TGBU 35

831 33 1
                                    


Kabanata 35- Ate Rosa

Marcus' POV

Pagkatapos ang isang oras at kalahati ay sa wakas nakarating na kami sa dati kong tirahan dito sa Maynila. Medyo nakalimutan ko na ang daan dahil mga tatlo o apat na buwan din akong nanatili sa hinaharap. Medyo malayo rin pala sa aking tirahan ang kuta ng mga Amerikano kaya natagalan kami. May kaunti rin na pagbabago sa daanan papunta rito.

"Ang laki at ang ganda po pala ng tirahan niyo. Kaya po pala kayo marunong magsalita ng wikang Ingles sapagkat ikaw po ay galing sa nakakaitaas" sabi ni Thalia pagkatapos bumaba sa kabayo.

"Ang aking pamilya lamang ang mayaman, ngunit hindi ako." Sagot ko at ginulo ang buhok niya. Halata namang nagtaka siya. Nakakatuwa dahil napakabilis niyang mabasa.

Magtatanong pa sana siya nang may isang  lalaki na sa tingin ko ay mga kasing edad lamang ni Thalia ang lumapit sa amin.

"Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong niya. Napangiti naman agad ako dahil isa pala siyang mabait na bata. May kamukha siya pero hindi ko mawari kung sino.

"Hinahanap namin kung sino na ba ngayon ang nakatira sa bahay na iyan. Kilala mo ba?" Tanong ko.

"Ah eh, anak ho ako ng mayari ng bahay na iyan. Mga magulang ko ho sila" sagot niya. Nabigla naman agad ako at napaisip. Ngayon lamang pumasok sa isip ko na kamukha niya si Kuya Julio! Ang asawa ni Ate Rosa.

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong ko. Sasagot na sana siya nang may sumigaw sa hindi kalayuan.

"Felimon! Kakain na!"

Napalingon ako sa sumigaw na boses babae at napatitig sa kanya ng mga ilang minuto. Medyo tumaba siya ngunit sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanyang kapatid?


"Marcus!" Sigaw ni Ate Rosa at nagmamadaling tumakbo palapit sa akin.


"Bakit ngayon ka lamang nagpakita?! Saan ka nanggaling?!" Tanong niya at niyakap ako nang mahigpit. Niyakap ko rin naman siya pabalik.


"Mahabang kwento. Kamusta ka na?" Kaswal na tanong ko. Humiwalay naman agad siya sa yakap at pinalo ako sa kaliwang braso.

"Sa tagal tagal mong nawala, iyan lamang ang sasabihin mo!" Galit na sabi niya.


"Kung saan saan ka ipinahanap ni ama! Ginawa ko ang sinabi mo, nakipagayos ako sa kanila. Ngunit bakit ikaw naman ang nawala?" Sabi niya at pinalo naman ako ngayon sa dibdib. Hindi niya na rin napigilan pang mapaiyak. Hindi ko alam na magiging ganito siya kaemosyonal.

Napaisip ako, gaano katagal ba ako nawala sa panahon na ito? Napatingin ako sa batang lalaki na kausap ko kanina, nginitian niya naman agad ako maging ang kasama ko na si Thalia. Lumapit naman agad si Thalia kay ate Rosa at niyakap ito.

"Huwag na po kayo umiyak. Hindi po bagay sa isang magandang binibini ang umiiyak" sabi ni Thalia. Napangiti naman agad ako. Maging ang batang lalaki ay nakatingin na kay Thalia at nakangiti, mukhang naimpress siya ni Thalia sa tingin ko lamang sa kanyang mga mata.

"Huwag ka magalala, ayos lamang ako. Patawad kung napaiyak pa ako sa harapan ninyo. Tsaka hindi na ako isang binibini, may asawa at anak na ako iha" sabi naman ni Ate Rosa kay Thalia pagkatapos niya magpunas ng mga luha.

"Pero maraming salamat. Napakabait mong bata" sabi pa ni Ate Rosa at niyakap pabalik si Thalia. Pagkatapos ay hinarap niya na ulit ako.

"Pumasok muna kayo sa loob" paanyaya nito at nauna nang maglakad papasok sa loob ng bahay.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now