23

116 10 12
                                    

"She said that!?" Inis at gulat ang nakita ko sa itsura ni Mavy matapos kong ikwento sa kanya yung nangyari sa outing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"She said that!?" Inis at gulat ang nakita ko sa itsura ni Mavy matapos kong ikwento sa kanya yung nangyari sa outing. Wala si Dane dito dahil maagap siyang umalis para daw sa project nila, isa pa mukhang usapang babae Raw ang mangyayari kaya hindi na daw siya makikisali.

Kaya eto, kaming dalawa lang ni Mavy ang nandito.

Kilig na kilig siya nung una dahil si Zecky ang pinag uusapan namin at sinabi Rin niya na gusto niyang makasama si Cess.

Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho na kasama si Cess sa shop na yun, ngayon niya lang makikilala si Cess.

Tapos na rin namin pag usapan si Joseph at Patricia, baka raw mabigyan niya ng isa pang sampal si Patricia kapag nagkita sila, at sa ngayon si Megan naman ang pinag-uusapan namin, at yun na nga, inis na inis din siya kay Megan na kulang na lang ay iharap ko sa kanya si Megan at Patricia para lang tigilan niya yung panggigigil sa throw pillow na hawak niya.

"E ba't hindi ka man lang lumaban?" kunot-noong tanong sa akin ni Mavy.

"Sinubukan ko naman pero na-realized ko rin naman agad na hindi naman siya worth it pagtalunan kaya hinayaan ko na lang," pagpapaliwanag ko.

"Pero muntik ka ng mamatay doon," rinig ko pa rin ang inis sa tono ng pananalita niya.

"Muntik lang, kaya okay na yun," sagot ko.

"So, kapag namatay ka okay lang?" inis na tanong niya sa akin. "Look Demi, I know you're looking forward to your death before until now pero huwag ka naman masyadong excited." Napansin kong may mga namumuong luha sa mata niya. "Nag-aalala lang ako okay?"

Napangiti ako at agad ko siyang niyakap.

"I know, pero mali ka doon sa nilo-look forward ko yung kamatayan ko ah! Noon yun, not this time. Hindi na ngayon" Nag-let go rin ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinahid yung luha niya. "Tumigil ka nga sa kadramahan mo!" I chuckled. "Megan will find her own karma, hindi ko na kailangan kumilos para doon," dagdag ko.

She rolled her eyes at me at agad ding ngumiti. "That's why I'm thankful that I have you as my bestfriend, minalas man ako noon sa mga naging kaibigan ko, sinwerte naman ako sa'yo ngayon."

"Bakit naman?" I asked.

"Kasi despite all the worst things that happened in your life, despite all the people that tried to knock you down. Nandito ka pa rin. You still choose to fight over and over again kahit na ang gago ng mundo sa'yo. You deserve better Demi, you deserve the purist love God can give you." Naramdaman ko ang sinsiredad sa tono ng kanyang pananalita.

Gusto ko na tuloy mamatay. Char!

Sumandal kami sa sandalan ng kinauupuan namin at katahimikan ang bumalot sa amin pero hindi rin yun nagtagal dahil biglang humarap sa akin si Mavy.

"Nag-usap na kayo ni Rio?" biglang tanong niya.

Fuck.

Naalala ko nanaman yung kagabi.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon