TGBU 20

1K 41 4
                                    

Kabanata 20- Toothbrush&Toothpaste

Ella's POV

"Magcereals na muna kayo. Pasensya na, mamaya pa ko magsusupermarket" sabi ko sa kanila habang abala sila sa pagkain ng cereal. Halos matawa ako sa itsura ni Mark kasi puro gatas na yung gilid ng bibig niya.

"Binibini, ginagawa na palang gatas ngayon para sa lahat ang gatas ng isang ina?" Tanong ni Marcus habang nakakunot ang noo na tinitingnan yung cover nung box na bote ng milk.

What? Inagaw ko naman agad sa kanya yung Fresh Milk. Imbis baka/cow ay babae ang nakaendorse rito. Halos mamatay naman ako sa kakatawa nang marealize yung sinabi niya.

"Do you really think na breastmilk 'to? HAHAHAH!"

Omaygash! HAHAHAH! Mas lalo naman siya napakunot ng noo.

"Buntis ba ang babaeng 'yan? Bakit niya binibigay sa iba ang gatas niya kung sa sanggol niya lang dapat ito binibigay?" Naguguluhan na tanong pa ni Marcus.

Napailing iling nalang ako.

"Kumain ka na, wag ka ng magalala kasi hindi galing yung gatas sa babaeng 'yan. Ineendorso niya lang yan pero sa gatas parin ng baka 'yan" sabi ko at kinuha na yung bag ko. Hindi na naman siya nagtanong pa at kumain na.

Tinuro ko na naman sa kanya kung pano gumamit ng banyo. Naamazed pa siya dun sa flush ng bowl! Haha. Mamaya ko nalang siya tuturuan magtoothbrush kasi wala akong extra rito. Magsshopping din kami mamaya para may pangpalit sila. Pinaligo ko na sila kanina at yung dalawa kong large tshirt yung pinahiram ko sa kanila. Marami akong ganoon kasi mga ganun lang yung sinusuot ko sa bahay.

Pinasuot ko na naman sa kanila yung suot na nilang pambaba before pa kasi alang naman na pahiramin ko sila ng sexy shorts ko or palda. Hindi naman sa kanila kasya 'yon. Ang cute nga ni Mark kasi hindi ko na pinasuot sa kanya yung shorts niya noon kasi sobrang dumi na nito. Nagmukha tuloy dress sa kanya yung tshirt ko. Kinuhanan ko nga siya ng picture kanina at sobrang busangot nung mukha niya. Haha!

Ngumiti lang ulit siya nung binigyan ko siya ng cereal. Si Marcus naman, hustisya please! Ba't bagay sa kanya yung tshirt ko? Fit na fit! Kahit nakaslacks siya ay ang papi niya parin tingnan. Mas bumakat yung biceps niya sa tshirt ko!

"Sige na, aalis na ko. Babalik rin ako dito ng mga one este ala una. Huwag kayo lalabas ng unit ko ha. Mark, wag pasaway. Manood ka nalang ng tv kapag nababagot ka na. Behave kayo ha. Wag niyo na ulit pasakitin yung ulo ko sa paghahanap sa inyo" bilin ko sa kanila.

"Magiingat ka, binibini. Maghihintay kami rito sa iyong paguwi" sagot ni Marcus.

"Sige Ms Beautiful. Makakaasa ka! Good boy yata ako!" Sagot naman ni Mark habang ang lawak ng ngiti. Napatawa nalang ako.

"May cookies jan kapag gutom pa kayo. Bye!" Paalam ko at lumabas na ng unit.

Ba't naman kasi may klase pa ko hays. Ayokong iwan sila pero may quiz kami ngayon sa Calculus kaya hindi pwede. Tsaka pag nalaman ng mommy ko na hindi ako pumasok, lagot ako dun. Baka bawiin pa sakin yung condo unit ko, edi san ko papatirahin si Mark at Marcus? Bestfriend pa naman ni mommy yung principal ng school gawa lagi akong napapatawag noon dahil sa mga kalokohan ko.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sinasadya kong bagsakin yung grades ko pero matalino ako. Like kapag nagtetest, alam ko yung tamang sagot pero minamali ko lang talaga yung isasagot ko. Pero ngayon, parang may nagpupush sakin na magbago.

Natapos ang klase ko sa Calculus at perfect ako sa quiz. Nagulat pa yung professor ko pagkakita ng score ko. Mahirap kasi yung quiz niya at over 30. Dalawa lang kaming nakaperfect.

The Gap Between UsOnde histórias criam vida. Descubra agora