon, palibhasa before lunch yung period niya, at alam niyang gustong-gusto na namin mag-lunch sa time niya kaya ganoon ang ginagawa niya tuwing may seatworks siyang pinapagawa.

"Fine," tipid kong sagot.

"Fine has been your favorite word since last week. What's wrong? Is this about the project you've been working on?" tanong niya habang nag-islice siya ng steak.

"The physics project has nothing to do with this Mavy," sagot ko naman.

Hindi ako magpapanggap na okay lang ako kung project lang ang dahilan nito. Projects are usual, but this? This is not usual.

"E ano?" Tumigil siya sa pagkain niya at tumingin sa akin. "Ah, alam ko na," patango-tango niyang sinabi. "Is this about Rio and Zecky you are trying to ignore?" she asked, giving me a suspicious look.

And as expected, everytime she's asking me about Rio and Zecky makes me ignore the question or jump at it or just simply shut up.

"Confirmed," she said while raising her eyebrows and pointing her fork at me. "Alam mo kasi Demi, hindi naman magiging mahirap ang isang bagay kung hindi mo pahihirapan lalo ang sarili mo. It's your choice. It is still in your hands."

Itinuon niya ang atensyon niya sa pagkain at muling nagsalita, "Ang feelings, hindi yan kagaya ng sugat na kapag pinabayaan e basta-basta na lang nawawala. Magkaiba yun, okay? Always remember that feelings become more relentless and powerful when ignored. Mas makulit ang feelings kapag hindi pinapansin, bubulabugin niyan ang utak mo, pahihirapan kang magdecide."

Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor at tumingin sa akin. "So if I were you. Let it be. Huwag mong pigilan ang sarili mo sa isang bagay na alam mong nagpapasaya sa'yo. Happiness is rare nowadays. Kung kailangan mong sumugal, sumugal ka. Wala namang masama doon as long as alam mo sa sarili mong masaya ka sa isang bagay na tama at wala kang nasasaktan na iba," she smiled, a reassuring one.

Matagal bago ko n-acompose ang sarili ko at sumagot sa tanong niya.

"Marami akong iniisip na consequences kapag pinili kong maging masaya," I sighed. "Mavy this is not just about being happy, but what more will happen after I became happy? What if it's not what I expected to be?"

"Then don't expect," mabilis niyang sagot. "Do not think those but's and if's. Think of yourself. It's not bad to choose yourself sometimes," she winked at me and drank her juice.

Napasinghap na lang ako at napaisip. Puro ako tanong, puro pag-iisip ng mga kung ano-ano, wala naman nangyayari. What's up with my life?

———

"Anong nangyari sayo? Layo ng tanaw mo ah," ani ni Cess sa akin habang sinisilid sa isang paper bag lahat ng pinamili nung costumer na nasa harap namin.

Nang makaalis na yung costumer ay humarap siya sa akin at napalingon naman ako sa kanya.

"What?" kunot-noo kong tanong.

"Problema mo?" ngumisi siya sa akin at pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang naudlot kanina dahil sa costumer kanina.

"Wala," tipid kong sagot.

"Sus, wala daw," rinig kong sinabi ni Cess habang inaayos niya yung mga libro na nasa ilalim ng counter namin. "Yung totoo?" pangungumbinsi niya.

"Is it okay to miss someone you never know too well?" I absentmindedly asked.

Naramdaman kong tumayo siya ng maayos.

"Para sa'kin, oo," sagot niya. "Bakit mo naman naitanong?"

"W-Wala." Napailing ako.

"Okay." Tumango siya at tinapik niya ako bago siya umalis sa counter.

Naramdaman kong natagalan si Cess kaya itinuon ko ang dalawang siko ko sa counter at ipinatong ang baba ko sa palad ko.

Bakit ko ba sila namimiss? Bakit ko ba 'to nararamdaman?

"Miss?" Umayos ako ng tayo at tumingin sa lalakeng nasa harap ko. "Nandito po ba si Miss..." tiningnan niya yung papel na hawak niya at muling humarap sa akin. "Demetria Yelich."

"Ako po siya, bakit po?" napansin kong may dala siyang shoulder bag pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakamask siya, sa tingin ko mailman siya.

"May sulat po para sa'yo." Iniabot niya sa akin yung isang faded yellow na envelope.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya at agad naman siyang lumabas ng shop. Pinagmasdan ko muna yung envelope at binasa kung kanino galing at nang mabasa ko kung sino ay agad akong umalis sa counter, nakasalubong ko si Cess kaya napatigil ako.

"Saan punta mo?" tanong niya.

"Sa restroom, ikaw na muna sa counter," nagmamadali kong sinabi at agad siyang nilampasan.

Nang makapasok ako sa loob ng restroom ay nilock ko ang pinto at sumandal sa dingding. Tiningnan kong muli kung kanino galing iyon at sa hindi inaasahanag pagkakataon, nakaramdam ako ng kaba.

From...

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Where stories live. Discover now