TGBU 27

1K 31 1
                                    


Kabanata 27- Tinitibok ng puso

Ella's POV

"Aba taray may pa-red at pink tulips agad umagang umaga" sabi ni Ate Donna pagkapasok niya sa dining area. Pinanlakihan ko naman agad siya ng mata.

Pano ba naman kasi, pagdating ko dito sa kusina kanina, sinalubong agad ako ni Marcus. Tapos ang lawak pa ng ngiti niya habang hawak yung isang bouquet ng red at pink tulips. Nakakapanlambot tuhod grabe! May natulungan daw kasi siya noon na matanda sa pagtatranslate ng spanish into english kaya binigyan siya ng pera bilang bayad.

"Goodmorning po!" Masayang bati ni Mark pagkarating. Agad niya rin namang napansin yung bouquet at nilapitan ito para amuyin.

"Woooww! Ang sweet naman ni Papa!" Sabi ni Mark habang ang laki ng ngisi. Napailing iling nalang ako.

Actually, hindi ko alam yung label namin ni Marcus. Oo ramdam ko na may something pero parang gusto ko parin na manggaling sa bibig niya. Syempre dapat hindi puro actions lang. Dapat may words din para sure! Malay mo assumera lang pala ako. Pano na si Elena? Hindi niya na ba mahal si Elena?

"Tama na yan, kumain na tayo. Nilalanggam na yung ulam!" Biro ni Ate Donna at umupo na sa hapagkainan.

Shet kinikilig ako ha! Di parin ako nakakaget over sa tulips na yan! Ikaw ba namang bigyan ng bulaklak umagang umaga. Di ako nakapagprepare!

"Grabe may tagahila pa ng upuan ah. Prinsesa ka, teh?" Pangaasar na naman ni Ate Donna nang pinaghila ako ni Marcus ng upuan bago ako umupo.

Pinanlakihan ko nalang ulit ng mata si Ate Donna habang pinipigilang ngumiti. Simple actions lang naman 'to pero hihimatayin na ata ako sa kilig. Marcus naman eh! Ba't ka ganyan?

Tiningnan ko naman si Marcus, nakangiti lang siya. Ano na? Naputulan na ba siya ng dila? Kanina pa kami inaasar dito tapos nakangiti lang siya!

"Uyyy si Papa, kinikilig" asar pa ni Mark kaya napapatingin ako kay Marcus nang wala sa oras. Eh saktong nagkatinginan kami ni Marcus, ayun umirit yung dalawang baliw!

"Sa iyong tingin, ako'y nahuhumaling~" kanta ni Ate Donna.

"Ano ba yan! Mali naman lyrics mo!" Sabi ko at tumawa.

"Ganun na rin yon! Hindi pwedeng gumawa ng sariling version?" Sagot niya kaya napailing iling nalang ako. Sa peripheral vision ko, nakangiti na naman si Marcus. Ba't ba ngingiti ngiti lang 'to?!

Sa iyong ngiti talaga dapat eh, charot!

"Binibini, maaari ba kitang ihatid mamaya sa iyong paaralan?" Sabi bigla ni Marcus kaya muntik ko ng hindi malunok yung kinakain ko.

WAG KA NAMANG PABIGLA BIGLA! BAKA MACHOKE AKO SIGE KA.

"H-Huh? Eh diba ihahatid mo pa si Mark?" Sagot ko.

"Edi sabay nalang muna kayo sa paghatid sa school sakin, ma" Inunahan naman ni Mark si Marcus sa pagsagot. Confident si Mark sa sagot niya kaya napatango tango nalang ako.

"Yes naman. Ready na ready na for the future" pangaasar na naman ni Ate Donna. Inirapan ko nalang siya kaya ngumisi lang siya.

"By the way, susunduin ko na mamaya si Chad sa airport. Lilipat na rin ako sa condo niya here sa Manila so gusto lang talaga kita bisitahin at makipagchikahan sayo saglit" balita ni Ate Donna.

"Pwede ka pa po ba naming bisitahin, magandang binibini?" Malungkot na sabi ni Mark kaya napatingin sa kanya si Ate Donna at nginitian siya.

"Oo naman! Bakit naman hindi?" Sagot ni Ate Donna kaya napangiti na ulit si Mark.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon