TGBU 30

930 37 0
                                    


Kabanata 30- Panahon ng mga Amerikano

Ella's POV

"Marcus? Kakain na raw" sabi ko habang kinakatok yung pinto ng kwarto niya.

"Tulog ka pa ba? Gising na aba!" Sigaw ko at mas kumatok pa ng malakas. Tulog mantika nga pala 'tong isang 'to.

Ayoko namang bumalik doon sa baba nang di ko kasama si Marcus. Bisita nga lang kami rito, nakakahiya naman. Ang alam pa naman ni Miss Clara magdedecide palang kami kung bibilhin ba namin yung bahay or hindi. Eh ang totoo, di ko naman bibilhin 'no! San ako kukuha ng limang milyong piso?

"Papasok na ko ah" sabi ko at nagbuntong hininga. Si Marcus naman kasi eh, pakipot pa! Ayaw na naman gumising grr.

Pinihit ko na yung doorknob, buti nalang hindi ito sarado. Unti unti kong binuksan yung pinto at nakitang wala namang Marcus na nakahiga sa kama. Huh? Nasan na 'yon?

"Marcus? Hello?" Sabi ko at tiningnan bawat sulok ng kwarto, baka pinagtataguan lang ako. Pero WALA!

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. San ba kasi yun nagpunta? Wala namang nasabi si Miss Clara kanina kung lumabas ba si Marcus o ano.

"M-Marcus? Marcus?!" Sigaw ko at lumabas na sa kwarto ni Marcus, nagbabakasakaling sumulpot siya kung saan.

Habang naglalakad ako ng mabilis, pilit kong iniisip na baka wala namang masamang nangyari. Baka nagooverthink lang na naman ako. Malaki na naman siya, baka bumili lang siya sa tindahan or somewhere.

"Miss Clara? Nakita niyo po ba si Marcus?" Tanong ko dahil umabot na ko sa dining area pero hindi ko parin makita si Marcus.

"Hindi eh. Wala ba sa kwarto niya?" Sagot ni Miss Clara na mas lalong nagpakaba sakin. Seven o'clock na, san naman siya pupunta sa ganitong oras? Hindi kaya...

Impossible! Ang bilis naman kung nakabalik na agad siya sa past. Pero diba ganun din yung nangyari sakin, bigla nalang din ako nakabalik. Pero hindi, hindi pwede! Aish. Masisiraan na ata ako ng ulo. Hindi ako prepared! Sana nagpaalam man lang siya, ugh!

"Ella? Wag ka na magalala, baka nagpahangin lang siya sa labas saglit. Wala namang masamang mangyayari sa kanya sa labas. Mababait ang mga tao rito" comfort ni Miss Clara dahil mukhang naiiyak na ko ngayon. Naffrustrate na ko, hindi talaga maganda yung impression ko sa bahay na 'to.

"Huminahon ka, halika upo ka muna" sabi pa ni Miss Clara at pinaupo ako sa sofa. Kanina pa kasi ako pabalik balik na naglalakad habang tingin ng tingin sa oras. Hindi talaga ako mapakali!

"S-Salamat" sabi ko kay Miss Clara dahil inabutan niya kong isang basong tubig. Please, please. Ito yung ayokong mangyari eh. Ito yung kinakatakot ko. Pero bakit ang bilis naman? Natulog lang ako eh, natulog lang ako! Paggising ko wala na agad siya. Sa isang iglap, kinuha na agad siya sakin.

Marcus' POV

"Capture all the civillians in this area and transport them to the barracks!"

"Kill all the rebels!"

"Burn all their houses!"

Ang sakit ng likod ko. Bakit parang mausok ang paligid?

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, yung madilim na langit agad yung nakita ko. Nasaan ako? Sa pagkakatanda ko natutulog lamang ako kanina sa kwarto.

The Gap Between UsOnde histórias criam vida. Descubra agora