TGBU 02

2.9K 82 2
                                    


Kabanata 02- Ang pagkikitang nagpaulit sa unang kabanata.




ELLA'S POV



"Marcus, mahal na mahal kita. Sana'y lagi mong tatandaan iyan. Ang pag-ibig kong wagas at tunay na hindi magbabago magpakailanman" sabi ng isang napakagandang babae doon sa kayakap niya.




Nasa ilalim sila ng puno ng narra habang mahigpit na magkayakap.



"Elena, pangako kong mamahalin kita panghabang buhay. Kahit anong mangyari. Kahit ilang daan pa ang lumipas, hihintayin parin kita. Nandito lang ako, magiintay sa pagbabalik mo at maghahanap sa iyo. Kahit saan ka pumunta, nandidito lang ako sa tabi at puso mo"




Napaluha naman ang babae sa sinagot ng lalaki. Sa mga oras na iyon, ipinangako niya sa sarili niya na balang araw, ipapanganak muli silang dalawa. At sa pagkakataon na iyon, magtatagpo ang dalawang pusong naligaw ngunit hindi magpakailanman mawawala. Ang pangakong hanggang kamatayan ay hindi malilimutan.







"Hoy Marisa! Bumangon ka ng bata ka! Malelate ka na!" rinig kong sigaw ni Mommy at binuksan yung ilaw sa kwarto ko.



Tiningnan ko naman yung oras sa phone ko, 4AM PA LANG EH!! NILOLOKO MO BA KO, MOMMY?!



At dahil dun, natulog na lang ulit ako.




Pero nagulat ako nang higitin ni Mommy yung kumot ko. Waaaah ang lamig! Nakaaircon kasi room ko.



"Malelate ka na sa fieldtrip niyo kung hindi ka pa babangon jan! Anong gusto mo, paliguan kita mismo jan sa higaan mo ng malamig na tubig?!" sigaw pa ni Mommy. Wait, what?!



"Mommy, I'm not going okay?" sagot ko habang nakapikit pa.



"Hindi pwede! Babagsakin na nga yung grades mo, hindi ka pa pupunta sa educational trip niyo?! Dalian mo na at para naman may matutunan ka sa buhay at hindi puro pagpaparty!" sabi pa ni Mom at hinila yung paa ko. WAAAAH MOMMY NAMAN EH! PARANG TULOY AKO NASA HORROR!



Ayokong pumunta sa letcheng fieldtrip/educational chever na yan! Duhh! Sa Philippine Museum lang naman kasi sila pupunta eh! Ang boring kaya dun! Wala kong interest sa mga makaluma or sa mga past.



Speaking of past, ano ba yung napaginipan ko? Mukhang sina-una pa kasi nakaFilipiñana pa yung babae, yung parang suot ni Maria Clara tapos nakapormal din naman na suot yung lalaki na kayakap niya.



Grabe nakakabitter naman yung panaginip ko! Grr!



"Babangon ka ba jan o babawiin namin ng Daddy mo yung regalo naming condominium sa'yo?!" sabi pa ni Mommy at bigla naman akong napabangon.



Oo nga pala, IT'S MY BIRTHDAY!


Ang galing eh 'no? Nalimutan yung sarili niyang birthday. Eh ganun talaga! Wala namang special sa birthday ko so hindi masyado important. Hindi rin naman kami nagcecelebrate.



"Mommy naman, parang di ka naman mabiro. Ito na nga maliligo na oh. I love youuu!" pacute na sabi ko at naghug pa kay Mommy. BWAHAHAHA! #medyospoiled


¤¤¤


Nandito na kami ngayon sa bus papunta sa boring na museum. Nakakaantok!



"Tsk tsk, look who's here. Ang kapal din naman ng mukha niya magpakita pa after ng mga ginawa niya sa school natin at mangahas ng boyfriend ng iba. Maybe, the rumor was true. Makapal talaga yung mukha niya. Diba girls?"



The Gap Between UsWhere stories live. Discover now