Chapter 15: Ask me

6K 215 16
                                    

Ask Me

Sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan sa loob ng underground hideout nila Jaxxon. Medyo tago ang lugar na ito sa main road kaya wala masyadong taong dumadaan. Maraming malalaking motorsiklo ang nakaparada sa labas kaya nagdadalawang isip akong pumasok.

"Now or never." Sambit ko sa sarili bago tuluyang bumaba sa hagdan.

Patay sindi pa ang ilaw sa hagdan at lumalakas ang hiyawan habang papalapit ako sa loob. Kung bakit ba kasi bumalik pa ako sa lugar na to. Kung hindi lang talaga aki ginugulo ng konsensya ko eh.

Pagpasok sa loob tumambad sa akin ang halos tatlong dosenang mga lalaki na nakapalibot sa isang ring. In the ring is Jaxxon fighting with other guy. It isn't boxing, it's more like wrestling. They were throwing punches and kicks at each other while the people around cheered them on. And they were both shirtless may I add.

What did I put myself into? Ayoko namang manghusga pero mukhang hindi matitinong mga lalaki ang nandito. Last time this place is almost empty. I didn't expect it to be like this.

Sa pagitan ni Jaxxon at ng kalaban niya, halata namang nakakalamang na si Jaxxon. Hindi maghumayaw sa pagsigaw ang mga tao sa paligid habang si Jaxxon naman ay pinapa-ulanan ng suntok ang kalaban niya.

As if sensing me, Jaxxon flipped his head to the right and found me. Our eyes locked and just like that, he lost his concentration. I watched as his opponent took this opportunity to kick him. Jaxxon lost his balance and fell.

Pero nakabangon din agad si Jaxxon at inundayan ng suntok ang kalaban nito.

"Look who we got here."

Paglingon ko sa tabi ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Denver. He was the captain of the basketball team against Alexis team last time. Siya iyong lalaking akala mo kung sinong makapag-posing sa harap ng camera ko last time.

"Andito ka ba para bisitahin ako?" Nakangising tanong nito.

"Excuse me pero hindi po kita kilala." Pinili ko nalang na magsinungaling.

"What? Sa gwapo kong toh'?" Kunwari ay gulat na bulyaw nito at saka ako inakbayan na para bang magbarkada lang kami. "Alam mo, Ariana, ang mga ganitong klaseng mukha, mahirap iyan makalimutan."

"You mean, exotic na pagmumukha?"

"Well..." Mukhang napa-isip pa ito. "I don't know if that's a compliment or an insult but fine, let's just say exotic na kagwapuhan."

Napa-iling nalang ako sa kayabangan nito. Iba din ang tiwala sa sarili ng isang ito. Kulang nalang liparin ako sa sobrang hangin.

"Alam mo, ang mga babaeng gaya mo ay hindi dapat nakaka-kita ng ganito. How about we go outside and treat you for a coffee?"

Pasimple kong inalis ang braso nitong nakapatong parin sa balikat ko. "I'm sorry but I'm here to see Jaxxon."

Speaking of Jaxxon, the ring is now already empty. Where did he go? Is the fight over? Bakit hindi ko man lang napansin? Who won? Kainis naman kasi 'tong Denver na to'

Muli namang ibinalik ni Denver ang kamay niya sa balikat ko habang ako palinga-linga sa paligid at hinahanap si Jaxxon.

"Si Arrow ba? Mag-bestfriend kami non' kaya maiintindihan niya kapag sumama ka muna sa akin sandali."

"I'm sorry pero ayoko talaga."

"You know what, I'm not a bad guy if that's what you're thinking. Gusto lang talaga kitang ilayo dito. This place is not for you. This place is too messy and even the people in here."

POTION ✔Where stories live. Discover now