TGBU 40

1.4K 45 8
                                    



Dito na po nagtatapos ang kwento ni Marcus at Ella. Maraming salamat po sa lahat ng readers na nakaabot sa part na ito :)

Wakas

"Good morning, sleeping beauty!"

Pagkagising ko ay boses agad ni Roel ang narinig ko. Sira na agad tuloy ang araw ko, bwisit.


"Nasaan ako?" Tanong ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata.


"Wala ka bang naaalala ha? Nahimatay ka kahapon after ng game! Syempre dahil ikaw si dakilang Marco ng bayan, hindi pwede ang clinic lang. Kailangan hospital agad!" Asar ni Roel.

Napailing iling nalang ako, aware ako kung gaano kaOA ang mga magulang ko. Mayari kami ng school na pinapasukan ko kaya for sure, diretso hospital agad ako kahit nahimatay lang. Infact, we also own this hospital too kaya kahit nahimatay lang ako ay ang ganda parin ng room ko. Hindi halatang hospital, mukhang hotel.

"Tsaka hindi lang mga magulang mo yung OA, mas lalo yung mga fans mo! Nagsiiyakan silang lahat, akala mo naman mamamatay ka na!" Sabi pa ni Roel.

Napangisi nalang ako. Hindi ako artista, ngunit sabihin na nating sikat ako sa school. Mayaman, matalino, sporty, at hindi naman sa pagmamayabang pero alam kong may itsura ako. I heard ganito yung mga typical na gusto ng mga babae sa aming mga lalaki. Ngunit kahit kailan ay wala pa akong nagustuhan sa lahat ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Nagkaroon ako ng childhood sweetheart before pero that was so many years ago. Hindi ko na alam kung nasaan siya at alam kong puppy love lang yung naramdaman ko noon.

"Bakit ba ko nahimatay in the first place?" Tanong ko kay Roel.

"Sabi ng doctor, pagod lang daw. Pero yung mga magulang mo, gusto ka pa ipatest sa mga kung ano ano baka raw may malala ka ng sakit! Sinabi ko nga na may sakit ka naman talaga, sakit sa ulo! HAHAHAHAHA" Sagot ni Roel.

"Gago!" Sabi ko at binato siya ng unan.

Napatingin kaming pareho sa may pintuan nang may pumasok. At nagsisi agad ako na nagising agad ako. Anong ginagawa ng babaeng ito dito?

"Marco!" Sigaw niya at patakbong lumapit sakin na parang yayakap kaya umiwas agad ako.

"Tama pala ang punta ko, gising ka na" sabi nalang niya para hindi siya mapahiya dahil umiwas ako sa pagkakayakap niya. Plastic naman agad yung ngiti ko sa kanya.

"You don't need to be here, Sandra" sabi ko kaya agad siyang napatingin kay Roel at awkward na ngumiti.

She's my self-proclaimed girlfriend. Hindi naman sa pagaano pero sipsip siya sa nanay ko kaya boto ang parents ko sa kanya, pero hinding hindi niya ako mauuto! She's pretty, alright. But she isn't my type. Rude ako sa kanya dahil gusto kong malaman niya iyon, pero hindi talaga siya sumusuko!

"I want to be here, Marco. Nagalala ako sayo" sabi niya kaya napailing iling nalang ako.

Nung una, mabait pa talaga ako sa kanya. Kaso namisunderstood niya yung mga kabaitan ko kaya heto siya ngayon, umaasa na babalik ako sa dating Marco na knight and shining armor niya. Kung alam ko lang na ganoon yung iniisip niya sakin before, hindi na dapat pa ko naging mabait sa kanya. I never changed, siya lang yung nagiisip na nagbago ako dahil lang sa mabait ako sa kanya before. Naging mabait lang naman ako sa kanya before because my parents like her.

"Ngayong nakita mo na ako, you can go home now" malamig na sabi ko at tinuro pa ang pintuan. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, but she still managed to smile.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now