TGBU 36

916 34 9
                                    



Kabanata 36- Z.S.A

Ella's POV

"Sigurado ka bang hindi ka muna kakain?" Tanong ni Miss Clara at lumapit sakin. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko habang tipid na ngumiti.

"Busog pa po ako. Maraming salamat po sa pagpapatira niyo sa amin dito. Pasensya na rin po kasi h-hindi na nakapagpaalam si Marcus sa inyo" sabi ko at ngumiti ng tipid pabalik sa kanya.

Nung nawala sa Christmas Fair kagabi si Marcus, dinahilan ko nalang kina Miss Clara na may emergency kaya kinailangan mauna ni Marcus pabalik ng Maynila. Iyak ako ng iyak buong gabi, ngayon napagod na ata mga mata ko kakaiyak. Iniyak ko na kasi lahat kagabi, ayoko naman kasing paulit ulit na umiyak. Tsaka alam kong hindi gugustuhin ni Marcus na umiiyak ako palagi dahil sa kanya kaya kailangan ko maging matatag kahit sobrang hirap.

"Ano ka ba, ayos lang. Hindi ko rin alam pero ang gaan gaan ng loob ko sayo, pati na rin kay Marcus" sabi ni Miss Clara at tumawa ng kaunti para naman malighten up yung mood.

"Pasensya na rin po pala kasi hindi ko pa po mabibili yung bahay at lupa na ito. Ang totoo po niyan, nagaaral pa lamang po kasi ako. Gustong gusto ko po sana bilhin yung bahay dahil sayang naman po yung mga memories pero hindi pa rin po kasi sapat yung pera ko ngayon para makabili ng ganito. Pasensya na po" sabi ko. Tumawa na naman siya at mahina akong hinampas sa braso.

"Ayos lang. Ang mahalaga nagenjoy naman kayo kahit papaano sa lugar namin. Masaya akong nakagawa kayong memories sa bahay na ito" sabi ni Miss Clara. Napangiti naman ako ng malungkot.

Kung alam mo lang Miss Clara, gustong gusto kong bilhin ang bahay na ito dahil maraming alaala dito si Marcus. Dito siya lumaki, dito sa mansion na rin ito niya ako unang dinala. Ang totoo niyan, aalis na kasi ako. May pakiramdam ako na tuluyan na talagang nakabalik si Marcus sa nakaraan. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na hindi ito ang panahon niya. Na hindi talaga kami para sa isa't isa.

"Mamimiss ko ho kayo" sabi ko kay Miss Clara at niyakap siya. Niyakap niya rin naman ako pabalik.

Magmomove on na ako, pero hindi ko naman kakalimutan si Marcus. Naging isang malaking parte siya ng buhay ko. Tsaka impossible naman kasi yata na makalimutan ko siya. Pero yun nga lang, kailangan kong tanggapin na wala na siya. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko tulad ng sinabi niya. Wala man siya sa tabi ko, mananatili siya sa puso ko. At hinding hindi magbabago yun. Magkakaroon siya palagi ng puwang sa puso ko.


"Magiingat ka. Huwag ka na malungkot ah, sayang ang ganda!" Biro ni Miss Clara kaya napatawa ako kahit papano. Bumitiw na rin siya sa yakap.


"Maraming salamat po ulit. Masaya ako dahil nakikala ko kayo kahit mabilis lang po kami dito" sabi ko.

"Asus! Nambola ka pa! Sige na baka gabihin ka pa sa byahe" sabi niya at tinulungan akong magbuhat ng gamit palabas ng aking kwarto.

Nauna na si Miss Clara pababa sa living room. Natigilan naman ako at lumingon muli sa aking kwarto. Naalala ko tuloy nung unang beses na nawala si Marcus, yung unang beses na nakabalik siya sa nakaraan. Sobrang nagfreak out ako noon at hindi ko talaga matanggap. Kahit pala niready ko na yung sarili ko dati pa, iba parin pala kapag dumating na yung mismong sitwasyon. Sa kwartong ito ko rin inamin sa kanya ang pagmamahal ko, at hindi ako nagsisisi na inamin ko sa kanya yung totoo kong nararamdaman.

Napapikit ako at napahawak sa aking ikaliwang dibdib. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko, hanggang ngayon nararamdaman ko parin si Marcus sa bahay na ito. Hindi ko alam kung bakit. Siguro namimiss ko lang talaga siya kaya ganun? Pero ayoko na maging OA, kailangan ko na talaga tanggapin na wala na talaga siya sa panahong ito. Kailangan ko na umalis at ituloy ang buhay ko sa Manila.


The Gap Between UsWhere stories live. Discover now