11

152 11 25
                                    

"What?" I asked, looking at him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What?" I asked, looking at him.

"I said, I did not know you are coming," walang emosyon niyang sinabi.

"So now you know," ani ko at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa may naalala ako. "Alam mong sasama ako sa outing kaya dumaan ka sa apartment ko?"

"...no." He shook his head. "Doon talaga ako dumadaan sa street na yun tapos napansin kita sa tapat ng apartment building niyo kaya dumaan ako." Tumingin siya sa'kin at agad na ibinalik ang tingin sa daan. "Isa pa, how would I know? nag-email ka ba sa'kin?"

"Uh...oo," nahihiya kong sinabi.

Hindi naman kasi ako mag-aassume kung hindi ako nag-email sa kanya.

"Hindi ako nagbukas ng email kahapon e."

"Ah, okay," yun na lang ang nasabi ko at wala na ulit nagsalita sa aming dalawa.

Ilang oras din ang nakalipas bago kami nakarating sa beach resort na 'to, ngayon ko lang din naramdaman ang pagsakit ng likod ko dahil sa tagal ng byahe na nakaupo lang tapos nakakainip pa dahil hindi kami nag-uusap ni Zecky. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang ugali niya.

Nang makapag-park na si Zecky ay bumaba na kami mula sa sasakyan niya, ibinaba na rin namin ang mga gamit namin, may lumapit sa aming 'di naman katandaang babae na mukhang staff ng resort na ito dahil naka-uniform siya.

Sa pagkakadinig ko sa sinabi niya ay siya si Gail, siya daw ang mag-aassist sa amin papasok ng beach house.

Napatingin ako sa beach house, pahaba ito, at simpleng-simple lang ang labas nito, hanggang apat na palapag lang, at tanaw na tanaw ko ang dami ng kwarto nito.

Nauuna na sa akin maglakad si Zecky at kasabay na niya si Gail, kaya naman nagpahuli na ako sa paglalakad dahil hindi naman ako interesado sa mga sinasabi niya, naramdaman ko namang tumabi sa akin si Cess at siniko niya ako sa tagiliran.

"Bati na kayo?" pabulong niyang tanong sa akin.

"Medyo," ani ko.

"Medyo lang?" nagtataka niyang tanong. "Bakit sa kanya ka sumabay?"

"Baka daw makasikip lang ako sa inyo doon sa van," walang emosyon kong sagot.

"Anong makasikip? Super luwag nga e kasi konti lang naman ang sumama. Aalog-alog kami sa van girl! Baka gusto ka lang talagang kasama ni Sir," pang aasar niya.

"Baka gusto niya lang ng kasama sa pagba-byahe," pagtatama ko.

Pagpasok namin sa loob ng beach house ay napatingin ako sa kabuuan ng ground floor, simple lang din siya kagaya sa labas, malawak din siya at kitang kita mula dito ang dagat.

Sobrang peaceful dahil naririnig ko ang bawat pag alon ng dagat.

Nagsisimula na tuloy akong isipin na worth it naman yata ang pagsama ko dito.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon