15

132 10 10
                                    

Alas tres na ng hapon nang maisipan ko ng bumangon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas tres na ng hapon nang maisipan ko ng bumangon. Pinuntahan ako ni Cess at Jolo kanina bago mag-breakfast at bago mag-lunch pero sinabi kong hindi ako makakasama dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

Wala pa akong kain at kasalanan ko yun dahil mas pinili kong humilata dito sa kwarto ko, isa pa ilang oras lang ang naging tulog ko.

Sa totoo lang, gusto ko munang matulog buong maghapon but I realized that this is not so damn me, baka isipin nila sumama lang ako dito para matulog.

So instead, wala akong choice kundi maghanap ng susuotin ngayong hapon. Nabanggit kasi kanina ni Cess na magsi-swimming daw kami ngayong hapon, she also added to wear something... appropriate.

After taking a long bath napag-isipan kong isuot yung binili sa'kin ni Mavy which is the frayed hem ripped denim high waisted shorts, cropped lace up tank top, and a vintage floral hanky hem kimono.

Which I think is not appropriate.

Noong una talaga ay ayoko ng mga piniling damit ni Mavy para sa outing na'to. Shorts, skirts, crop tops and other revealing outfits? Is not really my thing at eto lang naman ang sinabi ni Mavy na nakapagpapayag na suotin at nakapagpatanggap sa akin ng mga to: "Isipin mo lang na cheat week mo ang outing na yun, isipin mong you're not a student, a journalist, or whatsoever. I-enjoy mo lang dahil back to reality ka na ulit after non."

Kaya eto ako sa outing na 'to, confidence level is on the highest point. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'to without Mavy or Dane on my side.

Anyway, hindi naman ako lalangoy. Unang-una sa lahat kakain muna ako dahil dalawang meals lang naman ang nakaligtaan ko ngayong araw, pangalawa HINDI. AKO. MARUNONG. LUMANGOY, pangatlo I would prefer to watch them, the ocean, and the sunset.

I am almost prepared, hairs okay, face okay, but wound is not okay. Bago ko pa lang nilalagyan ng bagong gasa yung sugat ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, dali-dali ko itong tinapos at saka binuksan ang pinto.

It was Cess, smiling back at me.

"Sabi ko wear something appropriate... but nevermind Demi, you actually look hot!" aniya habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

I smiled at her.

Kung si Mavy yung kaharap ko ngayon, matatagalan bago ako makakuha ng satisfaction niya dahil tititigan pa niya nang maigi yung suot ko kung bagay ba o hindi.

"Joke ba yun?" tanong ko.

"Of course not!"

"Akala ko nagjo-joke ka," I chuckled. "You look pretty though," I added.

Nakalugay yung semi-curly hair niya, nakasuot ng plain black bikini at royal blue hanky hem kimono siya which exposed her perfectly curved body.

"Thanks, anyway lalabas ka na ba?"

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon