Chapter 47: Family

4.4K 169 6
                                    

Family

Ariana's POV

"Agatha..." Tawag ni Atty. Joaqin sa mama ko.

"No, don't even call my name. For twenty three years! Akala ko ay patay na ang anak ko, I've been longing for a son. How dare you! You have no right to take him away from me!" Sigaw ni mama. Malakas ang paghikbi nito at hindi ko mapigilang maluha din habang hinahagod ko ang likod niya.

"Please, I'm so sorry. Alam kong nagkamali ako. Believe me, I tried to find you." Paliwag ni Atty. Joaquin.

"Wala kang karapatang humingi ng tawad! What you did was unforgivable. Inalis mo ang karapatan kong makasama ang anak ko. I was so depressed with my son's death, I wasn't myself that I got hit by a car and lost my memory. But the pain and longing have always been here." Turo ni mama sa dibdib niya habang umiiyak. Ramdam ko ang galit na nararamdaman niya ngayon at naiintindihan ko ang lahat dahil alam ko ang pinagdaanan niya. "Kahit wala akong ala-ala  hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang sakit ng mawalan ng anak. At tama ba ang sinabi ni Jaxxon? Nagpakamatay ang ama niya sa harapan niya dahil sa kasinungalingan mo? Hindi ako makapaniwalang nakaya mo pang kumain at matulog pagkatapos 'non. Do you see the consequences of your lies now? You are a terrible person."

"Mom, drink this." Inabot ni Vanilla kay mama ang pampakalma nito at isang baso ng tubig.

"Atty. Joaquin, please. Just leave." Sambit ko dahil kung magtatagal pa ito ay baka may mangyari nanamang hindi maganda kay mama.

↭↭↭↭↭↭

I couldn't focus with anything at school. Nagsasalita ang instructor namin ngayon pero tila walang tinig na lumalabas mula dito. Everything was silent and my mind was so far away. I don't know what to feel or what to say, it's empty. Just nothing. I don't know why I even bothered going to school anyway when I know I wouldn't be able to focus. Maybe part of me wanted to see him.

Kahapon nang umalis si Jaxxon ay hindi ko na siya nakita samantalang ay iyak lang ng iyak si mama. Hindi nakapaniwala na buhay pa ang anak nito. Kahit ako ay galit na galit sa lolo nito sa lahat ng nagawa nito sa mama ko at kay Jaxxon. Alam kong lahat ang sakit at hirap ni mama. I was always there whenever she gets panick attacks, whenever she dreamt of his dead son. How much she misses him, how much she wanted to remember how he look like but she couldn't because she can't remember anything. And now that she learned about the truth, it's even more painful.

Kahit ako ay nasasaktan sa mga nangyayari. I genuinely love Jaxxon, I really do. But I guess I can't continue loving him the same way because it doesn't feel right anymore. It's not right to be with him anymore.

Dahil wala ako sa sarili at wala namang pumapasok sa utak ko sa lahat ng pinag-aaralan namin, napagpasyahan kong umuwi nalang. Nasa loob ako ng kwarto, nag-eempake ng mga damit dahil naisip kong mas magandang umuwi nalang muna ako sa shop at doon muna mag-stay. This tough moment is also very hard for me but my mom needs me more. I need to be strong for her and I don't think staying near Jaxxon is not a good idea right now. 

When I finally finished packing some of my clothes, I sat on the floor at the foot of my bed and just stared at my ring. Nakatitig lang ako sa singsing ko, hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. It's funny how fate could play with someone's life. Bakit kailangang mangyari ito sa amin? Sa dinami-rami ng mga lalaki sa school ay bakit si Jaxxon pa ang naka-inom ng potion? Bakit kailangang mahulog pa ang loob niya sa akin? Bakit siya pa ang minahal ko? Bakit kailangang masaktan kami ng ganito? It's so unfair.

Nakayuko lang ako, sinusubukang patahanin ang sarili nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pag-angat ko ng tingin ay mas lalo akong naiyak nang makita si Jaxxon. Agad itong lumuhod sa harapan ko at inangat ang mukha ko.

POTION ✔Where stories live. Discover now