TGBU 24

1.1K 37 5
                                    

Kabanata 24- Sundo

Ella's POV

Sadyang mabilis ang oras kapag masaya ka. Third week na ng November ngayon. Malapit na agad magDecember.

Maraming nangyari these past few days. Normal days parin naman. Either ako or si Marcus yung nagsusundo kay Mark sa school, dipende kung maaga awas ko. May times rin na sabay kami nagsusundo tapos nakain nalang kami somewhere. Kapag may assignment si Mark sa english, tinuturuan ko siya. Pati si Marcus nakikinig. Ang cute nga nila eh. Minsan nagffrench accent pa si Mark kapag nagsasabi ng english tapos gaya gaya naman si Marcus haha!

As of now, buti hindi pa ko nahuhuli ng parents ko na nagpapatira ako sa condo ko ng boys. Ang alam ko nagout of the country sila eh, pero nakabalik na ata kahapon. Isasama dapat nila ko kaso saktong exams ko non. Tsaka di ko naman pwedeng iwanan sila Marcus.

Omg tapos hanggang ngayon natatawa parin ako kapag naaalala ko nung araw ng patay. Walang pasok for three days, at wala rin kami ginawang tatlo kundi manood ng mga horror movies. LT sa reactions ni Mark at Marcus! HAHAHAH.

Doon pa sila natulog sa kwarto ko that time. Si Marcus kahit sa floor nalang daw. Si Mark naman, tumabi sakin. Takot na takot yung dalawa haha! Tapos kapag tinatakot ko sila, naniniwala naman AHAHAHA! Iniisip ko nga na iprank sila eh. Kaso nakakaawa naman pfft.

"Huwag niyo kakalimutan yung homework niyo. Sige na, class dismissed" sabi ng prof namin. Agad naman nagtayuan yung mga kaklase ko habang yung iba naman ay nagliligpit pa ng gamit.

Napatingin ako sa labas ng bintana, kanina pa naulan ng malakas. Hays. Kaninang umaga medyo mahina pa eh.

May payong naman ako kaso mukhang baha na sa labas. Mabilis kasi bumaha roon sa kalsada sa tapat ng school. Pero pagdating naman sa main road, hindi na. Kaso kailangan mo nga lang muna sumugod sa baha huhu.

At ayoko sumugod sa baha 'no. Baka mamaya magkaleptospirosis pa ko. Hindi naman sa pagiging maarte pero totoo naman kasi. Nakalimutan ko pa magdala ng bota, nagmamadali na kasi ako kanina. Bakit naman kasi elem at highschool lang walang pasok. So ano kami? Pano kami? Sa tingin ba nila may super powers yung college students? Grr.

Tatambay na nga lang muna ko sa library, gagawin ko muna yung assignment. Baka sakaling tumigil yung ulan. Aba kaninang umaga pa naulan, hindi pa ba siya napapagod bumuhos? Tibay niya ah. Sabagay, ang alam ko kasi may bagyo na papalapit ngayon sa Pilipinas.

"Hi Ella" napalingon naman agad ako sa tumawag sakin, si Airah pala. Kasama niya si Jeremy.

"Himala, napadpad ka rito sa library?" Asar naman ni Jeremy. Napailing iling nalang ako.

"Nagpapatila ng ulan" sagot ko. Tumango naman si Airah at tumabi sakin. Umupo naman si Jeremy sa harapan ko.

I can't say na close ko na sila pero friends na rin yung turing ko sa kanila. Although sila palagi yung unang lumalapit. I still have trust issues, though. Pero tingin ko naman, mapagkakatiwalaan talaga sila unlike sa iba na mga fake people. May mga haters parin ako pero medyo hindi na nagpaparamdam. Nagbabago na rin kasi ako. Pakiramdam ko nagmature ako simula nung napunta ako sa past.

"Ang sama nga ng timing eh. Kung kelan coding yung kotse ko tsaka naman umulan ng malakas. Maaraw naman kahapon" asar na sabi ni Jeremy. Napatawa naman agad si Airah.

"Ibig sabihin nun, malas ka" pangaasar ni Airah.

"Hindi 'no. Ang tawag don, wrong timing" sagot naman ni Jeremy. Napailing iling nalang ako sa kanila.

Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha na ng isang bondpaper at lapis. Kailangan ko magdrawing ng animal cell, yun yung assignment namin.

"Ewan ko sayo. Tulungan mo nalang ako sa assignment ko dali" rinig kong sabi ni Airah.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now