39

63 4 1
                                    

"Hindi pa rin ba kayo bati?" tanong sa akin ni Mavy habang nagliligpit kami ng mga kalat dito sa grand hall kung saan gaganapin ang Year-End Party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi pa rin ba kayo bati?" tanong sa akin ni Mavy habang nagliligpit kami ng mga kalat dito sa grand hall kung saan gaganapin ang Year-End Party.

Wednesday na at dahil Year-End Party na mamaya, next year na ang balik namin dito sa PCU. Ibig sabihin lang din nito ay isang linggo na kaming hindi okay ni Zecky.

Nag-uusap at nagpapansinan naman kami pero ramdam na merong tensyong nabubuo sa aming dalawa dahil sa mga malalamig na kilos at salitang ipinapakita namin sa isa't isa.

Lately, busy rin siya sa isang bagay na hindi ko alam kung ano. Hindi naman ako nag-iisip ng masama dahil kasama niya si Dane sa bagay na yun at pagkasama si Dane, kalmado akong walang mali sa ginagawa nila.

May tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ipapahamak ang kapatid ko at ang sarili niya. May tiwala ako.

Pero siya, hindi ko alam.

"Bakit kasi hindi ka makipagbati?" tanong nanaman ni Mavy.

"Gusto ko naman kaso..." Isinara ko na yung box na hawak ko na puro basura ang laman at binuhat.

"Kaso ano? Ikaw yung lalabas na mali dahil ikaw yung nag-sorry? Ganoon ba?" Kinuha ni Mavy yung walis at trash bag na puno na rin ng basura at agad kaming lumapit sa iba pa naming mga kasama.

"Hindi naman sa ganoon. Alam kong may mali ako, may mali rin siya. Parehas lang kaming may mali." Napasinghap ako at iniabot sa isa naming kasama yung hawak ko, ganoon din si Mavy. "Ayoko lang na pag-usapan namin yun na ramdam kong meron pa rin akong inis na nararamdaman. Baka kasi mauwi lang din sa pagtatalo," dagdag ko.

"May point ka naman," pagsang-ayon niya sa akin at kinuha na niya yung backpack niya sa stage. "But on the other hand, may mali pa rin." Napatingin ako sa kanya. "Demi, its been a week. Para sa'kin masyado nang matagal yun para maflatten yung issue niyo. Isa pa hindi nakakatulong yung pag-iwas sa problema," she sighed. "That's not a good start for the both of you, ayusin niyo na dapat agad yan before its too late. Mag-usap kayo."

Napaisip ako sa sinabi ni Mavy at nauna siyang maglakad sa akin papalabas ng grand hall. Agad kong kinuha yung gamit ko at sumunod sa kanya.

"I already texted Dane, sinabi ko na sa kanya na sa bahay ka uuwi at sumunod na lang siya doon," sabi niya habang naglalakad kami papasok ng parking lot. "Kaso sabi niya kasama raw niya si Zecky. May ginagawa raw sila at dito na lang daw kayo magkita sa party."

Tinanguan ko naman siya at sumakay na kami sa kotse niya.

See? They're busy.

"Cheer up Demi. The both of you will be fine soon," she reassured me.

"Kung huwag na lang kaya akong um-attend?" bigla kong sinabi.

"Are you out of your mind? Baka hanapin ka dun mamaya. Nakakasawa pa naman, kasi sa akin ka nila tinatanong kapag wala ka," kunyaring naiinis niyang sinabi. "Relax, your year-end won't end up sad. Let's claim it," she positively said.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon