TGBU 03

2.1K 68 1
                                    


Kabanata 03- 1896


ELLA'S POV



1896?!?!?




Panahon ng himagsikan pa 'to right? Panahon pa ng kastila?



BAKIT AKO NANDITO?! H-HOW?!



"B-Binibini, anong nangyayari sa iyo?" nagtatakang tanong niya. Parang nalugi naman ako ng milyon-milyon.



"N-No, it can't be! Binasa ko lang yung nasa front page ng diary mo! T-Tapos bigla na lang ako napunta dito. Ibalik mo ko sa panahon ko!!" naiinis na sabi ko at hinawakan siya sa kwelyo at nilapit sa mukha ko. Tintitigan ko siya ng diretso sa mata.



"Makinig ka, hindi ako pwede dito! Pano kung mapatay ako ng mga kastila?! Edi hindi na ko makakabalik?! No no no! Sayang yung condominium na regalo sakin ng parents ko! Kaya nga ako nasa sitwasyon na 'to kasi napilitan lang ako! Please, ayoko dito. Sabihin mo sakin kung paano makabalik kasi diary mo lang naman yung binasa ko kaya ako napunta dito!" hysterical na sabi ko. Halata naman sa mukha niya yung pagkabigla at namumula na siya ngayon.



Ba't ba siya namumula?!



Oh shit! Ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa!



Binitawan ko naman siya agad at naginhale exhale. Pinagsasampal ko rin yung mukha ko, sana panaginip lang 'to! Pls pls pls!



"WAAAAH! AYOKO NAAA! PROMISE, MAGIGING MABAIT NA BATA NA PO AKO! HUHUHU" sabi ko at hindi malaman ang gagawin. Parang mababaliw na ko kakaisip aish!



"B-Binibini, sinasapian ka ba? B-Bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?" tanong niya. Nakarecover na siguro siya doon sa ginawa ko kanina.



HWAT?! SINASAPIAN?!



"U WANT SAPAK?! HUH?!" naiinis na sagot ko. BEASTMODE NA KO AS IN!



"Masamang espiritu! L-Layuan mo na ang katawan ng magandang binibini na iyan bago pa ko tumawag ng albularyo at mapahirapan ka pa" sabi niya pa. Nanlaki naman agad yung mga mata ko.



SO SERYOSO SIYANG AKALA NIYA NASASAPIAN AKO?!



Nanlilisik ang mata ko ng harapin ko siya. Lalapitan ko ulit sana siya kaso nagstep backward siya. Natatakot ba siya sakin?!



"Hindi ako nasasapian!" naiirita na sabi ko. Binibwisit niya ko ah!



"Hindi ako naniniwala. M-May nasasapian ba na aamin na nasasapian siya?" Sagot niya habang patuloy parin sa paglayo sa akin.



Hanggang sa tumakbo na siya palayo sakin. Agad naman akong nataranta. Hindi siya pwede umalis dahil siya lang yung nakakaalam kung pano ako makakabalik, kailangan ko siyang sundan! May balak pa talaga siyang takasan ako!



Sheeet! Ang bilis niya tumakbo! Ba't naman kasi ang tangkad niya tapos ang haba pa ng bias niya! Daig niya pa ata yung kabayo! Pero siya na yata yung pinakagwapo kabayo na nakita ko.



Medyo malayo na siya sakin at napapagod na ko kakahabol sa kanya. Grabe ha! Never pa kong naghabol sa isang lalaki! Duh, sa ganda ko ba na 'to naghahabol sa isang lalaki? HELLA NO!



Pero ngayon, huhu pakshet siya!



"Ouch!"



Kapag minamalas ka nga naman! Natalisod pa ko sa bato. Nakaluhod na tuloy ako at ramdam ko ang hapdi sa tuhod ko. Huhuhu shet!



The Gap Between UsKde žijí příběhy. Začni objevovat