TGBU 15

1.2K 46 4
                                    

Kabanata 15- Halik

Ella's POV


Kung may isang tao na nakakakilala kay Elena ng sobra, si Marcus 'yon.

I need to ask him. Curious na curious na talaga ko kung sino ba talaga siya. Well, except sa fact na ex niya yon tsaka kamukha ko daw siya.


Pinauwi na ko ni Lola after niyang sabihin na alamin ko muna kung anong ginawa ko kay Marcus para maging ako si Elena. Pinilit ko siya na sabihin nalang sakin pero ayaw niya. Mas maganda daw kung ako mismo magpaparealize sa sarili ko kung ano yung ginawa ko.

So ayun, umuwi na ko nun sa bahay ni Ate Rosa afterwards. Akala ko mahahanap ko na yung sagot para makauwi na ko sa timeline ko pero pinahirapan pa ko lalo ni Lola magisip.

Kadarating lang ni Marcus ngayon sa bahay. Uhm, should I ask him na ba? Pwedeng magpaligoy ligoy muna diba? Huhu.

I find it awkward na pagusapan yung lovelife niya kasi I don't know. Basta awkward!

"Binibini? Gising ka na pala" sabi niya at ngumiti. Sus, di naman ako natulog!

Tumango na lang ako at  ngumiti ng pilit. Eto na, inhale exhale.

"Pwede ba ko magtanong?" Sabi ko.


"Mukhang hindi ka mapakali, binibini. Gusto mong sa tabi ng lawa tayo magusap? Mahangin doon at sa tingin ko'y mahihimasmasan ka roon" suggest niya.

May lawa pala dito?



"Sige" sagot ko at sumunod na sa kanya papunta dun sa lawa. Baka sakaling mabago nung scenery yung pagkaawkward ko mamaya.


"Omg, ang ganda! Sunset na pala!" sabi ko nang makarating na kami sa lawa.


Sakto yung timing namin kasi papalubog na yung araw! I always love sunset than sunrise. Para sakin, sunset means hindi lahat ng ending panget. Kaya everyday, ginagawa ko lahat ng gusto ko. Kasi everytime na papanoorin ko na yung beautiful sunset, aalalahanin ko yung mga kalokohan ko at the end of the day para pagtawanan. Para sabihin sa sarili ko na, I did good at na natapos ko yung araw na 'to na masaya ako.


"Mukhang mas gusto mo ang papalubog na araw, binibini" sabi ni Marcus habang nakangiti at nakatingin sa scenery.


Alam mo yung may pagkavintage pa yung kulay ng paligid kapag sunset. Kaya mas gusto ko siya compared sa sunrise na nasisilaw ako pag papasikat na.


"Bakit? Ayaw mo ba sa papalubog na araw?" Sabi ko at nagtaas ng kilay. Tumawa naman siya.

Oh ghad, nakakabaliw yung simpleng pagtawa niya ngayon. That genuine smile at laughter, parang gagawin ko lahat basta wag lang mawala yon.


"Mas gusto ko ang papasikat na araw. Para sakin, ito ay nagsisimbolo ng pagasa. Sa bawat pagsikat ng araw, may panibagong araw na darating. Hindi ako mawawalan ng pagasa hanggat hindi natatapos ang pagsikat ng araw dahil pinapahiwatig nito na sa bawat pagdating nito, may liwanag parin na darating pagkatapos ng dilim. At umaasa ako na sa susunod na pagsikat nito, hindi na naghihirap ang ating Inang Bayan" sagot niya.


Ba't ba ang hilig niya magspeech?!


"Sabagay" sabi ko nalang at nagkibit balikat. Maganda rin naman yung reason niya so di na ko makikipagtalo pa.




"Ngunit ngayon, natatakot na ako sa pagsikat ng araw. Dahil baka sa susunod na pagsikat nito, magigising na lamang ako na wala ka na"


"Ano 'yon?" Tanong ko. Umupo kasi ako kaya di ko narinig. Masyado rin mahina yung sinabi niya kanina. Yung narinig ko lang ay natatakot na siya ngayon sa pagsikat ng araw.


The Gap Between UsWhere stories live. Discover now