TGBU 01

4.5K 106 3
                                    


Kabanata 01- Marinella Serephina



"BITCH!! I'M GONNA KILL YOU!" narinig kong sigaw ng isang babae at nabigla na lang ako nang may humigit sa buhok ko sa likod. Aray ko ha!



"Did you really think I will just let you live after what you did with Jason?! You fckin whore!" Sigaw niya pa at sinampal ako ng malakas. Watdahell? Siguradong babakat yung nakakadiring kamay niya sa makinis kong pisngi! No no no!



Omg! Ang daming tao sa paligid. Nasa isang sikat na club kasi kami at ngayon, nakakakuha na kami ng atensyon. I saw some of them na vinivideo-han na ngayon ang pangyayari. Power of social media, siguradong viral na naman ako neto mamaya!



Ngumiti naman muna ako at inayos ang itsura ko bago sumagot. Syempre dapat kagandahan first, duh!



"First of all, hindi kita kilala. Second, I don't even give a damn about Jason. And lastly, thanks for calling me for my second name." nakangiting sabi ko.



Nakita ko namang mas lalo siyang namula sa galit. Oh nooo, the little girl wanna cry. Aweee. Kawawa naman tsk tsk. Maybe she's gonna sumbong sumbong me to her Mama. I felt bad.



"Ganyan ka na ba talaga kalandi para mangahas ng boyfriend ng iba at mangsira ng relasyon?! Ah alam ko na! Try mo kaya magpaplastic surgery para gumanda ka naman at hindi ka na pumatol sa mga taken na!" sabat naman nung bestfriend nitong babaeng humila ng buhok ko at sumampal sakin. Wow ha! May backup!



"Excuse me? Plastic surgery? Ha ha! Nagpapatawa ba kayo? Baka kayo yung may kailangan nun? Anyway, I admit that I'm a bitch but I don't like Jason. He's a pathetic loser like you so bat naman ako papatol sa kanya? I have a high standards when it comes to men so hinding hindi mangyayari ang mga sinasabi mo" sabi ko pa habang nakataas ang isang kilay.



Like duh! Ang panget panget naman nung Jason na yon! Parang drug addict sa kanto! Eww



"WHAT THE FVCK DID YOU JUST SAY?!" sigaw ni Girl #1(yung nanabunot&sumampal sakin)



"Hindi naman ako aware na bingi ka pala. Alam mo mura lang yung cotton buds, nagtitinda ka naman siguro sa palengke kaya may pambili ka? O kaya ikaw yung nagtatawag ng mga pasahero sa jeep?" pang-asar na sabi ko. Kasi naman, kanina pa siya sumisigaw! Nakakarindi ha! Kaloka! Ang liit/tinis pa naman nung boses niya. Ang sakit sa tenga, swear!



Nagulat naman ako ng nakalmot niya ko sa pisngi ko na sa part rin na nasampal niya kanina. Sasabunutan pa sana niya ko pero buti na lang nakaiwas agad ako.



Waaaaaah! Ganun ba talaga ako kaganda kaya gusto niya sirain yung mukha ko? Minsan talaga nakakapagod na maging maganda! Hustisya, please! It's not my fault I'm a one fvckin' drop dead gorgeous!



Sasabunutan niya na naman sana ako kaso biglang may pumigil sa kanya.



"Chelsea, stop! Pinapahiya mo na naman ang sarili mo! Iuuwi na kita" Sabi nung lalaking pumigil sa kanya. I think it's Jason. Hindi talaga kami close ni Jason. Feeling close nga lang siya sakin eh.



"Sorry sa mga ginawa niya sayo, Ella. She's just drunk kaya niya nagawa at nasabi yung kanina. Wag mo na lang intindihin. Sige, aalis na kami" paalam nung Jason habang nakatingin sa floor.



Ano? Nasa floor ba ko kaya dun siya nakatingin? Hellooo! Matangkad kaya ako!




Aangal pa sana yung Chelsea kaso hinigit na siya ni Jason papalayo. Poor girl. Tsk tsk.



The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon