TGBU 23

1K 36 1
                                    

Kabanata 23- House and lot

Ella's POV

"Oh ayan, hanggang three yung awas mo palagi. Bawal ka na rin magpuyat kasi eight o'clock start ng klase mo" sabi ko kay Mark habang tinitingnan yung schedule ng classes niya. Katatapos lang namin magenroll.

"Nagawan ko na rin ng paraan na Grade four ka na ngayong year kahit hindi ka nakapag grade two at three. Buti nalang naintindihan nila yung situation mo. Nakita rin naman nila na matalino kang bata. Marunong ka na ba magaddition, subtraction, multiplication at division?" Tanong ko. Napaisip naman agad siya.

"Marunong po ako! May nakita po ako noon na mga libro habang nangangalakal ako, inaaral ko yung mga yon imbis ibenta. Ngunit hindi pa ko ganon kagaling sa division at multiplication, sa add at minus pa lang" sagot ni Mark. Napangiti naman agad ako at nagtaas ng isang kilay.

"Hmm, sige nga. 8x8?" Hamon ko. Nagisip naman agad siya at napatingin pa sa itaas.

"64!" Sagot nito.

"5x6?"

"30!"

"78-34?"

"44!"

"150+330?"

"480!"

"24÷4?"

"Hmm, six!"

"Magaling ka naman pala eh" puri ko at ginulo yung buhok niya. Mas lalo naman siyang napangiti.

"Sa english ba? Marunong ka na kahit konti?" Tanong ko. Napailing naman siya.

"Doon ako nahihirapan. Pero may alam naman ako na mga salita sa english. May nakita ako noon na maliit na tagalog-english dictionary kaya halos sa mga salita lang ako marunong at hindi sa mga pangungusap" sagot nito. Napatango tango naman ako. Malakas yung pakiramdam ko na matututuhan niya naman din agad 'yon. Fast learner siya katulad ni Marcus.

"Huwag ka magalala, tuturuan kita" sabi ko. Nakarating na naman ulit kami sa condo kaya bumaba na kami ng taxi pagkatapos magbayad.

Dun ko na nga rin pala mismo sa school pinatahi yung uniform ni Mark. Pumayag din naman sila na magcivillian muna si Mark habang hindi pa tapos yung uniform. Papasok na siya sa Monday.

"Binibining Ella, maaari ba kong makapagtrabaho?" Tanong ni Marcus habang nasa elevator kami. Napatingin naman agad ako sa kanya. Oh, di na siya galit?

"Hindi pwede, wala ka namang records na nagaral ka or nakapagtapos ka. Wala ka rin birth certificate o ano kaya hindi pwede" sagot ko. Napakunot naman yung noo niya.

"Marami na pala ang kailangan ngayon upang makapagtrabaho?" Tanong niya. Tumango naman agad ako.

"Ba't mo naman naisip magtrabaho? Hindi ko naman kayo inaalila ah" sabi ko at nagtaas ng isang kilay. Sakto namang nasa tamang floor na kami.

"Hindi naman sa ganoon, gusto ko lamang makatulong sa iyo sa mga gastusin sapagkat alam kong galing pa sa pera ng iyong mga magulang ang pera mo ngayon dahil nagaaral ka pa lamang" sagot niya.

Binuksan ko yung pinto ng condo unit ko, agad namang dumiretso si Mark sa sala at nanood ng tv. Hinarap ko naman si Marcus pagkatapos.

"Hindi porke't nagaaral pa ko ay hindi na ko pwedeng makapagtrabaho. Working student din ako. Nagttrabaho ako online" sagot ko at nagcrossed arms pa. Kumunot naman agad yung noo niya.

"U-Unlayn? San iyon?" Tanong nito. Agad naman akong napatawa at napailing iling. Akala ko nagiimprove na siya sa pronunciations eh!

"Alam mo naman na yung internet diba? Doon ako naghanap hanap ng pwedeng trabaho" sagot ko. Napatango tango naman siya.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon