TGBU 25

1.1K 42 1
                                    

Kabanata 25- Selos

Ella's POV

Ang sakit ng ulo ko pero kailangan ko na bumangon. Late na ko natulog kagabi dahil iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Marcus ngayong umaga. Naghanda pa kasi akong prepared speech para sa kanya na feeling ko ang stupid.

Ugh, I can't stand na galit siya sakin. Kaya nga hindi ako masyado nakatulog dahil iniisip ko kung pano kami magkakabati. Pano kung iwasan niya ko ngayon? Patience, Ella. Ikaw 'tong magsusuyo sa kanya ngayon.

Iniisip ko palang, nasasaktan na ko. Oh God, mas lalo atang lumala yung pagkagusto ko sa kanya!

Oo na, gusto ko na si Marcus. Gustong gusto! Hindi ko naman siya susuyuin ngayon kung hindi. Ah bahala na si batman!

Pagkatapos ko maligo at maghanda, lumabas na ko ng kwarto. Naaamoy ko na agad yung breakfast na niluto ni Marcus at yung tawanan nilang dalawa ni Mark. Ganito naman palagi ang eksena tuwing umaga pero except ngayon dahil kinakabahan ako!

"Good morning ma!" Masayang bati ni Mark nang makita ako. Ngumiti naman agad ako at lumapit na sa hapagkainan.

"Morning" sagot ko.

Tocino at chicken nuggets yung nakahain sa lamesa. Pero himala yata at hindi fried rice ngayon yung kanin. Alam na kasi ni Marcus na mahilig ako sa may flavor na kanin at hindi yung normal lang kaya palaging java rice, garlic rice, o kung ano ano pa na pwede yung niluluto niya palagi tuwing umaga. Pero ngayon, nagiba.

"I found out na bawal palagi nagffried rice. Masama raw ang sobra kaya nagordinaryong kanin muna ako ngayong araw. I hope you don't mind" sabi nito nang mahalata na nakatingin ako sa kanin.

"Uhh, hindi. Okay lang" sagot ko at sumandok na ng rice. I can feel it, galit talaga siya!

"Ang galing na ni Papa magenglish 'no, ma?" Sabi naman ni Mark at nagtaas baba pa ng kilay habang nakangisi sakin.

"Oo nga eh. Ikaw ba?" Pabalik kong tanong. As much as possible, parang ayoko muna pagusapan si Marcus.

"Konting practice pa eh. Wag ka magalala ma, magiging kasinggaling din ako ni Papa" determinadong sagot ni Mark. Natawa nalang ako at ginulo yung buhok niya.

"Take your time, hindi naman kailangan madaliin" sabi ko sa kanya. Pasimple naman akong nagnanakaw ng tingin kay Marcus ngunit focus lang siya sa kinakain niya.

"Sabi po kasi nung kaibigan ko na babae, ang hot daw nung mga lalaking nageenglish. Hot po ba si Papa sa inyo kapag nageenglish siya?" Tanong ni Mark. Muntik naman ako mabilaukan sa tanong niyang iyon.

"Ikaw ang bata bata mo pa alam mo na agad yung mga ganyan" sabi ko nalang at uminom ng tubig.

"Eh may mas malala pa nga sakin, ma. May isa akong nakitang kasing edad ko lang na nanonood ng porn" sagot naman ni Mark na nagpalaki ng mga mata ko.

"Yan ba yung natututuhan mo sa school? Oh my goodness!" Sabi ko. Inaamin kong makulit at pasaway ako nung bata pero wala kong ginawa noon kundi maglaro! Inosente pa ko nung grade 4 ako 'no!

"Hindi naman sa school, ma. Nung nasa kalye pa lang ako. Nakita kong nagkukumpulan sila dun sa isang sulok sa palengke" aniya. Napabuntong hininga naman ako.

Oh well, wala na kong magagawa kung ganun yung nangyari. Maaga nga pala siyang namulat sa magulong mundong ito.

"Wag ka na manonood ulit ng ganoon ha. At mas lalong wag na wag mong gagayahin! Napakabata mo pa para sa mga ganung bagay" bilin ko.

"Edi kapag nasa tamang edad na po ko, pwede na?" Pilosopo nitong tanong.

"Basta hindi biro yung bagay na yon. Ginagawa lang yon sa taong mahal mo. Hay nako, kumain ka na nga lang jan. Bilisan mo na, malalate ka na" sabi ko at kumain nalang din.

The Gap Between UsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum