12

120 11 19
                                    

Sorry Megan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sorry Megan.

Umalis ako sa pagkakaupo ko at tumayo, nasa likod na ako ni Zecky, at konti na lang ay nasa harap ko na sa Megan, huminga muna ako ng malalim before I smoothly bumped myself to Megan, dahilan para malaglag ang pinggan na hawak ko.

"Demi!" sigaw ni Cess at agad niya akong nilapitan, ramdam kong nasa amin ang attensyon ng lahat ng tao na nandito sa resto.

Habang pinupulot ko yung mga basag na piraso ng pinggan ko ay hindi ko sinasadyang mahiwa ako sa palad.

Shit.

"Demi, yung kamay mo," sabi ni Jolo na nasa tabi lang pala ni Cess.

"Sir, ano pong nangyari?" rinig kong tanong ng waiter na lumapit din sa amin.

"Aksidente niyang nabitawan yung pinggan, pasensya na sa nangyari, I'll pay for it." Napalingon ako kay Zecky nang hawakan niya ang braso ko. "Ako na ang bahala kay Demi. Cess, magpahinga na muna kayo."

Agad niya akong hinila palabas ng resto na hindi man lang hinihintay na magsalita sila Cess at dinala niya ako sa beach house.

"Miss, may first aid kit kayo?" tanong niya dun sa babae na nasa counter, natigilan pa siya saglit, at nakatingin lang kay Zecky bago siya kumibo para kumuha ng kit. Mayamaya lang din ay inabutan na niya si Zecky ng first aid kit.

Umakyat kami papunta sa kwarto niya at hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

Sabagay kasalanan naman niya 'to.

Nang makapasok kami sa kwarto niya ay dumiretso kami sa cr at pinaupo niya ako sa toilet.

Maingat niyang hinawakan yung kamay ko na may sugat at nilagyan niya yun ng clean cloth, pinisil-pisil niya pa yun para lumabas yung dugo.

Napapatingin siya sa akin sa tuwing ginagalaw ko yung kamay ko. Napapangiwi rin ako sa sakit.

Fucking plate.

Nang tumigil na sa pagdudugo yung sugat ay itinapat niya iyon sa gripo at sinimulang hugasan, sinabon niya pa yun kaya halos mangiyak-ngiyak na ako. Matapos yun ay tsaka niya iyon binalutan ng gasa, hindi na niya nilagyan ng alcohol or betadine dahil open wound.

"Nakakasakit ka na ha," reklamo ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakalagay niya sa gasa.

"Mas maganda na yung mahigpit para tumigil sa pagdudugo at para rin gumaling agad." Lumabas na siya sa cr matapos niya akong gamutin at sumunod naman ako sa kanya.

"Salamat, mauna na ako sa'yo." Palabas na sana ako ng kwarto niya nang may sabihin siya.

"I cured you to lengthen your life, masyado ka pang bata para mawala."

"Ha?"

"Hatdog."

Napakunot ang noo ko at tuluyang humarap sa kanya.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon