Chapter Sixty-Seven

Start from the beginning
                                    

"They said you must hand it to those people inside that big red tent. Mukhang sila ying 'mga nakakataas na tao'." Hmm...Ano ba 'to?

It's full of words written in a different ancient language. Sa next page ay may mga pirma ng mga hindi ko kilalang tao, still written in a language I can't understand. Binigay ko ang folder kay Harlington but he only shook his head. Wala din siyang alam dito.

Mahalagang impormasyon ang kung ano man ang nakalagay dito. Pero hindi namin ito maintindihan kaya may dalawang bagay na pwede naming gawin. It's either that we take it back to the base, or head to their base in the hopes of knowing something more. But I decided to go with the latter.

Harlington pointed towards the direction of the red tent, and it seems like he was thinking the same. Tumango ako sa kaniya at nagsimula na kaming lumakad papasok dito. I mean, ako lang pala. Harlington used his shadow magic to blend with the darkness. That ability of his shows much more potential in nighttime.

Sa harap ng malaking tent na parang isang bahay na, dahan-dahan akong pumasok dito and my heart started accelerating. For some reason, I'm feeling both excitement and fear. Bakit? Dahil sa kaisipan na hindi ko alam kung ano ang mangyayari but still looking forward to it. I guess reckless people feel the same.

Madilim ang loob pagpasok ko. The glow of the moon barely scatters around at wala akong makita dito. I suddenly stopped walking nang may maramdaman akong isang emosyon. Someone is inside this room. Tulad ng sabi sa akin, may tatlong lalaki dito. Pero hindi ko inexpect na ganito kadilim. But if ever that we'll get into a fight, malaki ang chansa ni Harlington sa dilim na ito.

Suddenly, a torch lit up medyo malayo sa unahan ko. Sa likuran ito ng lamesa at may isang lalaki na hawak-hawak ito. I can hardly see his face dahil sa dilim at ang makikita ko lang ay ang hood niyang nakatakip sa mukha niya. Seriously, this place feels sinister.

Hindi ko alam kung may sinabi ba siya pero tinaas niya ang kanan niyang kamay at inilahad ito. Na para bang iniimbita niya ako.

"Wala naman siyang sinabi diba?" I asked my spirits in my head. Theone and Ziandra are behind me, nakasunod lang sila sa akin.

"I don't think so." Sabay na sagot ng dalawa. These two are really helpful sa mga ganitong kaso.

Lumapit ako sa lalaki at pinakita ang folder, ito siguro ang habol niya. At ngayong malapit na ako, halos isang metro mula sa kaniya, kitang-kita ko ang maskarang nakaharang sa mukha niya. It's a full-face mask and there are small holes in it, ito siguro ang ginagamit niya pra makakita siya.

But something is weird. Wala manlang akong maramdamang emosyon mula sa kaniya. It's almost like how I feel normal around President. Pero hindi ako sanay dito. Is he even human?

Inabot ko sa kaniya ang folder at hinawakan niya ito. I let go as he took it away. He opened it near the torch at nagulat ako nang sinunog niya ito. He seriously just did that?! Akala ko ba mahalaga ang bagay na yan? He only scanned through the pages at tapos sinunog niya na ito.

Tinaas niya ulit ang kamay niya, and I felt his hand reaching out to me. Nanindig ang balahibo ko sa mga ginagawa niya that I unknowingly stepped backwards. I felt something from him. Not his emotions, but his actions. That feeling na parang kilala ko ang taong ito at kilala niya ako pero hindi ko alam kung sino o kung ano ba siya.

I stepped another step backwards and he finally stopped reaching his hand. Hindi ko alam kung bakit ako napabuntong-hininga pero tumigil siya sa paggalaw and stared at me. What is he even thinking? And what exactly is he planning to do?

Nilagay niya ang torch sa may lalagyan sa may pader sa likuran niya. Napunta ang direksyon ko sa mga larawang nakalagay sa pader. It was painting. My eyes grew wide upon seeing it. It was almost as if I could feel that soft grasses under the summer sky, it was almost as if I could hear the sound of the waves crashing down the shores, at para naring ramdam ko ang mga puting buhanging naaapakan ng mga paa ko.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now