Chapter Thirty-Nine

3.7K 136 6
                                    

Second Phase Begins

Andrea

Hindi ako makapaniwalang nakasakay ako ngayon sa isang mabangis na ibon na ang sariling lahi ay sinubukan akong patayin kanina. Nagulat ako nang makita ko si Iyana, hindi ko inaasahang nandito din siya sa parte ng gubat na ito. Nang sa taas na kami nakalipad, bigla akong nakahinga ng maayos.

"Si Keila nalang ang hahanapin natin." I said and she yawned. Bakit pagod na naman 'tong babaeng to?

"Ilang oras na akong naghahanap sa inyo. Nakakapagod."

"Teka nga, paano ba tayo ngayon sumasakay sa hayop nato?"

"Huh? Anong klaseng tanong naman yan?" At bakit ba prang gulat siya sa tanong ko? "Hindi ko magagamit ang ability ko kaya sinubukan kong lumipad then I forgot wala akong pakpak. Kaya nakasakay tayo ngayon." Hindi niya sinagot ang tanong ko. I sighed.

"Nakita ko na si Keila." My eyes widened when she said that.

"P-paano?"

"I scattered my bullets."

"Pero akala ko hindi mo magagamit ang ability mo?"

"Sa ibaba hindi, pero dito sa itaas pwede." Ang weird naman kung ganoon. Parang may isang bagay na nakapalibot sa buong gubat na hindi sakop ang sa itaas.

"Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo pero, nalaman kong may barrier na nakapalibot sa bawat bahagi ng gubat. Sa ikatatlong parte na ito, ay mas malaki ang barrier." Napatingin ako sa ilalim kung saan puro matataas na puno lang ang nakikita ko.

"Ibig bang sabihin ang mga barrier na ito ay ang rason kung bakit ang bawat parte ng gubat ay may limitations?" I asked and she nodded. "Then if I break the barrier—"

"Hindi mo maaaring gawin yan. Alam mong under surveillance ang lahat ng participants. There's only one person in the island who can destroy everything she makes contacts with, at yun ay si Andrea de la Valliere, pero ngayon ay hindi ikaw ang taong yun. So stick with your present identity." Yeah, I forgot about that.

"At isa pa, nahanap na natin si Keila. There's no need to exert more effort." Dagdag niya.

"Then how are you using your bullets?"

"I can make them invisible." Nagulat ako sa sinabi niya.

She can make then invisible? Is that her real ability? Kung nagdududa ako sa ability ni Keila, ganoon rin ako kay Iyana. I feel like she's hiding something but since it doesn't concern me, hindi ko ito binibigyan ng pansin.

The giant eagle started circling in the air. Ibig sabihin nun ay sa ibaba lang namin si Keila. Habang nagpla-plano kami kung paano bababa, may buglang dumaan na kung anong bagay rason kung bakit natapon palayo ang sinasakyan namin. The bird regained its balance.

Something just flew right below us oapunta sa itaas. Nang tuminghala ako, nagulat ako makita ang isa pang higanteng agila. Mas malaki pa ito sa sinasakyan namin. Pero hindi ito lumilipad ng maayos. Parang pinipilit nitong itaboy ang kung ano man ang sa likod nito.

Then I caught a glimpse of Keila riding just above its head. Nakita niya rin kami at may pinipilit isigaw pero hindi namin siya marinig.

"Mahuhulog siya. We'll just have to catch her." Sabi ko.

"I know. But this bird won't go near that thing. It's keeping its distant." Sagot niya. That means takot ang agilang sinasakyan namin sa mas malaking bagay sa unahan namin. This is bad.

Habang nag-iisip kami ng plano, nakikita din namin kung ano ang ginagawa ni Keila. Mukhang may ginagawa siya na hindi namin naiintindihan. Then there was a boy. She is with a boy. Mukhang hindi naman siya estudyante sa Academy since he's not wearing a uniform. Nagulat ako ng tinulak niya ang lalaki mula sa itaas.

Magnus Academy: The Cursed BloodDär berättelser lever. Upptäck nu